Chapter 17 Failed

159 9 0
                                    

Chapter 18  Failed


[SHAYLA's  POV]


"Manong papasukin niyo na po ako. Sige na." pagpupumilit ko sa lalaking nagbabantay sa pintuan na pinagme-meetingan nila papa. Nandito na pala ako sa lugar na pinagmemeetingan nila papa. 


"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na hindi pwede. Hintayin niyo nalang na matapos yung meeting nila Okay? Hindi pwedeng istorbohin ang matataas na opisyal kapag nagme-meeting sila." kalmadong sabi ni kuya manong. Nakakainis na to ah. Kung Hindi lang to lalaki kanina ko pa to sinabutan at pinagsasapak.


"Please manong nandyan po kasi si papa.May importanteng importante po akong sasabihin sa kanya. Please. Tawagin niyo po siya."s inubukan ko ulit magpumilit pero umiling lang si kuya. Nakakabwiset! Nakakainis. Halos 30 minutes ko nang pinipilit si manong para tawagin si papa pero puro hindi pwede ang palagi niyang sinasabi. Hindi niya ba alam na sayang yung 30 minutes na pagpupumilit ko sa kanya?


Kailangan ko nang makausap si papa bago mahuli ang lahat. Kung ayaw niyang tawagin si papa pwes gagawa ako nang paraan para makapasok.


"Kuy—————————."

"5 minute nalang miss at matatapos na yung meeting nila. Hintayin mo na lang." Gaya ng sabi ni manong hinintay ko na si papa total 5 minutes na lang naman na at matatapos na ang meeting nila kaysa naman ipagpilit ko aayaw at aayaw tong lalaking to, masasayang din ang pagod at pati laway ko sa pagpipilit sa kanya. 


5 minutes na lang naman eh . 5 minutes.


~~~~~


"Pa maniwala naman po kayo sa akin." pagpupumilit ko. Nandito kami ngayon  malapit sa pinag-meetingan nila papa. 


"Anak kulang ka lang sa tulog. Baka pagod ka lang. Matulog ka na halika na."


"No pa. May gamot na sa mga zombie. Narinig ko sa radio sa bahay. Narinig mismo ng mga tenga ko na may gamot na at ipapadala na lang nila to dito. Hintayin lang natin."


"Anak kung may gamot na edi dapat sinabi nila dito sa atin. Wala pang gamot anak. Wala." Napaiyak ako. Anak niya ako pero bat ganon hindi sya naniniwala sa akin. Nagsasabi naman ako ng totoo ah.


"Pa kahit ngayon lang maniwala ka naman sa akin. Please. Totoo po ang sinasabi ko."


"Oo na sige na. Naniniwala na ako sayo. Kaya halika na sa tent at matulog na tayo." Um-oo nga si papa pero ramdam ko at alam ko na hindi siya naniniwala sa akin. Sinasabi niya lang iyon para tumigil na ako sa mga kahibangan na sinasabi ko. 


Tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ang sakit, anak niya pero  hindi siya naniniwala sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko na tuloy tuloy parin sa pagbagsak.


"Ah pa sige sunod na lang po ako. May naiwan po kasi akong gamit kila Abigail doon sa tent nila. Kukunin ko lang po ito tsaka babalik rin po agad ako sa tent natin."


"Sige anak balik ka agad ah." Ngumiti ako kahit na sa loob looban ko sobrang nasasaktan na ako. Una hindi naniniwala sa akin si papa at Pangalawa, anytime pwede nilang patayin si Jerome kapag nakita nila sa tent namin. Ngayon ano nang gagawin ko?


Tumakbo ako papunta sa tent nila Abi, kelangan na nila ako don. Kailangan kong bilisan. Sorry Abigail ha, failed ako. Oo nga sinabi ni papa na naniniwala siya sa akin pero alam kong sinabi niya lang yun para tumigil na ako sa mga walang kabuluhang sinasabi ko kanina. Sorry.


Pero ngayon kailangan ko muna maprotektahan si Jerome.



~~~~



Falling Into A Zombie?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon