Chapter 16 Make Up

201 8 0
                                    

Chapter  16  Make  Up


[SHAYLA's  POV]


"Jerome anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya pero mahina lang. 


"S-inun-d-dan   k-ita." nakakatouch naman ang sinabi ni Jerome. Pero pano niya ako nasundan dito? Tsaka bakit niya ginawa yon?


"Pano mo ko nasundan dito?" tanong ko.


"N-nung  uma-lis  k-ka  si-nundan  k-kita. A-yoko  ma-wala  s-sa  ta-bi  m-mo." 


"Ayyiiiie. Hahaha nakakatouch naman yan." Singit ni Abi.


"Hindi mo sana ginawa yun. Mapapatay ka nila kapag nalaman nila na nandito ka. Iniwan kita hindi dahil sa ayaw kita, iniwan kita dahil kapag sinama kita dito mapapatay ka nila. Delakado dito. " Naiiyak na ako.  Ayoko talaga siyang masaktan, ayaw ko siyang mawala, ayoko siyang mapahamak. Mas gugustuhin ko pang mawala ako sa tabi niya kaysa siya ang mawala sa akin ng panghabangbuhay.


Lumapit si Abi sa kanya at tinignan niyang maigi ang bawat angulo ni Jerome. 


"Ahm alam mo Jerome. Hindi ka naman ata zombie eh. Pinagloloko mo ba kami? Kung tutuusin ang gwapo mo para maging zombie. Tsaka  ikaw palang ang nakita kong pinakagwapong zombie." Napangiti naman ako sa sinabi ni Abi. Kahit kelan talaga itong babaeng to.


"Siguro ang gwapo nitong si Jerome kapag naging tao na. Hindi na tuloy ako makapaghintay sa itsura niya kapag naging tao na siya katulad natin. Naeexcite na ako makita yung itsura niya. Oy Shayla huwag mong kalimutan na ipakilala ako sa kanya ah. No?" Tumango ako bilang sagot. Kung ano ano talaga ang mga kabulatawan ang mga pinagsasabi niya minsan. Pero kung tutuusin tama rin siya. Siguro gwapo nga siya kapag naging tao na siya. At di rin ako makapaghintay na mangyari ang araw na yon.


' Magandang gabi po sa ating lahat, mag-iinspekyon po ulit kami sa bawat tent maya mayang 10 ng gabi. Salamat at maiingat po kayo.'


Napatingin kami ni Abi sa isat -sa. At sabay kaming napatingin kay Jerome.


Lagot pano na to?


"Anong gagawin natin kay Jerome. Makikita siya." Natataranta kong tanong. Di ko alam ang gagawin ko. Ayaw kong makita ng mga sundalo si Jerome. Ayokong patayin nila ito.


Napatingin ako sa wrist watch. It's already 7:20 pm. 3hours  at malapit na silang mag-inspeksyon dito. Hindi nila pwedeng makita si Jerome. Hindi Pwede. Pano na to?



Tinignan ko si Abi at kita mo na naghahanap din siya ng paraan para maitago namin si Jerome at para hindi rin siya makita ng mga sundalong mag-iinspeksyon mamaya. Kailangan kong makita si papa. Kailangan ko na siyang makausap para masabi ko na at para hindi mahuli ang lahat. Para  hindi mawala s Jerome sa akin.


"Abi kailangan ko nang makausap si Papa. Kailangan ko nang masabi sa kanya lahat lahat. Bago mahuli ang lahat." 


"Alam ko na."


"Huh? Ang alin?"


"Ang plano. Ganito. Tama ka dapat kausapin mo si tito at sabihin mo sa kanya na may gamot na sa sakit ni Jerome."


"Pano naman si Jerome ngayon? Makikita siya ng mga sundalo."


"Dont worry Shayla. Akong bahala sa kanya. Pagdating na pagdating mo dito aayusan natin si Jerome. Aayusan natin siya para magmukhang tao. Di naman mahirap yon kasi mukha naman ata siyang tao. Ang ang gwapo niya ara maging zombie. In short me- make up -an  natin si Jerome. Pero ang kailangan mo munang gawin ay pumunta kay tito para kausapin siya. Bilisan mo ah. 7:30 na dapat before 9 nandito ka na at para ayusan natin si Jerome." Tama siya.



Lumapit ako kay Jerome at hinawakan ang mukha niya. 



"Jerome dito ka lang muna ha. Huwag na huwag kang aalis dito hanggat hindi pa ako dumadating dito. At dapat makinig ka muna kay Abi, kaibigan ko. Mabait siya katulad ko. Kung anong sasabihin niya pakinggan mo ha." Tumango siya bilang sagot.


"Good." Tumngin ako kay Abi.


"Abi ikaw muna bahala kay Jerome ha. Pupunta na ako kay Papa. Mag iingat kayo dyan. Babalik agad ako."


"Sige. Bilisan mo ha." Tumango ako. At lumabas na sa tent.



Ang kailangan ko ngayon ay makausap si papa at makumbinsi na maniwala sa akin na totoo ang mga sinasabi ko. Kailangan kong bilisan para ma- Make up-an na namin si Jerome.


Goodluck Shayla. Kaya mo yan.



Binilisan ko ang pagtakbo.




Falling Into A Zombie?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon