Epilogue.
1 month later......
"Ano ba tumgil ka nga dyan. Gawin mo na yang assignment mo."
"Oo na bossing," at sinimulan niya ng gawin ang assignment niya.
1 month na ang lumipas pero yung nararamdaman namin sa isat isa hindi parin kumukupas. Nung naging okay na siya niligawan niya ako. Syempre kailangan niya rin akong paghirapan no. Tsaka hindi lang don, gusto ko rin siyang makilala . Sa tatlong linggo niya akong niligawan. Nakilala ko siya. Nakwento niya nga na matagal niya na pala akong gusto tsaka siya pala ang nagligtas sa akin dahil doon nahulog na ang loob ko, nabwiset lang ako nung nalaman ko na niligtas niya ako dahil daw ang ingay ingay ko. Nakakainis diba pero kung di dahil sa kanya baka narape na ako ng mga maniac na yun.
Tinignan ko siya habang gumagawa siya ng assignment niya. Natawa ako dahil nahihirapan siya sagutan yung problem sa math. Hindi ko lubos maisip na mahuhulog ako sa taong to at di ako makapaniwala na naging kami. Pero kahit papaano namangha ako sa love story namin, akalain mo yun kung di pala ako tumakas noon di ko siya makikilala at kung di sila nagpraktis noon di niya ako makikilala. Hay tadhana nga naman.
"Babe baka mamaya matunaw na ako. Kanina mo pa ako tinitignan eh." umiwas ako ng tingin kahit kelan talaga nakakainis minsan yung ugali niya. Hindi mo malaman kung pick-up lines ba minsan yung sinasabi niya o hindi.
"Gawin mo na lang yan. Ang dami mong nadaram."
"Tapos na. Halika nga dito." lumapit siya sa akin. Kita mo tong mokong na to, siya nag nagpapalapit sa akin pero siya naman ang lumapit. Anggulo niya talaga.
"Mahal na mahal na mahal kita Shayla Fernandez." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Mahal na mahal din kita Jerome Cortez."
Dahan dahan naglapit ang aming mukha at hinalikan niya ako na sobrang tamis, mas matamis pa sa asukal at eto na naman ang pakiramdam ng taong nagmamahal ng sobra. Nandyan ang kilig, nandyan ang sobrang bilis ng tibok ng puso, nandyan ang napapangiti na parang baliw at nandyan ang bigla na lang mag iinit yung mukha mo.
=The End=
~~~~~~~~~~~~~~~~~'
Authors note:
Thank you sa inyo ng marami. Salamat dahil nakaabot kayo dito sa last chapter ng story ko. Salamat kahit na silent reader ka. Thank you talaga. Sana basahin niyo pa po ang iba kong mga stories na soon ay ipupublish ko. Babay. See you soon.
BINABASA MO ANG
Falling Into A Zombie?!
Paranormal[COMPLETE] Impossible nga bang mainlove ang isang tao sa hindi isang tao? In short sa hindi mo kauri? Sa isang zombie? Impossible nga ba o possible? Falling Into A Zombie By -prettyjelskie143- All Rights Reserved 2014