Chapter 18 Hot *0*

212 9 0
                                    

Chapter 18 Hot *0*


[SHAYLA's POV]


"Dali dito ka umupo. Bilis. Bat ba ang tagal mo maligo?" tanong ko sa kanya.Pano ngayon lang natapos. Pero infairness nakadamit na siya.Pano kaya yon? Nandito na nga pala ako sa tent nila Abi. At may mini rest room sila dito. Siguro mataas na opisyal yung papa niya kaya napakaganda ng tent nila.

"Ano game?"

"Game."

Agad ko naman kinuha yung suklay sa mesa dahil ako ang mag-aayos sa buhok niya. Si Abi naman siya na ang bahala sa pagmemake up kay Jerome. Magaling yata si Abi sa pagmemake up kase hilig niya daw ito at nagmana siya sa mama niya. No wonder, maganda si Abi at magaling siya sa pag aayos ng itsura niya kaya hindi na ako magtataka kung bakit alam niya mag-ayos o magmake up. At may tiwala ako sa kanya. 


Bago ko siya sinuklayan sinara ko muna yung pintuan ng tent. Para hindi agad nila makita si Jerome. 35 minutes nalang at maglilibot na ang mga sundalo. At konting oras nalang ang kelangan namin ayusan si Jerome. 


Hmmm ang bango ng buhok ni Jerome tsaka ang lambot pa. Ano kayang shampoo yung ginamit niya?


Kumuha ako ng gel sa mesa tapos naglagay ako ng konting gel sa palat ko at pinunta ko sa buhok ni Jerome. Mas magandang lagyan ng gel para magmukhang astig at cool siyang tignan. Tinaas ko rin yung buhok niya para mas mukhang bagay siya sa akin I mean mas maging bagay sa itsura niya, maamo pero cool tignan.


Sana talaga matapos na agad tong problema namin. Sana rin maging tao na si Jerome. Nasan kaya yung mga magulang niya? Bat parang hindi sila nag aalala?


"Hoy tapos kana?" tanong ni Abi. Napabalik ako sa riyalidad. Kung ano ano na naman kase pumasok sa isip ko. 


"Ha? Oo tapos na ako." Tinignan ko si Abi. Nakangiti siya ng nakakaloko sa akin. Ano na naman kaya ang iniisip nito?


"Hay nako Shayla kung ice cream lang siya, kanina pa yan natunaw." pang aasar sa akin ni Abi. Ano ba yan di ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya. Nakakahiya talaga.


"Bilisan mo na nga lang dyan." Umalis ako kung nasan sila at umupo sa higaan. Tinignan ko ang wrist watch ko. Nako 15 minutes nalang at magchecheck na sila each tent. Kailangan naming bilisan.



~~~~~~~


"Okay Jerome labas kana diyan." sabi ni Abi. Ano kayang itsura niya? Nagmukha na kaya siyang tao? Gu-mwapo lalo kaya siya? Nakakaexcite. Di na ko makapaghintay. Teka! Shayla hinay hinay lang no? 


"Hoy Shayla di pa lumalabas si Jerome mukhang  naglalaway ka na dyan!" Napatawa siya. Kanina niya pa ko inaasar ah. Di ba siya napapagod? Masrapa ba talaga akong asarain? Kahit kelan talaga yung babaeng yun.


O_O


Bat ganon?


A-ang  gwapo  n-niya na. Ang Hot niya.*0*. Napalunok ako ng laway. Talagang nagmukha siyang tao. Bat ganon? Habang lumalabas siya parang nag i-slow motion ang lahat. Bat ang bilis na naman ang heartbeat ko? Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. At na-eexcite na akong maging tao siya. Ang galing talaga ni Abi. 



"Oh anong mase-say mo?" tanong ni Jeni habang nakatingin Kay Jerome at nakangiti. Parang may naramdaman ako. 'INIS' . Gusto ko ako lang ang nakatingin sa kanya. Masyado na ba ang obsessed kay Jerome?


"Huy ano?" sabay kalibit sa akin.


"Of course. Ikaw na. The best ka talaga. Thank you ha."s abi ko.


"Welcome. Sabi na nga ba tititigan mo siya ng matagal eh." sabay ngisi niya at napaiwas naman ang ng tingin kay Jerome. ."


Ang gwapo niya.


Ang hot niya.


"Ah ma'am /sir papasok na po kami." napatingin kami ni Abi sa isat isa at napabalik ang tingin namin kay Jerome.


Oow.


Lagot! Pano namin siya matatago ngayon?





------------------

Falling Into A Zombie?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon