Chapter 04 That Girl

355 16 2
                                    

Chapter 04 That Girl

[Jerome POV]

"Halika ka na.'' -dad

"C'mon honey sumama kana sa amin papuntang Singapore." mom

"Dad mom ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hinding hindi ako sasama sa inyo." Naiinis na ako. Ayoko talagang sumama sa kanila papuntang Singapore fuck naman kasi yang mga zombieng yan shit.Nang dahil sa kanila kaylangan naming umalis.tsk

"Please Jerome halika na sumama ka na sa amin delakadong delekado na dito." Pagmamakaawa ni mama. Napahilamos ako ng mukha.

"Your mom is right son. Let's go. Hindi namin makakaya kung may mangyari sayong masama." Tuloy ni dad. Sa totoo lang gusto kong sumama kaso may pumipigil sa akin eh. Hindi ko alam kung ano yun pero kase ang alam ko hindi ako aalis hanggat hindi ko nalalaman ang pangalan ng babaeng yon.

~Flashback~

At SM

Nang nakuha ko na yung mga pinapabili ni mama na ingredients na kaylangan niya dumeretso na ako sa counter.Habang iniikot ko yung mata ko may nakita akong babae na parang kilala ko.

"MISS." sigaw ko. Pero di siya tumingin eh kaya sumigaw ulit ako.

"MISS!" this time mas malakas na yung sigaw ko kaya maraming tumingin at laking pasalamat ko isa siya sa mga tumingin  sa akin at nagkatinginan kami kaso saglit lang. Sabi na nga ba siya yun.

Habang nagtinitignan kosiya hindi ko ikakaila kinikilig ako. Puta pang bakla. Ang bilis. Ang bilis ng tibok ng puso ko. At feeling ko nasira ang aircon dito sa buong mall dahil sa sobrang init. Para akong babae. Ayokong nagpapaliwanag ng kung ano ano tulad ng mga babae kapag kinikilig kaso hindi ko talaga maiwasan eh. Putcha talaga. 

Sana kahit pangalan mo lang malaman ko masaya na ako.

May binulong yung bababe niyang kasama kaya bigla nalang sila umalis. Teka! Pambihira naman yang babaeng yan oo. Panira ng moment.Naman!

Susundan ko na sana kaso.....

"Ah Sir 560.00 po lahat." sabi ng nung babae. Halatang  nagpapacute. Aba sa gwapo ko ba namang ito impossibleng hindi sila magkagusto sakin o magwapuhan. Hindi sa mahangin nagsasabi lang ako ng totoo na Gwapo ako.

"A miss paki bilis naman."Isa pa to nagpapabagal kung magpacute talo pa aso. Matapos ibigay yung risibo lumabas agad ako ng SM pero wala na sila. Im LATE.

Sa konting oras lang na nakita ko siya napaka saya ko na kasi nakita ko ulit siya ulit. Sa susunod na makita ko ulit siya hinding hindi ko na sasayangin ang pagkakataon. Lalapitan ko ka agad siya. 

And my mission is I need to find that girl.......

Pero bakit ganon kainit talaga dito.

END OF FLASH BACK



"Dad, Ma ayoko talagang sumama. " Nakita ko na lumungkot lalo ang mukha ni mama. And it's hurt.

"Wether you like it or not sasama ka sa amin." Lalapit na sana sa akin si Dad kaso bigla akong nagsalita. Ayokong umalis hanggat hindi ko alam kung anong pangalan niya.

"Ganito dad. Mauna nalang po kayo ni Mama sa Singapore at susunod ako after two days.May kailangan pa kase akong asikasuhin at napaka importante na yun sakin. I promise na susunod ako. Please just give me a time. " Tumahimik sila at nag isip.

Falling Into A Zombie?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon