Chapter 6: All of a Sudden

18.9K 354 3
                                    

Aaliyah Catarina Franco

Matapos ang simpleng salu-salo ng pamilya sa gazebo, niyaya ako ng mommy ni Napoleon na maglakad-lakad sa garden.

"Ikaw pala ang napili ng asawa ko para mapangasawa ng anak ko." Seryosong saad ng mommy niya.

"Opo."

"My husband didn't made a wrong choice after all." Nakangiting wika niya habang nakatingin siya sa akin. "Honestly, ayoko sa ideyang to. Ayokong ipakasal ang anak ko sa taong hindi niya mahal. I know the feeling of getting married to someone whom you don't love."

"Talaga po?"

"Yes. Cause I myself is a victim of arranged marriage." She smiled at me. "Nakakatawa lang na kaaway ko pa ang napangasawa ko."

"So ibig sabihin po, magkaaway kayo ni Mr. Santillan dati?"

"Oh yes my dear. Mortal enemies pa nga. Marami kaming pinagdaanang dalawa. Wala ni isa sa aming dalawa ang nagkahinuha na mamahalin namin ang isa't-isa. Haha." Natatawang kwento ni Mrs. Santillan.

Napangiti ako. Mukha kasing masaya siya sa nangyari sa kanila ni Mr. Santillan. Ramdam ko yung pagmamahal niya para sa asawa niya.

"Wala naman akong sasabihin sayo iha pero sana alagaan mo ang anak ko. Alam kong hindi ko dapat hinihiling sayo yan dahil ang anak ko dapat ang gagawa nun para sayo pero kailangan din ng anak ko ng isang taong mag-aalaga sa kanya. Sana magawa mo ang pakiusap ko sayo." Mrs. Santillan

Isang pilit na ngiti lang ang itinugon ko sa kanya. Hindi ko kayang bigyan ng assurance ang nanay niya kung alam ko sa sarili kong hindi rin ako sigurado.

Hindi ko alam kung magwowork ang relasyon namin ni Napoleon. Kung hahayaan niya ba akong alagaan ko siya gaya ng pakiusap ng nanay niya. Lahat kasi yun nakadepende sa kung paano magwowork ang relasyon namin.

Naagaw ang atensyon namin ng grupo ng mga lalakeng isa-isang pumapasok sa garden.

Sandali, eto yung ExO ah?! Anong ginagawa nila sa bahay na ito?

"Kilala mo sila?" Tanong ni Mrs. Santillan sa akin. Malamang nacurious siya sa paraan ng pagtitig sa akin.

Tumango ako. Kilala ko sila sa pangalan pero hindi sa pagkatao. Ang alam ko lang gangsters sila. Beyond that? Hindi ko sila kilala.

Nakatingin lang ako sa kanila sa malayo. Tinatanaw sila. Sinong mag-aakalang bungisngis ang mga gangster na to? Tawa sila ng tawa habang pumupunta sa tables and chairs na nakaset up hindi kalayuan mula sa maze garden kung nasaan sina Blake at Napoleon.

Nagman to man hug silang lahat nang salubungin sila nila Napoleon at Blake. Kaibigan pala nila sina Napoleon?

Pinagpatong ko ang dalawang braso ko habang tinatanaw sila. Who would have thought na gangsters tong mga to?

Hindi sila kagaya ng mga usual na gangster na nasa kalye. Maayos at disente ang suot nila.

Napagpasyahan kong lapitan sila para makilala ko na rin tong mga pontio pilatong kaibigan ng mapapangasawa ko.

"Hi guys." Nakangiti kong bati sa kanila.

Nakita kong nawala ang ngiti sa mga labi nila. Ilang segundo lang din, nanlaki yung mata nung ilan sa mga kasama nila.

"Teka, ikaw si Aaliyah Catarina Franco di ba?" Tanong nung chinitong lalake.

Napataas ang kilay ko. "Oo. Ako nga. How did you know me?"

"Kasi nakita namin sa ipad ni-hmmmmph!" Hindi na niya natuloy yung sinasabi niya nang pasakan ng tinapay ni Napoleon yung bibig niya.

Bastusing nilalang talaga tong si Napoleon. Walang modo eh.

Saved by the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon