Chapter 27: She's Back

13.8K 233 11
                                    

Aaliyah Catarina Franco

It's been days. Four days to be exact. Sa loob ng apat na araw, hindi ko mabilang kung ilang beses binaboy ng lalakeng hindi ko naman kilala ang katawan ko.

Ano pa bang dapat kong maramdaman? Hindi ko na nga alam kung ano talaga ang nararamdaman ko. Para akong patay na nasa katawan ng buhay.

I breathe, I move, I blink, I look and so on and so forth. Just like any other human being.

But I know there is something inside of me which is lost. Wala na.

Pilit kong hinahanapan ng sagot ang katanungang bakit pa ba ako nabubuhay?

I hoped and prayed to see my mom to ask her the questions which she answered. I was hoping that she was like any other mom. That she didn't wanted to leave me but she had to. That she loves me very much and she'll make it up to me.

But I was wrong. Her words are blades that are continuously shattering my heart into pieces. Durog na durog na ang puso ko pati na ang pagkatao ko. Wala ng natira sa akin.

Tumayo ako sa kama at tinignan ang sarili ko sa salamin na nandito rin sa kwartong to.

I looked the same but I ... I looked so miserable. I closed my eyes as I touched the bruises that was made by the man who raped me.

I begged. I plead. Lahat ginawa ko na pero ganun pa rin. Binaboy niya pa rin ang pagkatao ko.

Wala sa sariling napalingon ako sa pinto ng marinig ko ang door knob na bumukas. Pumasok ang isang lalakeng hindi ko kilala.

"Kumain ka na. Hindi ka pwedeng magutom at gagamitin ka pa niya mamaya. Hindi ka makakaalis ng islang to hanggat hindi ka nabubuntis."

Inilapag niya ang isang tray na may pagkain sa mesa saka lumabas ng kwarto.

I wanted to leave. Gusto kong umalis at tumakbo papunta kay Napoleon pero ... Pero hindi ko magawa at hindi ko kaya.

Paano ko pa haharapin ang taong mahal ko kung alam kong may iba ng gumalaw sa akin? Wala na akong lakas ng loob na harapin siya pagkatapos ng lahat ng nangyari.

Apat na araw na akong umiiyak. Sa tuwing pumapasok sa isip ko si Napoleon, hindi ko mapigilang umiyak.

Hindi ko man ginusto, nagtaksil na ako sa lalakeng mahal ko. I don't even want to continue living my life anymore. Mas gusto ko na lang na mamatay.

"Oh? Bakit hindi ka pa kumakain? Pasalamat ka pa nga binuhay pa kita."

Naikuyom ko ang kamay ko ng makita ko siya. I don't see her as my mom anymore. She's more like a devil. Sa tuwing nakikita ko siya, mas lalong lumalala ang sakit na nararamdaman ko.

But her statement made me worry. "Anong ginawa mo sa bestfriend ko?" Instead of answering me, she smirked at me. "ANSWER ME! ANONG GINAWA MO KAY SHANELLE?!"

She smiled evilly. "Pinapatay ko tapos pinatapon ko ang bangkay sa dagat. Matagal ko ng gustong gawin sa kanilang dalawa ni Elle yun pero hindi ko matuloy-tuloy. Yung bastardang Elle na yun, hindi ko magalaw dahil asawa siya ni Chua. Pero wag kang mag-alala. Susunod na siya sa kapatid niya."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. How could she be my mom? Alam kong hindi ko dapat to iniisip pero nagpapasalamat pa ako at iniwan niya kami ni Daddy. She doesn't deserve daddy!

Nilapitan ko siya saka pinaghahampas sa dibdib. Wala siyang karapatang saktan ang mga taong mahalaga sa akin. "HOW DARE YOU! WALA NAMANG KASALANAN SI SHANELLE SAYO! BAKIT MO SIYA DINAMAY DITO?!"

Malakas na sampal ang tumama sa pisngi ko kaya napaupo ako sa sahig. Maski yung sakit ng sampal niya hindi ko na maramdaman. Mas masakit kasi dito. Masakit dito sa puso ko.

"KASALANAN NIYA DAHIL NAGING ANAK SIYA SA LABAS NI ENRICO! KUNG HINDI SANA SIYA ANAK NI ENRICO SA LABAS, BAKA PINATAKAS KO NA SIYA!" Malakas niyang sigaw.

Wala na akong lakas para makipagtalo pa sa kanya. Pagod na pagod na ako.

Wala na si Shanelle. Nakakulong pa ako sa islang to.

Gusto ko na lang mamatay para matapos na ang lahat ng to.

"Bakit hindi mo na lang ako patayin? Wala namang pinagkaiba kung gawin mo yun. Patay na ang pagkatao ko. Patayin mo na lang ako."

"No way. Hindi mo pa nga nararanasan ang kalahati ng sakit na dinanas ko." Ngumisi ulit siya. "Mararanasan mo pa kung paano hindi tanggapin ng lalakeng mahal mo sa oras na malaman niyang nabuntis ka ng ibang lalake."

That is one painful reality that I am so afraid to face. Paano kung makabalik nga ako ng buhay pero hindi na ako matanggap ni Napoleon? Makakayanan ko ba?

"HOY IKAW!" Tinuro niya yung lalake sa labas. "Galawin mo na to. Kailangan mabuntis to kaagad."

Pumasok yung lalake at gaya ng nakasanayan, may takip ito sa mukha.

Pagod na pagod na ako. Hindi pa ba matatapos ang lahat ng to?

Kusa na akong humiga sa kama at hinayaan siyang gawin ang gusto niyang gawin.

Wala na akong pakialam kung ano pang gawin niya sa akin. Wala na rin namang saysay ang buhay ko.

"UGGGH!" Agad akong sumuka sa lababo dito sa banyo. Anong oras pa lang pero nagising ako sa kagustuhan kong sumuka.

Ilang minuto pa akong nagstay sa tapat ng lababo bago ako bumalik sa kwarto. Three weeks of hell. Tatlong linggo na akong nabubuhay sa mala-impyerno kong buhay sa lugar na to.

And yes. What I experienced earlier was a morning sickness. One of the signs when a lady is pregnant.

And I am now two weeks pregnant.

"You can go back now. Ipaalam mo sa lahat na kaya ka hindi sumipot sa araw ng kasal mo dahil nagpabuntis ka sa iba. Hahaha!" Malakas niyang tawa bago niya ako pinalabas ng bahay at pinasakay sa helicopter na magdadala sa akin sa siyudad.

Hinilamos ko ang mukha ko sa mga kamay ko. How would I face everyone now?

Paano ko sasabihin sa pamilya ni Shanelle na wala na siya?

Paano ko haharapin si daddy? Papaniwalaan niya kaya ako kapag nasabi kong si mommy ang may kagagawan ng lahat ng to?

At si Napoleon? Galit ba siya? Paano kung buong akala niya hindi ako sumipot sa kasal naming dalawa? Paano kung kamuhian niya ako?

Ang dami kong tanong pero hindi ko alam kung paano ito magkakaroon ng kasagutan.

Kinamumuhian ko ang sarili ko dahil hinayaan kong gawin ni Katrina ang mga bagay na yun sa akin.

Pero mas kinamumuhian ko ang sarili ko dahil hindi ko kayang kamuhian ang nanay ko kahit na ano pa man ang ginawa niya.

Dahil kahit pagbali-baliktarin ko man ang mundo, siya pa rin ang nagluwal at siya pa rin ang nanay ko.

Ilang minuto lang din ang lumipas at lumapag ang chopper namin sa isang pamilyar na building.

"No. Not here! Ayoko dito!"

Pero wala akong nagawa dahil umalis na muli ang chopper pagkababa na pagkababa ko.

Huminga ako ng malalim. Kinakabahan ako at natatakot ako. Sa lahat ng taong makakaharap ko, siya ang kahuli-hulihang tao na gusto kong makita at pagpaliwanagan.

Pagkamulat ko ng mga mata ko, I made my way to the exit of the rooftop of the Santillan Empires Building and face the man I love.

A/N: Ano sa tingin niyo ang mangyayari sa next chapter? Wala lang. Natanong ko lang. HAHAHA!

Saved by the GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon