Chapter 09 Knight in Shinning Armor.
[SHAYLA'S POV]
*Krriiiiiiiinnngggg*
"Ano ba ang ingay ---------"
Bumangon agad ako dahil naalala ko na wala pala ako sa bahay namin. Nakalimutan ko ka agad. Sarap kase matulog dito eh.
Tinignan ko yung oras sa cellphone ko. It's already 5:00 am in the morning. Gusto ko pang matulog pero di pwede dahil kailangan ko ka agad makapunta sa bahay namin.
Lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa kusina. Kumain na ako ng pagkain na dala ko. Kailangan kong magtipid ng pagkain. Ka boring dito at sobrang nakaka-op pano ba naman walang makausap at wala pang kasama. Pero mas maganda na rin ata to kaysa naman may kausap ako na hindi ko naman kauri.
Pagkatapos Kong kumain naligo na agad ako. At nung tapos na akong maligo nagbihis agad ako. Kinuha ko narin yung mga gamit kong dala. Kung saan ako pumasok dun din ako lalabas. Lumabas na nga ako sa likod ng bahay.
Grabe walang katao tao dito except me. Ang kalat pa.Ang daming basurang nakakalat. Wala ring araw I mean mukhang uulan dahil makulimlim ngayon kaya dapat kong bilisan.
Nag-umpisa na akong maglakad para makapunta agad ako sa bahay namin at makuha ko din ka agad yung kwintas ko.
Hawak hawak ko rin tong isang baril para pangbaril sa zombieng lalapit sa akin.
Para maprotektahan ko ang sarili ko.
***
Nagpahinga muna ako dito sa makalat na park dahil sobrang uhaw at sobrang pagod na ako sa paglalakad. Almost 2 and half hours na kaya akong naglakad kanina kaya it's better to rest.
Nakakapagod palang maglakad buti wala akong nakitang zombie kanina habang naglalakad ako at buti narin walang nakakita sa akin na zombie.
O_O
May narinig kasi akong naputol na stick sa likod ko siguro natapakan ng tao o zombie? Ewan di ko naman nakikita dahil nakatalikod ako sa kanya.
Siguro palapit siya sa akin dahil nga naririnig ko yung padyak ng paa niya na papunta sa akin. Ano ba ang dapat na gawin ko? Tumakbo o humarap sa kanya at tutukan siya ng baril..
Sa sobrang taranta ko humarap nalang ako sa kanya at agad agad ko siyang tinutukan ng baril na hawak ko ngayon. Nanginginig pa ang mga kamay ko.
"W-wag kang lalapit k-kundi babarilin kita." nauutal na sabi ko. Eh kasi sa sobrang takot at kaba ko ngayon.Sino ba ang hindi matatakot kung nasa harap mo na yung zombie?..
"A-ano ba sabi ko wag k-kang lalapit sa akin diba.Ipuputok ko na talaga tong baril na hawak ko sayo." sabi ko. Palapit siya ng palapit sa akin. Aba di siya natatakot ah! Pwes mamatay ka na ngayon. Pero hindi ko patin napuputok yun baril. Natatakot ako kaya eto ako atras ng atras.
Ayokong iputok tong baril na hawak ko kasi baka marinig ng ibang zombies at baka marinig nila yung putok ng baril ko baka pumunta rin sila sa akin. Edi mas marami pa akong makikitang zombie at pagnagkataon iyon mauubos ang bala ng baril ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Pa help me naman oh.
Takbo!
Tumakbo ako hanggat kaya ko. Kailangan kong makaalis. Makatakas sa hayop na zombie na to.
"Ouch!Aray! Ang sakit." Tsk ngayon pa talaga ako nadapa. Bat kase ang lampa lampa ko? Malas naman o! Bat ngayon pa? Putik naman o! Pano na to?
"Sabi wag kang Aaaaaaaaaaah!!!!!"
*Bang*
Binaril ko na yung zombie kasi bigla ba namang tumakbo sa akin. Natatakot na ako. Narinig ko na may papalapit sa akin. MGA hayapak ng paa at alam ko na zombie ang mga iyon.
Pa. Ma. Natatakot na po ako. Napaluha ako. Natatakot ako. Hindi ko na kaya. Ang sakit ng paa ko.
Pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit na. Pinilit ko kahit alam ako sa sarili ko na hindi ko kayang tumayo. Naiiyak na naman ako.
A-ang daming zombies na palapit sa akin. Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Sinubukan kong tumayo kaso ang sakit talaga hindi ko kaya.
Kinapa ko ang paligid ko para kunin ang baril. K-kaso ang layo nito mula sakin. Sinubukan kong abutin kaso sumasakit ang paa ko. Nauubusan na ako ng pag asa na makuha yung kwintas, na mabuhay pa ako, na makauwi at makayakap ko pa si papa.
God please help me.
Tumulo ang mga hula ko. Alam kong wala itong maiitulong pero takot na takot na ako.
Ano nang gagawin ko? Pano na to?
"Tulong please. Tulungan niyo ko!" malakas na sigaw ko. Yun nalang ang tangi kong naisip. Nagbabakasakali ako na may makarinig sa akin at pwede nila akong tulungan.
"TULONG! KUNG SINO MAN NANDYAN PARANG AWA NIYO NA TULUNGAN NIYI AKO!"sigaw ko pa ulit ng malakas na malakas kesa kanina. Sana naman may makarinig ng sigaw ko. Malapit na sila sa akin. Ano nang gagawin ko? Naiiyak na naman ako.
Wala na atang pag asa na mabuhay ako.
Pinikit ko yung mga mata ko at tinakpan ko ito gamit yung dalawa kong palad.
*Bang*
T-teka narining ni God ang dasal ko. Thank God. Dinilat ko na yung mata ko at inalis ko yung palad ko sa mata ko. May lalaking nakaitim. Oo lalaking nakaitim at tao siya. Kauri ko. Binaril niya ang bawat zombie. Salamat salamat sa kanya.
Napatitig ako sa kanya. Parang nakita ko na siya somewhere. Parang kilala ko siya.
Parang....
Inabot niya ang isang baril sa akin.
"Mamaya mo na ako titigan. Ubusin muna natin tong mga asungot na to." At binigyan niya ako ng isang maaliwalas na ngiti na siyang nagpawala ng takot, kaba at nagbigay ulit sakin ng pag asa.
Feeling ko namula buong mukha ko sa sinabi niya. Bat ganyan siya. Bat ganito siya. B-bat uminit naman na dito?
Bat parang kilala ko siya.
Bat parang tinulungan niya na ko dati?
At bat ganon bat parang ang bilis ng tibok ng puso ko?
"Diba sabi ko sayo mamaya mo nalang ako titigan." Binigyan niya ulit ako ng isang ngiti. Napaiwas ako ng tingin ko sa kanya. Di ko namanlayan na nakakatitig pala ako sa kanya.
Ano ba Shayla. Nakakahiya ka.
"Hay kahit kelan talaga ang lampa mo. Pero ang cute mo parin."
Thank you again my Knight in Shinning Armor.
Pero bat ganon ang bilis ng tibok ng puso ko?
Bakit?
~~~~~~
BINABASA MO ANG
Falling Into A Zombie?!
Übernatürliches[COMPLETE] Impossible nga bang mainlove ang isang tao sa hindi isang tao? In short sa hindi mo kauri? Sa isang zombie? Impossible nga ba o possible? Falling Into A Zombie By -prettyjelskie143- All Rights Reserved 2014