Aaliyah Catarina Franco
Nakabalik na kaming dalawa ng Manila ni Napoleon. Kasalukuyan akong nag-iimpake dahil next week ay lilipat na kami ni Napoleon dun sa bagong bahay.
Hanggang ngayon wala pa ring furnitures yung bahay kaya mamaya ay mamimili kami ni Napoleon para maideliver at maayos na rin namin bago kami lumipat.
Naipacheck up na rin namin yung binti niya at luckily, hindi naman malala yung tama nung binti niya. Ilang araw lang din daw at gagaling din yung bali niya sa binti.
Kaya eto, pagkatapos kong mag-impake, didiretso ako sa unit ng magaling kong fiance para iimpake ang gamit niya since hindi siya makakilos.
Magmula noong gabing tabi kaming natulog sa Subic, biglang nagkaroon ng awkward air sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko biglang nagkaroon ng pader sa pagitan naming dalawa.
I really don't know if i'm just thinking too much. Naiilang kasi ako sa kanya. I don't know why and how. Kung kailan naman kasi kailangan ko siyang alagaan, tsaka pa ako nailang sa kanya.
I can't even look straight into his eyes. Sa tuwing kinakausap niya ako, it's either nakatalikod ako o di kaya nakayuko ako. Kung hindi naman ganun, iniiwasan kong tignan siya sa mata. Nakatingin ako sa mukha niya pero tagos yung tingin ko.
I have this strange feeling na tinutunaw niya ako sa mga titig niya.
Jeez! Saan ko ba nakukuha tong mga pinagsasasabi ko? Dyusmiyo Aaliyah. 24 years old ka na. Hindi bagay sayo magpakateenager sa kilig.
Maybe one thing that made me feel so awkward was the kiss. The forehead kiss that was the cause my sleepless nights.
Halos gabi-gabi kung magflashback sa isip ko yung halik na yun. I must admit, I felt that I am special that time.
A kiss in the forehead shows respect. Kinilig ako sa halik niyang yun sa noo ko.
Kaya magmula ngayon, ipapapatay ko ang mga taong magsasabing halik pangmatanda lang ang halik sa noo!
Nakakakilig kaya in the same time sweet ang halik sa noo!
Nagambala yung pag-iisip ko nang magring ng malakas yung phone ko. "Hello?"
[Aaliyah.]
Dyusmeeeh! Boses pa lang kinikilig na ako! Paano ba to?
"Bakit?"
[Nasaan ka?]
"Nasa unit ko. Why?"
[Di ba tutulungan mo pa akong mag-impake?]
Akala ko naman worried na talaga sa akin. Yun naman pala kasi naalala yung pinangako kong tutulungan ko siyang mag-impake.
[Aaliyah? Are you still there?]
"Ah? Oo. May ginawa lang ako. Papunta na ako sa unit mo."
Binaba ko na yung tawag niya dahil alam kong bibilangan na naman ako nun. Memorize ko na kung paano siya makipag-usap sa akin eh.
Nagtsinelas lang ako saka dumiretso sa unit niya. Hindi na ako kumatok at dire-diretso na lang akong pumasok. Alam naman niyang pupunta ako kaya rin hindi nakalock yung pinto.
Pagkapasok ko, nakaupo siya sa sofa at nagbabasa ng dyaryo.
Magsasalita sana ako pero natigilan ako nang makitang nakasalamin siya. Ito yung unang beses na nakita ko siyang nakasalamin.
Iba ang dating niya kapag nakasalamin siya. Nandun lumalabas yung pagiging masungit niya. Mukha siyang striktong boss ng isang malaking kompanya. Dumagdag pa yung seryosong aura niya habang nagbabasa ng dyaryo at umiinom ng kape.
BINABASA MO ANG
Saved by the Gangster
Teen Fiction[The Andrew Napoleon Santillan Story] [Santillan Siblings Series # 3] I guess the Santillan and Ricafort genes is not done yet. Eto na naman ang mga dugo nila at naghahasik ng lagim sa mundo ng mga gangster. Antonov and Napoleon. The twin brothers w...