Chapter 19 Paano?

174 9 0
                                    

Chapter  19  Paano?


[SHAYLA's  POV]


"Lumayo sa kanya!." Hindi kami nakinig sa sundalong nagsalita.


"Anong pangalan mo?" tanong ng isang sundalo.


"Jerome po ang pangalan niya. Jerome." ako na ang sumagot, mamaya mahalata pa nila eh.


"Hindi ikaw ang tinatanong ko Ms. Fernandez. Yang kasama niyong lalaki! Hoy ano pangalan mo?" Ulit niya. Tatlo silang sundalo ang narito. Ang dalawang sundalo ay tinutukan ng baril si Jerome. Naku!


"J-je-rom-e. " Kita mo sa kanya( kay Jerome) na nahihirapan siyang magsalita pero pinilit niya parin. Nakita ko naman na nag iba ang tingin ng mga sunadalo sa kanya. Eto na ang ayaw kong mangyari eh, ang malaman nilang zombie si Jerome. Natatakot ako sa mangyayari sa kanya.



"Mga binibini, umalis kayo dyan!" Hindi namin sinunod ang pinapagawa ng isang sundalo. Kailangan ko siyang protektahan. Kailangan naming umalis dito. Tinignan ko si Abi at nag usap kami gamit ang aming tinginan. Alam ko naman na nagets niya na ang ibig kong sabihin.


"Pagbilang ko ng lima at di pa kayo umalis dyan, mapipilitan ako saktan kayo. Sorry ha pero ginagwa alang namin ang aming trabaho." 


"Isa." Nagkatinginan ulit kami ni Abi.


"Dalawa!" Sana magets niya.


"Tatlo." Hinawakan ko ang kamay ni Jerome.


"Aba ayaw niyo ha. Apat!" Huminga ako ng malalim at tumingin kay Abi. Nagbigay na ako ng sensyales sa kanya na gawin na namin ang nasa isip namin.


"Lima!"


"Ahhhhhhh." Tumakbo ako kasama si Jerome. Hawak hawak ko ang kamay niya. Kailangan naming umalis dito. Kailangan makatakas kami sa kanila.


Si Abi na ang bahala don.  Inis-preyan ni ng peper spray yung mga mata ng mga sundalong iyon nung nakalima na ang bilang nila.


Nagtago kami sa likod ng malaking tent don. Kita ko na maraming nagsitakbuhan na sundalo kung saan, nasan kami kanina ni Jerome.


'May nakapasok po na zombie dito sa evacuation. Mga sundalo pumunta kayo dito sa tent ni Mr. Rodrigez. Bilisan niyo po. At sa mga gate dyan idouble lock niyo po muna para hindi makatakas ang zombie. Mag iingat po tayong lahat.'



Kita ko naman na maraming natarandang tao. At nagpakalat na sila ng mga sundalo dito sa buong evacuation. Pano na to? Mas mahihirapan kaming makatakas at pumunta kung saan ako nakalabas noon. Mas marami nang sundalo pati tao ang nagsikalat. 


Tinignan ko si Jerome.


"Huwag kang mag-alala Jerome. Ako ang bahala sayo. Hinding hindi kita ipapahamak. Magtiwala ka sana sa akin." Tumango siya. Niyakap ko siya ng mahigpit sana talaga walang mangyaring masama sa iyo Jerome.


Kita ko naman na may Helicopter at iniilawan ang bawat tent dito. Daddag problema naman oh!



Kailangan na namin makaalis dito kung hindi baka mapahamak kaming dalawa dito. Habang tumatagal dumarami ang mga tao at nahihirapan na kaming makatakas.



Hinawakan ko ang kamay niya ng mahigpit. At tumakbo. Hindi napansin ng mga taong nadadaanan namin na si Jerome ay isang zombie dahil kita mo naman na sa make up niya na nagmukha talaga siyang tao ngayon.


Ayun nakita ko na kung san ako lumabas noon. Naphinto kami sa kinatatayuan namin. Pero nakita kong may dalawang sundalo doon. 


Paano na to? Ano nang gagawin ko?


Natutukan kami ng ilaw ng isang helicopter kaya nakita kami agad ng mga sundalo. Malaking problema to. Sobrang laki. Hinawakan ko nang mahigpit ang kamay ni Jerome.


Paano na kami makakatakas ngayon kung ang dami na nilang nakapalibot sa amin?


Paano?




Falling Into A Zombie?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon