Maybe this Time

1.8K 41 7
                                    

Kadalasan sa mga istorya, mga babae ang palaging nasasaktan dahil sa mga lalaki. Oh diba? How ironic! Kapag sinasabi ng mga babae na "Ayoko na sayo, manloloko ka" naisip mo na ba ang dahilan kung bakit ka niloko? Malay mo meron kang nagawang mali kaya nya nagawa yung o di kaya ay masyado mo syang sinasakal sa pagmamahal.

Hindi naman totoo na lahat ng lalaki ay manloloko at hindi seryoso dahil ako mismo, kinailangan kong hiwalayan ang babaeng pinaka-mamahal ko para lang sa ikabubuti nya. Medyo masakit pero kailangan pero kailangan kong tiisin kasi para rin naman ito sa kanya pero ang masaklap pa...

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

sa huli, kinamuhian niya ako dahil sa hangarin ko na itama ang buhay niya...

Ako si Ranz Charles Samonte at ito ang lovestory ko..

[Ranz's POV]

Nandito ako ngayon sa gym at nag-papractice ng basketball dahil malapit na ang tournament namin. Ako si Ranz Charles Samonte, 16 years old at isang senior sa RidgeHigh University. Oo, medyo popular ako dito sa school na ito pero... who cares?! Itsura lang ba ang batayan dito? Hindi ah! Dapat matalino ka para makapasok sa school na to.

Nagmumuni-muni ako ng may biglang sumigaw mula sa likod ko..

"Ranz my labs!" at paglingon ko, nakita ko sya. Ang nag-iisang anghel ng buhay ko. Si Nixie ang girlfriend ko. Napangiti naman ako ng makita ko sya pagkatapos ay niyakap nya ako.\

"Tapos na ba ang klase nyo?" tanong ko sa kanya. Nag-pout naman sya.

"Hindi pa eh pero nag-cutting ako para sayo!" naka-ngiti niyang sabi sakin. Medyo nakaramdam naman ako ng sama ng loob.

"Nix, ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag kang mag-cucutting classes?!" medyo napataas ng konti ang boses ko kaya lumayo sya sakin ng konti.

"Bakit ba ha?! Hindi ka ba nasisiyahan na nakikita ako ha?!" sabi niya sakin at nakita kong medyo nangingislap na ang mga mata niya. Nataranta tuloy ako.

"Hindi naman sa ganon Nix pero---"

"Lagi na lang pero! Umamin ka na kasi na kaya ayaw mo akong masyadong makita, dahil may ibang babae ka!" humahagulgol na sya ngayon ng iyak. Sinubukan kong lapitan sya pero tinabig niya ang kamay ko.

"Ha?! Ano bang pinag-sasasabi mo Nixie? Anong ibang babae ka dyan?!" nalilito kong tanong sa kanya pero tiningnan niya lamang ako.

"Oo, siguro kaya ayaw mo ako masyadong makita dahil dyan sa babae mo! Ilabas mo nga yang hayop na bruha na yan!" ngayon ay nag-dadabog na sya sa harapan ko at sinusuntok-suntok ang dibdib ko. Marami ng mga tao ang tumitingin sa amin kaya hindi na ako naka-tiis.

"Pwede ba Nixie umayos ka nga!" napasigaw na ko na naging sanhi para tumigil sya at tumingin sa akin.

"Hindi ko alam kung paano mo nasabi yan pero napapagod na ako! Lagi na lang tayong ganito! Puro tayo away! Napapagod na ako! Alam mo kung hindi mo ako kayang pagkatiwalaan, i'm sorry pero break na tayo" at dahil dun, umalis ako sa gym ng wala sa oras. Umalis na ako kahit hindi pa tapos ang aming practice at iniwan doon si Nixie na luhaan at umiiyak. Ayoko sanang gawin ito pero wala na akong choice.

Kailangan na natin sigurong mag-hiwalay Nixie. Hindi ka mapapabuti kung ipagpapatuloy natin ang relasyon na ito. Happy Anniversary Nixie...

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon