Aaliyah Catarina Franco
Kahit ano talagang mangyari, manyak pa rin talaga ang lalakeng yun. Okey na sana eh. Pinasok lang ulit yung kamanyakan niya.
"Good morning Aaliyah." Napoleon
"Good morning din."
Didiretso sana ako sa kusina para sana magluto ng agahan pero bago pa man ako makarating sa kusina, nadatnan ko ang dining table namin na punong-puno ng pagkain.
"Anong meron dito sa atin? Tapos na ang house blessing di ba? Birthday mo naman ba ang kasunod?" Tanong ko kay Napoleon.
Sobra naman kasi sa dami ang pagkaing nakahain sa mesa. Dalawa lang naman kaming kakain. Maraming masasayang na pagkain.
"Hindi." Hindi ko namalayang nasa likod ko na pala siya. Tinignan ko siya ng masama.
Napakamot siya ng batok. "Ano kasi ..."
"Ano?"
"Hindi ko kasi alam kung anong gusto mong kainin tuwing agahan. Kaya ginaya ko na lang yung mga nakahain sa mansyon tuwing umaga." Paliwanag niya.
Napalingon ako ulit sa mesa. Lahat yan nakahain sa mesa nila sa mansyon tuwing agahan?!
Buti hindi sila pamilya ng matataba. Ang sesexy at ang fifit nga nila eh.
"Grabe lang ah. Iisipin kong buffet ang almusal niyo sa mansyon araw-araw. Mabuti pa, kumain na tayo." Umupo ako sa upuan katabi niya.
Iniisip ko ngayon kung paano namin uubusin lahat ng nakahain ngayon sa harap namin.
"Ikaw ang nagluto neto?"
"Oo. Maaga akong gumising para maihanda ang lahat ng to. Pambawi na rin sa atraso ko sayo kahapon." Lumapit sa akin si Napoleon at nag-abot ng isang bouquet ng yellow roses.
"Yellow roses? Di ba dapat red?"
"Rose pa rin yan. Kulay lang pinagkaiba." Napoleon
Sabi ko nga eh. Pinilosopo na naman ako. Hindi ba alam ng lalakeng to ang meaning kapag nagbigay ka ng yellow roses?
Napapailing na lang ako. Napaghahalataang manyak tong lalakeng to.
Psh. Makakain na nga lang. Mukha kasing wala namang muwang ang isang to sa kung anong ibig sabihin ng pagbibigay ng yellow roses.
Naappreciate ko ang efforts ni Napoleon. Kahit na sa simple gestures, he never failed to make me feel special. Kahit pa ba napagkasunduan lang ang kasal naming dalawa.
Andrew Napoleon Santillan
Habang tahimik kaming kumakain, hindi ko maiwasang maalala yung gulong nangyari dito habang hinahanda namin tong agahan na to.
Oo. Nagsinungaling ako kay Aaliyah. Hindi naman ako marunong magluto kaya paanong makakayanan kong iluto lahat ng yan? Ang ExO at si Shanelle ang naghanda at nagluto ng mga yan.
Nagising ako nang maramdaman kong nagvibrate ang telepono ko. Alas tres na pala ng madaling araw.
"Hello?"
[Hello bro. Nasa labas na kami ni Shanelle. Buksan mo na yung gate.]
Talagang binitbit niya pa si Shanelle? Akala ko ba kaya niya na mag-isa to?
"Bakit kasama si Shanelle?"
[Alam mo na bro. Hehe. Hitting two birds with one stone.]
"Ewan ko sayo. Pababa na ako."
Bumangon ako sa kama saka pinagbuksan ng gate sila Shanelle at Antonov. Parehas silang may dalang brown paper bags. Pinapasok ko na silang dalawa.
BINABASA MO ANG
Saved by the Gangster
Teen Fiction[The Andrew Napoleon Santillan Story] [Santillan Siblings Series # 3] I guess the Santillan and Ricafort genes is not done yet. Eto na naman ang mga dugo nila at naghahasik ng lagim sa mundo ng mga gangster. Antonov and Napoleon. The twin brothers w...