Aaliyah Catarina Franco
Nakatulala lang ako sa isang magkasintahang nagtatalo hindi kalayuan sa akin. Mali pala, dating magkasintahan na nga pala sila.
"Wala naman akong ginawa kundi mahalin ka ng tapat. Bakit hindi pa rin sapat para sayo ang ginawa ko?" Saad nung babae habang patuloy siyang umiiyak.
"I'm sorry. I don't love you. No. I never loved you. I'm sorry." Yun ang mga naging huling salita nung lalake bago niya tuluyang iniwan ang babae na lumuluha dito sa parke.
Napabuntong-hininga na lang ako. Sa mundong to, hindi mo talaga malalaman kung sino talaga ang nararapat para sayo. Sana nga may makaimbento ng machine na siyang magkakapagsabi na ang taong iyon ang itinadhana para sayo.
Kinuha ko ang ipod ko sa bag saka sinalpak ang headset ko at nagpatugtog.
"Naniniwala na ako sa forever ... Magmula ng makilala kita ..."
Bahala na by JaDine. Napapaisip din ako kung makikilala ko nga ba yung sinasabi nilang kita. Ang taong magpapapaniwala sa akin sa salitang FOREVER.
"YOU JERK!"
Napalingon ako sa likuran ko. Dinaig pa ng babaeng to yung boses ng player ko. May couple na namang nagtatalo. Yung totoo? National Break Up Day ba to?
"Yes. I am a jerk and you're a slut. You're nothing compared to my fiance." Cool na saad nung lalake.
Napataas ang kilay ko. May fiance na pala pero may ibang babae pa? Ang mga lalake talaga.
"WHAT? May fiance ka pala?" Napangiwi ako nang sampalin nung babae yung lalake. Ouch. Masakit yun. "Go to hell you jerk!"
Hinawakan naman nung lalake yung pisngi niya. Malamang nasaktan. Halata naman kasi namula yung pisngi niya.
Hindi ko rin maintindihan yung babae. Ano bang nagustuhan niya sa lalakeng to? Nagpapakatanga sa maling tao.
"Hey bro. Good job."
Nanlaki ang mata ko ng makitang may isang lalakeng lumapit sa kanya na kamukhang-kamukha nung lalakeng nasampal nung babae. Magkamukhang-magkamukha talaga sila. Magkaiba lang yung suot nilang dalawa. Nakajacket na may hood lang yung bagong dating at nakaslacks.
"Yeah right. Can I just change my clothes now? This clothes is so itchy." Ramdam na ramdam ko ang iritasyon niya sa tono pa lang ng pananalita niya.
Kinuha ko ang ipad ko sa bag saka binuksan ang note.
Dear Diary,
Dumadami ang manloloko at loko-loko sa mundo. Hindi naman sila mauubos kaya sana mabawasan na lang ang dami ng mga naloloko at ng mga tanga sa mundo.
Napatingin ako sa telepono ko nang maramdaman kong nagvivibrate yun. Agad kong sinagot ang tawag nang makita kong si Daddy ang tumatawag.
"Yes dad?"
"Pumunta ka sa Fallen Angel's Café." Dad
"Sure dad."
Hindi naman kalayuan ang Fallen Angel's café mula sa kinaroroonan ko ngayon. Sa katunayan, 15 minutes walk lang naman yun mula sa park kung nasaan ako.
Ang Fallen Angel's café ay tinayo para sa Hell Section. Nitong nakaraan lang naging open para sa lahat ang lugar na ito. Dala na rin marahil ng kasikatan ng hell boys, maraming babae at estudyante ng Hammerstein University ang sumasadya rito.
Pagpakapos ko ng café, agad kong napansin ang kumpulan ng mga babae sa sulok ng café. Napailing ako nang makitang pinagmamasdan nila si Alezander Jacobs na kasalukuyang barista ng Fallen Angel's Café. Araw-araw kasi kung magtrabaho ang mga hell boys dito. Malamang nakaassign sa araw ng miyerkules ay si Zander.
BINABASA MO ANG
Saved by the Gangster
Fiksi Remaja[The Andrew Napoleon Santillan Story] [Santillan Siblings Series # 3] I guess the Santillan and Ricafort genes is not done yet. Eto na naman ang mga dugo nila at naghahasik ng lagim sa mundo ng mga gangster. Antonov and Napoleon. The twin brothers w...