Naranasan nyo na bang ma-inlove sa bestfriend ng kuya mo then nahuli ka pa nya! Shets lang noh?!
Well, this story is dedicated to my dearest cousin, Camz ^__^
Couz, eto na request mo!!
====================================================================
“Wow! May bagong picture na pinost si Michael sa facebook! Yes! Hehe, mai-print screen nga!” at ayun, prinint screen ko yung bagong picture ni Michael. Hindi pa ako nakuntento, sinave ko pa sa computer namin. Sorry ha! Ganyan lang talaga ako mabaliw kay Micheal! Matagal na kasi akong may L.P sa kanya...
Hindi Lihim na Pagnanasa ha! Lihim na Pagtingin ang ibig kong sabihin.
Si Michael Angelo Castillo
ü Gwapo
ü Matalino
ü Maputi
ü Matangkad
ü Magaling mag-basketball
ü School Heartthrob
ü Gentleman
ü Bestfriend ng kuya ko
ü IDEAL GUY KO!!
Eh ako? Kamusta naman ang face ko?
ü Simple
ü Maputi
ü MEdyo may katangkaran
ü Sabi nila maganda daw
ü May 2 dimples sa pisngi
ü Player ng volleyball
ü Nothing special!!
Ako nga pla si Camille Anna Salcedo… 15 years old… Single!!
Hay! Sa dami ba naman ng nagkaka-gusto dun, anung panama ko noh?! Bestfriend sya ng kuya Rixel ko at 4th year highschool na sila habang ako ay nasa 3rd year highschool pa lamang. In short, 1 year ang agwat ng age namin.
Alam naman ni Kuya na crush ko ang bestfriend nya. Pinakiusapan ko na rin sya na wag sabihin kay Micheal na crush ko sya kasi ang turingan namin ni Micheal ngayon ay parang magkapatid na. Baka bigla akong layuan nun!
Inopen ko yung paint at dun ko pinaste yung prinint-screen ko kanina. Crinop ko yung picture nya at nilagyan ko yun ng picture ko. Hehe! Para Kahit papano kunyari may picture kaming pareho. Tapos pinaglalagyan ko sya ng pink na hearts! Yiiieeh! Hehe kinikilig na naman ako >////////////<
Nilagyan ko pa sya ng ibang mga heart designs at yun….. BOOOOOOOOOOOOOOOOOM! Natapos ko na! Pinagmasdan ko yun ng matagal! Kung anu-ano pa ang pinag-gagawa ko dahil hindi pa ako nakuntento! Binuksan ko pa yung photoscape ng computer namin at nag-edit pa ako….
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nang biglang…………….
“Wow! Nice! Kaya lang, I prefer yung kulay red na hearts kesa sa pink” bigla akong nanigas sa pwesto ko. Ayoko man lumingon pero kinakailangan eh at ayun….
Si Michael pala at tsaka si Kuya eh naka-tayo sa likod ko!!
>///////////< nakaka-hiya!
“K-kanina pa ba k-kayo dyan?” tanong ko sa kanila
“Oo at kanina parin kami nanonood sayo ^_^” ---Michael
“Sige maiwan ko muna kayong dalawa dyan!” ---Kuya
“Naku sorry talaga Michael ha! Hayaan mo! Idedelete ko na lamang yan!” pipindutin ko na sana yung delete button pero pinigilan nya ako
“Bakit, may sinabi ba akong idelete mo yan?”
“A-ano kasi….”
Kinuha nya yung mouse at nagdrawing ng isang malaking heart dun sa picture naming dalawa… Naiyak naman ako dun sa sinulat nya…
MICHAEL <3 CAMILLE FOREVER
THE END
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Teen FictionIto po ay collection ng mga oneshot stories na ginawa ko ^__^ Sana po ay magustuhan nyo ang aking mga stories.. And yes, lahat po ito ay puro romance^^