It was a cold summer night on Madrid when he received a phone call late night. It was a phone call from the Philippines and his heart is throbbing so fast as the caller's name appeared on his mobile phone.
Kabuwanan na ngayon ni Aaliyah at agad na kumabog ang dibdib niya ng makita ang pangalan ng mommy niya sa phone niya.
Araw-araw ay wala siyang tigil sa pananalangin na sana maging ligtas ito at ang magiging anak nilang dalawa.
"Mommy! Bakit? May nangyari ba?" Kabadong tanong niya as he answered the phone.
"Aaliyah gave birth already. Lalaki ang anak niyo." Nakahinga siya ng maluwag ng marinig na nanganak na si Aaliyah.
Thanks God!
"Mommy how is she? Ayos lang ba si Aaliyah? Is she fine?"
"Relax Napoleon. Aaliyah is safe. Your child is safe. Napatawag ako because I want to ask you what do you want to name your child."
May kung anong kumurot sa puso niya. He wanted to be with his son. He wants to be with him. He wants to hold him and feel him. He wants to see him but he can't and he won't.
"Mommy ... Di ba dapat si Aaliyah na lang ang magdesisyon niyan?" Pinigilan niyang maiyak. Gustuhin man niyang maging parte ng mahalagang pangyayaring ito, hindi pwede.
"I know. Hindi na nga dadalhin ng bata ang apelyidong Santillan. We agreed to that even though we wanted to tell Aaliyah so badly the truth. Hayaan mo namang maging parte ka ng buhay ng anak mo. Kahit man lang sa pangalan."
Pinikit niya ang mga mata. Matagal na niyang napag-isipan kung ano ang ipapangalan sa anak niya. Nahanda na niya ang ipapangalan niya kung sakaling mabibigyan siya ng pagkakataong pangalanan ang anak niya.
"Ashton Noah." Sambit niya habang humihigpit ang kapit niya sa teleponong hawak niya.
"What?"
"I want to name my son as Ashton Noah mommy." Patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata niya.
"Nice name Napoleon. See you soon anak."
"See you soon too mom." Ibababa na sana niya ang tawag ng may maalala siya. "And please tell my son I love him so much. Kiss him for me mom please?" Hindi na niya naitago ang paghikbi bago niya maibaba ang tawag.
Nasasaktan siya dahil pinagkakaitan siya ng pagkakataong makasama at makapiling ang anak niya.
Matagal niyang hinintay ang pagkakataong makasama ang taong minamahal at ngayong magkakaroon na sila ng pamilya, tsaka pa hindi pwede.
Andrew Napoleon Santillan
Napabuntong-hininga ako ng maalala yung panahong itinanong sa akin ni mommy kung anong gusto kong ipangalan sa anak ko.
He really did inherited a lot of traits from me. Pati na ang berde kong mga mata at ang pagiging diabetic ko noong bata pa lang ako namana niya.
I know how hard it is for a child to be diabetic in such a young age. Maraming bawal at nagiging hadlang yun para maramdaman ko ang tunay na pagkabata.
Maybe that was the reason why I grew up being a stiff person. Nasanay akong nasa bahay lang at hindi nakikihalubilo sa iba.
"Why are you here? Kumain ka na ba?" Tanong ni Aaliyah.
Sumandal ako sa railings sa terrace at humarap sa kanya. "Yeah. Kanina lang."
"I see." Yumuko ito saka kinamot ang batok. Napapangiti ako habang tinitignan siyang nahihiya sa akin. Maybe it's weird but I am glad to know that I still have the same effect on her.
BINABASA MO ANG
Saved by the Gangster
Teen Fiction[The Andrew Napoleon Santillan Story] [Santillan Siblings Series # 3] I guess the Santillan and Ricafort genes is not done yet. Eto na naman ang mga dugo nila at naghahasik ng lagim sa mundo ng mga gangster. Antonov and Napoleon. The twin brothers w...