Aaliyah Catarina Franco
Kaharap ko ngayon ang sinasabing fiance ko. Nabubwisit ako sa pagmumukha niyang nakangisi habang nakatitig sa akin. Kung wala lang ang tatay neto sa harap namin, malamang nakatikim na ng tadyak sa kaligayahan niya to. Halata kasing manyak siya mag-isip.
"So Mr. Santillan, kailan natin iaannounce ang engagement ni Napoleon at ni Aaliyah?" Daddy
"Next month na. Maraming paghahanda ang kailangan gawin." Tumingin sa akin si Mr. Santillan. "Mabuti na rin yun para magkakilanlan ang mga bata."
"I like that idea." Daddy
Tinuon ko na lang ang pansin ko sa Japanese foods na nakahain sa harap namin. Mawawalan lang ako ng gana kapag pinakinggan ko pa sila.
Habang kumakain kami at abalang nag-uusap ang matatanda ng patungkol sa negosyo na ayaw ko namang pakinggan dahil hindi ako interesado, naramdaman ko ang mahinang pagsipa ng taong nasa harap ko ngayon.
"What?" I mouthed him.
He didn't answered me but he smirked at me. Retarded ba tong isang to? Sinong gugustuhing magpakasal sa isang to kung wala na siyang ginawa kundi ang ngumisi?
"Nga pala, iha. Simula sa susunod na linggo, sa iisang bahay na kayo titira ni Napoleon." Anunsyo ng daddy netong demonyo na ikinagulat ko.
"WHAT?!" Hindi ko napigilang hindi mapasigaw. Nababaliw na ba sila at pagsasamahin kami agad sa iisang bubong?
"What's wrong Catarina? Wala naman akong nakikitang masama doon." Nakangising sabat nung demonyo.
I eyed him. "Don't call me Catarina. We're not close." Tinuon ko ang pansin ko sa daddy niya. "Sir, masyado naman po atang maaga para pagsamahin kami sa iisang bubong."
Tatawagin ko talaga lahat ng santo at santa para lang hindi ko makasama tong lalakeng to sa iisang bahay. My god! Gusto ko pang mabuhay!
"I don't find it wrong. Magpapakasal din naman kayo. Mas mabuti nang mapabilis para makilala niyo ang isa't-isa at makasanayan niyo na ang isa't-isa. It will be good for the two of you."Mr. Santillan
Tumango si Daddy. "Wala rin akong nakikitang mali doon iha. Ganun din naman kami ng mommy mo."
Kaya nga naghiwalay kayo di ba? Hindi ko tuloy maiwasang ibulong sa isip ko yun. Isang malaking kalokohan naman kasi talaga tong pagpapakasal na to.
Yumuko na lang ako. Wala rin namang mangyayari kung makikipagtalo ako sa mga nakakatanda. Lahat naman ng bagay sa buhay ko, sila ang nagdedesisyon.
Nanatili na lang akong tahimik habang nag-uusap sila. Wala kasi akong mapapala kung makikisabat ako at makikisalo sa kanila.
One thing I hated so much is being born as a female. Sa pananaw ng mga magulang ko, mahina ako dahil babae ako.
Ilang beses ko nang pinatunayang hindi ako ganun pero palagi nilang sinisiksik sa isip nilang mahina ako dahil babae ako.
Halos maubusan na ako ng paraan at gagawin para lang mapatunayan sa kanilang hindi ako kagaya ng mga babaeng iniisip nila.
"So, maiwan na muna namin kayong dalawa para magkausap kayo. May meeting pa ako after this." Pagpapaalam ni Mr. Santillan sa amin bago niya tinapunan ng tingin ang anak. "Behave yourself Napoleon."
Napakunot ang noo ko doon. Is it just me o talagang may diin yung pagkakabanggit ni Mr. Santillan sa pangalan ng anak niya? Is he giving a warning to his son?
"Ako rin anak. May meeting pa ako with the Australian investors." Pagpapaalam ni Daddy sa akin. Ngumiti lang ako ng pilit bago siya hinalikan sa pisngi saka siya lumabas ng VIP Lounge ng Fallen Angel's Cafe.
BINABASA MO ANG
Saved by the Gangster
Dla nastolatków[The Andrew Napoleon Santillan Story] [Santillan Siblings Series # 3] I guess the Santillan and Ricafort genes is not done yet. Eto na naman ang mga dugo nila at naghahasik ng lagim sa mundo ng mga gangster. Antonov and Napoleon. The twin brothers w...