10 Things I Hate About You <3

1.8K 35 10
                                        

There’s this guy who annoys me everytime but yet, I still fell in love with him. Hindi ko alam kung papaano pero it just happened. One morning I hated him and the next day I liked him. Hindi ko nga alam kung anong nagustuhan ko sa kanya kasi palpak ang ugali nya. Gumawa pa nga ako ng listahan ng 10 bagay na inaayawan ko sa kanya.

10 Things I hate about you:

1. Palagi mo na lamang akong inaasar

2. Palagi mo na lamang akong pinagtatawanan

 3.Isa kang manyak! Joke ^_^ Medyo..

4. Wala kang ginawa kundi ang bwisitin ako

5. Ang yabang mo

6. Napaka-manhid mo

7. Wala kang pakealam sa iba bukod sa sarili mo

8. You’re selfish

9. You never make any serious conversation with me

And lastly….

10. but despite all that, you made me love you so much

========================================================*

Ako nga po pala si Andrea Justine Enriquez o mas kilala bilang si Eya. 16 years old at 4th year highschool.

“Eya, tara na sa classroom, baka mag-time na eh maabutan pa tayo ng teacher nating mataray! Ay naku, ayaw ko sa bruhang-churva na yun ha! Masisira ang beauty ko!” si Daniela yan. Ang bakla kong best friend . Daniel kasi ang pangalan nyan pero mas gusto nya na Daniela ang ipangalan sa kanya. Pero alam nyo, Kahit bakla yan, ang gwapo-gwapo nyan. Sayang nga eh…

“Oh sige na Daniela! Alam ko namang mainit ang dugo sayo ni Ms. Forbes eh…” at nag-simula na nga kaming maglakad papuntang classroom.

“Eya! Hintayin mo ako!”

 >/////////<

Kinilig na naman ako and at the same time, nainis. Guys, si Christian nga pala. Si Mr. Heartthrob/taong kinaiinisan ko/ classmate ko/ palaging nangungulit sakin/crush ko rin. Lumapit na sya samin ni Daniela

“Pasabay na ako papuntang clasroom ha...”

Sige ba papa Christian! Basta ikaw! >///////////<

“Sige ba...” at pumunta na nga kami ng classroom.

--------------*

Habang nag-didiscuss si mam, kinukulbit palagi ako ni Christian. Hay naku !  Nantitrip na naman ! Hindi tuloy ako makapag-focus sa pakikinig ! Weh ? marunong ba ako nun ?

« pssst….. » si Christian na naman !

« Anu ba !?! »

« High-blood ka ata ^_^ »

« Dahil sayo ! » tapos, tinalikuran ko na lang sya. Mahirap na, baka lalo lang akong mainis sa kanya. Then maya-maya, may kumulbit na naman sakin.

“Anu ba?!!!!!----

O____________________O

Si Ms. Forbes !

 >//////////////////<

“Yes Ms. Enriquez ? Do we have a problem ? »

“N-no mam… I’m perfectly fine!” at tumalikod na ako. CHRISTIAN!!! Lagot ka talaga sakin! Palagi mo na lamang akong ipinapahamak!

----LUNCHBREAK----

“Eya!” hmmp! Sya na naman?! Hindi ba nya ako tatantanan?! Kanina ko pa yan pinag-titimpian eh! Baka mapatay ko na itong taong ito!!

“Ano na naman ba Christian ha?! Pwede ba, tigilan mo na ako! Sawang-sawa na ako ha! Bakit ba palagi na lamang ako ang pinag-titripan mo ha?!”

Hindi naman sya sumagot. Sa halip, yumuko lang sya at hindi na nagsalita pa. Dahil badtrip na talaga ako, umalis na lamang ako…

Bakit ba ganoon sya sakin? Masaya ba sya kapag nakikita nyang nahihirapan ako ha?! Masaya ba sya kapag napapa-hiya ako? Bakit kailangang ako pa ang pag-tripan nya?! Bakit ako pa?! Ako na nagmamahal sa kanya… bakit ako pa??

At hindi ko namalayan, umiiyak na pala ako…

--------*

Kinabukasan, nag-lalakad ako sa hallway. Binabasa ko yung listahan ko ng 10 things I hate about him hanggang sa…..

*BOOOOOOOGSH!

Napa-upo naman ako at nabitawan lahat ng hawak ko. Ang sakit nun ah!

“Naku sorry Eya ha! Hindi kita sinasadyang bungguin….” Parang pamilyar sakin yung boses eh. Pag-angat ko ng tingin ko, nakita ko si Christian na naka-lahad ang kamay sakin at tinutulungan akong maka-tayo.

“A-ah… A-ayos lang naman ako” pagkatayo ko, pinulot ko na lahat ng gamit ko.

“SIge una na ako ha!” at kumaripas na ako ng takbo.

“Eya sandal!” pero hindi ko na sya nilingon. Masyado akong natatakot na baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at lalo lamang akong mahulog sa kanya…

Pagdating ko ng room, inayos ko na ang mga gamit ko kasi lunch naman ng may mapansin ako…

“Nasaan yung listahan ko?!” hala lagot! Nawawala yung listahan ko ng 10 things I hate about you! Pag may nakabasa nun, lagot ako! Shemay naman oh!

Lumabas ako ng room at naghanap sa hallway hanggang sa nakita ko itong naka-dikit sa locker ko.. >/////////////////<

Shets! May naka-basa!

.

.

.

.

.

.

.

“Eya……..”

O_______________________________O

Si Christian!!! >///////////<

Napatingin naman ako sa kanya at naka-ngiti sya sakin…

“Diba tinanong mo sakin kung bakit ikaw palagi ang pinagtitripan ko? That’s easy. It’s because, I wanna be closer to you. Gusto kong malaman ang lahat ng tungkol sayo. Yun lang kasi ang way para mapalapit ako sayo because dati, I felt that you’re so distant and I’ll never be able to reach you but I was wrong. Kung ang pagiging makulit ko lamang ang kailangan para mapansin mo ako, sana matagal ko nang ginawa ito…”

“Wait---- are you telling me…”

“Yes Eya, I love you and I know you love me too…”

“Pano mo nalaman?!”

“Ako kasi ang naka-pulot ng list mo ^________^”

>///////////////<

And I know that this is the start of a happy lovelife <3

THE END

One Shot StoriesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon