Andrew Napoleon Santillan
"MGA GAGO! PWEDE NIYO NA KAMING IBABA DITO! NASA LOOB NA SILA DI BA?" Malakas na sigaw ni Antonov.
"Oo nga. Pwede niyo na rin siguro akong kalagan di ba?" Saad ko sa mga men in black na nasa likod ko.
"Grabe naman kasi tong si Tita. Akala ko kung sino na ang kumidnap sa gwapong ako. Ikaw lang pala." Nagunat-unat pa si Wade ng matanggal ang pagkakatali niya sa puno.
"You're being too much guys. Aren't you going to thank me? I make dala your loved ones here then you'll make angal to me pa?!" Tita Denice
"Buti kasi sana tita kung hindi ako nasipa ni Andrea ng dahil sa ginawa niyo." Angal ni Wade.
"Psh. Mag-uusap na lang ba tayo dito? Pumunta na tayo doon." Utos ko sa kanila.
"Buti bro hindi nagduda si Aaliyah?" Tanong ni Antonov.
"Psh. Alam na ni Aaliyah na matindi ang saltik ng utak ni Tita Denice. Kaya nga sa kanya ko pinautos tong mga to." Sagot ko sa tanong niya.
Kung sa ibang tao ko pinautos to, baka nagkaroon pa ng hinala si Aaliyah. Mabuti na lang at nandyan ang malakas ang saltik at conyo kong tita na si Tita Denice.
Sa lakas ng tama at trip ni tita, sigurado akong hindi magdududa si Aaliyah. Kahit na katiting walang hinalang mararamdaman yun.
Pati yung mga tito namin, binaba na nila. Malamang magpapahinga na ang mga matatanda sa hotel mismo at maghahanda.
Dumaan kami sa ibang daan papunta doon. Medyo mas malayo to sa dinaanan nila Aaliyah pero mukha namang matatagalan pa sila dahil babae at magkekwentuhan pa yung mga yun.
Pagdating namin sa open field, napangiti ako ng makita ang preparasyong ginawa ko.
This will be all worth it.
"Paano ba yan bro? Magbibihis na kami. Mukha namang maayos na dito." Antonov
"Oo nga kuya. Magbibihis na kami. Hindi naman pwedeng pangit kami sa araw ng kasal mo." Wyeth
"Kayo lang naman ang pumapangit kahit na nakasuot ng basahan." Pang-aasar ni Wade. "Wala man akong suot o maski basahan pa yan, gwapo na talaga ako."
Pinagbabatukan namin si Wade. Walanghiyang kapatid to. Hindi rin naman saksakan ng yabang. Akala mo kung sino.
"Yabang mo bro." Antonov
"Lilipas din yang pagmumukhang yan." Wyeth
"Papanget ka din bro. Ilulublob ko sa putikan yang mukha mo." Panggagatong ko sa kanila.
I never thought that this time will come. Yung matatanda na kaming lahat at para ng magbabarkada.
Lumaki kaming lahat na may takot sa mga kapatid namin. But somehow, I realized, hindi rin naman pala masama kung magbabarkada ang turingan niyo amidst the reality that you have age differences.
"Bro, kayo? Kailan niyo haharapin ang happy ending niyo?" Tanong ko sa kanila.
When that time comes, I will also be willingly helping them. Just like what they are doing to me right now.
"Kapag pumuti ang uwak." Wyeth
"Kapag may nahulog ng itlog mula sa langit." Wade
Natawa kami ni Antonov. "Mga walang hiya! Tatanda kayong binata. Hahaha!"
In denial pa lang tong mga to ngayon, pero kapag panahon na nila, baka naman mangaladkad na lang to sa simbahan at magpakasal. Haha!
And I can't wait for that time.
BINABASA MO ANG
Saved by the Gangster
Teen Fiction[The Andrew Napoleon Santillan Story] [Santillan Siblings Series # 3] I guess the Santillan and Ricafort genes is not done yet. Eto na naman ang mga dugo nila at naghahasik ng lagim sa mundo ng mga gangster. Antonov and Napoleon. The twin brothers w...