Chapter 12

4.5K 150 20
                                    

Sorry for a very late update. Kailangan ko rin kasing I-prioritize ang aking pag-aaral.

This one is dedicated to @jluyana for saying that 'This is the best among the rest!' maraming salamat!

===================================


Yuna's POV


"Ito po ang blood test results. The result says that it's negative. Ms. Lee" sagot ng doctor sa akin.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang papel na inabot niya sa akin.

"Ganun ba? Sige.. maraming salamat Dr. Romel"

Binasa ko ang papel. Negative

Kung ganoon. Hindi ko talaga siya kadugo. That's impossible! How could that be? Magkasama kami mula pagkabata. Alam na alam ko na may relasyon kami pero bakit? Positibong positibo ako na meron.

"Hindi pala tayo magkapatid" I smiled bitterly.


Shizuka's POV

Pumunta kami ni Shiro sa lugar na matagal ko nang nakita. Walang iba kundi ang hide-out ng Black Gems. Paano nalaman ni Shiro ang lugar na to? Hindi ko naman ito sinabi sa kanya.

Our hideout is isolated from the city.

"Paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ko kay Shiro. Hinigpitan naman niya sa aking kamay.

"Nakita ko to nung hinahanap kita" sagot niya.

Ngumiti lang ako sa sinabi niya. Hindi  sure kung anong i-rereact ko. Putting that aside pumasok na kaming dalawa at nakitang walang tao. Asan na kaya ang mga iyon?

Everything felt different.

Lumakad lakad kami sandali sa sala tska naman tinignan ang kusina. Bumaba ako papunta sa bar pero kahit lakarin man namin ang bawat sulok ng lugar na ito. Wala talaga kaming nakitang isang trace man lang ng tao.

"Asan ba sila?" tanong ni Shiro

"Siguro may pinuntahan?" tanong ko.

"Balikan na lang natin ang lugar na ito mamaya"

Tumango ako sa sinabi niya. Ano rin bang gagawin namin dito kung wala namang tao?

"Sapphire?" napalingon ako sa likod. Ganun rin si Shiro.

I smiled nung nakita ko ang mukha niya.

"Red!" tawag ko.

Nilapitan namin siya at saka niyakap.

"Napadalaw kayo?" tanong ni Red. Ngumiti lang ako.

"Wala lang. Gusto lang namin masulyap ang lugar na ito" ngiti ni Shiro saka inakbayan ako.

"O baka masulyap ako" Red said sabay wink. I sighed and laughed.

"Hanggang ngayon ganyan parin ugali mo."

"Oo nga. Kaya mo iniisip palagi eh." He said. Nakita kong nakatingin ng masama sa kanya si Shiro.

"Joke lang tol. Ito naman hindi na mabiro." pagsosorry niya.

Tumawa ng mahina si Shiro.

"Porkit nagkabalikan lang may pa-tawa tawa pa." muni ni Red. Nawala ang tawa ni Shiro at napa-poker face na lang.

Kahit kailan hindi talaga siya marunong maging hindi maingay. Kahit ano na lang lumalabas sa bibig niya. Original Red parin talaga siya.

"Asan nga ba yung iba?" tanong ko sa kanya.

Im Still The Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon