I dedicate this chapter to my friend.
--------------------------------------------------------
Chapter 05 New Friend
[SHAYLA's POV]
"Shayla anak gising na. Nandito na tayo. Shayla gising na huy." nabulabog ako sa boses ni papa kaya nagising na rin ako. Tinignan ko ang wrist watch ko. It's already 4:45 am. 30 minutes lang pala ang byahe akala ko naman sobrang layo.
"Kunin na natin yung mga gamit natin!"sabi ni papa. Hyper na hyper ah. Gaya ng dati tumango nalang ako at bumaba ng sasakyan. Nang matapos na namin ibaba anglahat ng gamit namin ni papa dumeretso kami dun sa may gate kung saan may pitong pulis at limang sundalo.At aba nag salute pa kasi nga naman pulis rin tong papa ko.
Pumasok na kami sa loob at wow grabe ha ang dami ring tao tsaka tent siguro mga nasa 50+ yung bilang ng tent.
"Ah sir dito po yung tent niyo.sundan niyo lang po ako." sabi ng lalaki. Kaya sumunod nalang kami. Medyo malaki laki rin tong tent namin.Siguro mga limang tao ang kasya dito.
"Sige anak ibaba mo nalang yang gamit natin sa tabi. At magpahinga ka muna para mabawi mo ang lakas mo" -papa.
Dahil nga masunurin ako binaba ko na nga yung mga gamit namin. "Ah pa cr lang po ako."sabi ko. Naiiihi na kasi ako eh kanina pa.
"Ah o sige. Balik ka kaagad ha."sabi ni papa.
"Opo" sabay takbo papuntang cr. Teka hindi ko nga pala alam kung saan yung banyo. Ano ba kase Shayla kung pabigla bigla ka akase mamaya maligaw ka! pero mahahanap ko rin yun. Oh diba sabi ko na ba alam ko eh ako pa.Medyo madami ring tao.Sumingit nalang ako eh sa naiihi na nga ako!
Nang matapos na akong umihi syempre lumabas na ako ng cr. Habang naglalakad ako ang dami na namang pumasok sa kokote.
*Booogssh*
"Ay sorry di ko sinasadya." haha nakakatuwa naman sabay pa naming sinabi kaya ayun medyo tumawa kami.
"Haha sorry ha di ako nakatingin sa dinadaanan ko eh." sabi ko. Tama naman, di talaga ako timitingin kasi kung ano ano ang mga iniisip ko. Bat ganon ang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.
"Ok lang yun parehas lang naman tayo eh. Hahah. Ako nga pala si Abigail Jimenez. Abi for short."sabi ni Abi.
Nakipagkilala din ako sa kanya.
"Friends?" sabi niya.
"Sure friends." ngumiti ako sa kanya. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya. Feeling ko nakita ko na siya somewhere eh. Habang naglalakad kami nagkwen-kwentuhan kami. Medyo madaldal din siya parehas kami pero kapag may mood lang ako. Kaya sa buong lakad namin ay nag eenjoy ako. Andami naming napag usapan na kala ko mo matagal na kaming magkaibigan.
"Ah Abi bukas nalang ulit tayo magkita. Sabi ko kasi kay papa na saglit lang ako." sabi ko.
"Ah okay ingat ka ha." sabi niya. Tumakbo na ako kasi baka hinahanap na talaga ako ni papa.
"Oh bat parang pagod ka ata ah at bat ang tagal mo mag cr?" sabi na nga ba eh. Grabe napagod ako dun ah. Muntik na nga akong maligaw eh buti nalang genius ako.
"Ah medyo mahaba po kasi yung pila dun sa cr kaya natagalan ako."sabi ko sabay kamot ng likod ng ulo ko. Hala nagsinungaling ako.
"Ah o sige ngarod matulog kana nakaayos na yung hihigaan natin. Tsaka pupunta lang ako dun sa office malapit rin dito yun. Babalik rin ako agad may pag uusapan lang kaming importante." sabi ni papa.
"Sige po ingat tsaka pa balik ka kaagad ah."Tumango nalang si appa at umalis na dito sa tent namin. Gaya ng sabi ni papa natulog na nga ako pero bago nag pray muna ako. Syempre kahit ganito ako may takot parin sa Diyos.
At sana bumalik na an lahat sa dati.
~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Falling Into A Zombie?!
Paranormal[COMPLETE] Impossible nga bang mainlove ang isang tao sa hindi isang tao? In short sa hindi mo kauri? Sa isang zombie? Impossible nga ba o possible? Falling Into A Zombie By -prettyjelskie143- All Rights Reserved 2014