Chapter 36: Closure (Part 1)

17K 266 13
                                    

REMINDER: The italicized parts are the flashbacks which are written in third person point of view. Friendly reminder lang to avoid confusion. Arasso?

Kung may mga katanungan, icomment na lang. Okey? :)

=~=~=~=~=~=~=~=~=~=

Andrew Napoleon Santillan

It's been two weeks. Two long weeks since she ran away. Hindi ko naman siya masisisi dahil kasalanan ko.

"Bro, what will you do now? Hinahanap na ni Ashton ang nanay niya." Simpleng saad ni Antonov habang pinapatulog si Rafa na kasama sa kwarto ni Ashton.

"I know. Hindi ko na nga alam ang kung ano pang idadahilan ko sa anak ko."

"Bro, kailangan mo ng kausapin si Aaliyah. Walang mangyayari sa inyo kung mag-iiwasan kayong dalawa."

She's been avoiding me. Ilang beses na akong pumunta sa condo kung saan siya tumutuloy ngayon para makipag-usap at magpaliwanag but she just wouldn't let me explain.

"Bro, kahit na ang asawa ko-"

"Bestfriend lang Antonov. Hindi pa kayo kasal."

"Dun din ang punta namin bro. Pero back to the main topic, nadadamay kami ng mag-iina ko. Ayaw na naman ako makita ni Shanshan. Ayusin niyo na yan bro!" Inis na saad ni Antonov.

"Bro alam mo hindi kami ang dahilan kung bakit iniiwasan ka ni Shanelle. Malamang natakot na dagdagan mo na naman yung mga anak niyo. Nakakahiya ka bro. Tatlo na anak niyo pero hindi kayo kasal."

"Eh ayaw niyang magpakasal sa akin. Pero bro, nakakahiya naman sayo. May anak na rin kayo ni Aaliyah pero hindi rin kayo kasal. Nakakahiya ka bro."

"I guess we really are Santillans."

"Yeah."

Napatitig ako sa anak ko. Wala siyang kamuwang-muwang sa mga nangyayari sa paligid niya.

As much as possible, I want it to stay that way. Gusto kong ilayo sa sakit at gulo ang anak ko. He will be the last person i'll be saving from this pain and misery we are experiencing right now.

Tumayo ako saka idinial ang number ni Aaliyah. Nireject niya ang tawag ko kaya nagdesisyon akong itext na lang siya.

"Let's talk. I'll tell you everything."




Aaliyah Catarina Franco

Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yung sakit. I wanted to forget everything but I know I can't.

Hindi ko na muna kinuha si Ashton sa kanila. Gusto kong makapagisip-isip ng maigi. Ayokong maging padalos-dalos kahit na nangingibabaw ang galit ko sa ginawa nila.

Galit ako sa ginawa niya pero hindi sa kanya.

Pumunta siya dito dalawang linggo na ang nakakaraan. Handa na sana akong kausapin siya pero nang makita ko siya, parang eksena sa pelikulang bumalik lahat sa alaala ko ang nangyari noon.

Nakaramdam ako ng matinding galit kaya hindi ko siya hinarap.

Alam kong aabot lang kami sa puntong magsusumbatan kami. Iikot ng iikot lang ang usapan.

"Ano ng plano mo ngayon?" Nandito sa condo si Shanelle kasama ang mga anak niya.

Bilib din ako sa babaeng to. Wala pang dalawang linggo mula ng manganak siya pero nandito sa condo ko.

Noong tinanong ko siya kung bakit nandito siya, sabi niya ayaw daw niya sa bahay nila at nabubwisit daw siya sa mukha ni Blake.

Ang lakas lang ng topak ng bestfriend ko. Buti na lang ako sanay na sa topak niyan. Eh paano si Blake?

Saved by the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon