Aaliyah Catarina Franco
"ANDREW NAPOLEON SANTILLAN!!!!! NASAAN KANG HAYOP KA! MAGPAKITA KA SA AKIN!!" Malakas na sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa mansyon.
Pasalamat na lang ako at wala dito si Ashton at nasa school pa. After classes din naman ay kina mommy dumideretso si Ashton dahil gusto daw itong makabonding nila mommy at daddy.
Pero hindi yan ang issue dito eh. Yung malandi kong boyfriend ang issue dito.
"ANDREW NAPOLEON!!!!!" Utang na loob! Ilabas niyo yung malanding yun kung ayaw niyang iire ko tong anak niya.
"Mahal ko? Bakit ka sigaw ng sigaw? Anong problema?" Tarantang tanong ni Napoleon na galing sa study room.
Pagkakita ko sa kanya, agad na nag-init ang ulo ko. Dali-dali kong hinubad ang high heels na suot ko saka binato yun kay Napoleon.
"HEY! ANO BANG NANGYAYARI SAYO- MUNTIK NA AKO DUN AH!" Bwusit! Mabilis ang hayop at nakaiwas sa sapatos ko.
"HEY HEY KA DIYAN! HAYOP KA! NAMBABABAE KA PA! AT YUNG FIRST LOVE MO PA YUNG TINIRA MO?! YUNG MAY ASAWA PA!" Kinuha ko yung vase na display na malapit sa akin.
Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Napoleon. "Not that one Aaliyah. Worth three million yan at kay mommy yan. Mahal ang babayaran natin diyan."
Dyusmiyo! Three million?! Mabilis kong nilapag yung vase na hawak ko at kinuha yung kulay dilaw na vase na katabi nun. Mukha namang puchu puchu to.
I saw horror on his eyes. Iniangat niya pa ang dalawang kamay niya. "Not that one. Five million yan. Malilintikan tayo diyan."
WHAT THE?! Lahat ba ng display sa bahay na to mamahalin?! Pakiramdam ko napaso ako sa pagkakahawak ko sa pasong yun.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Ano pa ba ang pwede kong ibato dito na hindi ako makokonsensiya sa presyo?! Kailangan kong magbato or else maiistress ako!
Kinuha ko ang throw pillows na nasa sofa. Ibabato ko na sana yun ng magsalita ulit si Napoleon.
"WAG YAN-"
"UTANG NA LOOB! LAHAT BA NG GAMIT SA PAMAMAHAY NA TO MILYON ANG HALAGA?! ANO?!" Sigaw ko sa kanya.
"Mahal ko, sasabihin ko lang sanang mahirap labhan- ANO BA!" Binato ko sa kanya yung throw pillows. Akala ko sasabihin na naman niyang mahal yung throw pillow.
"WALANG HIYA KA! MANLOLOKO! SALAWAHAN! BABAERO! MALANDI KA!" Kung pwede lang ibato tong sofa namin, binato ko na sa kanya to eh.
"T-TEKA NGA! ANO BA KASING PROBLEMA MO?! KANINA KA PA BATO NG BATO HINDI KO NAMAN ALAM KUNG ANONG PINUPUTOK NG BUTSI MO!"
"SINISIGAWAN MO KO?! SINISIGAWAN MO KO?!"
"Nagtatanong lang." Lalapitan niya sana ako ng iniambang ko yung magazine na hawak-hawak ko kaya napatigil siya. "Okey. Okey. Ano ba kasing problema mo mahal ko? Hindi ka naman dating ganyan. Malapit ko na talagang isipin na buntis ka." Nakangising saad nung damuho.
Hindi ko pa nga pala nababanggit sa kanyang buntis ako. Plano ko sanang sabihin sa kanya pero dahil nalaman kong may babae siya, hindi ko na lang muna sasabihin.
"Wag mo kong mamahal ko mahal ko diyan. Isa kang malanding nilalang na tumatraydor sa kaibigan!! Hayop ka!"
Naiiyak na naman ako. Naghalo-halo na ang nararamdaman ko. Inis, pagod, antok, galit, selos. Hindi ko na alam kung alin diyan ang nararamdaman ko sa ngayon.
"ANO?!" Sinamaan ko siya ng tingin dahil pinagtataasan na naman niya ako ng boses. "I mean, ano bang sinasabi mo diyan? Anong malanding nilalang na nagtatraydor sa kaibigan ka diyan?"
BINABASA MO ANG
Saved by the Gangster
Novela Juvenil[The Andrew Napoleon Santillan Story] [Santillan Siblings Series # 3] I guess the Santillan and Ricafort genes is not done yet. Eto na naman ang mga dugo nila at naghahasik ng lagim sa mundo ng mga gangster. Antonov and Napoleon. The twin brothers w...