Chapter 1: Crush niya yun?

1.2K 18 0
                                    

Ako si Allyson Delos Reyes.

Isang simpleng babae, sa sobrang kasimplehan ko, hindi ako gaanong nag-aayos sa sarili ko, at wala akong pakielam sa mga sasabihin ng ibang tao. Sarili ko ito! Paki nyo?

Yung tipong simpleng damit, isang pony tail lang na siyang ginagamit ko para maitali ang mahaba kong buhok. Hindi rin ako nagme-make up o gumagamit ng kung anong kolorete para gumanda yung mukha ko. Hindi naman ako panget, hindi rin naman ako super ganda. Level lang! yung lang ang masasabi ko sa sarili ko.

Pero kahit na simpleng babae lang ako, matalino ako. Sa totoo lang, hindi sa pagmamayabang isa ako sa laging pinapadala nang aming paaralan sa mga contest sa Extracurricular at kahit na quiz bee contest. At hindi pa ako umuuwing luhaan.

Ewan ko ba, kahit na sobrang simple na nga ako, may mga lalake parin nagpupumilit at nanliligaw sa akin. Para kasi sa akin yang panliligaw na yan may panahon. At sa tingin ko hindi pa ako ready at sana sa mga lalake diyan maintindihan niyo na hindi ako TOMBOY! Dahil hindi ko lang kayo sinagot? Dahil hindi ko lang kayo inentertain, tomboy na kaagad ako? Makahusga kayo ah?

Magaling kumanta. Sumayaw. Umakting. Magaling din ako sa iba’t iba Extracurricular Activities na siyang pinagbubutihan ko ng husto para mas lalong tumaas ang gradong nakukuha ko. Masiyado na ata akong maingay, may ikikwento ako sa inyo. Ang kwento ko at nang bestfriend kong si Dianne.

Lahat na ata ng sikreto ni Dianne sinabe na niya sa akin, kahit na noong una siyang nagkaregla, nadapa, natusok ng karayom at kahit mga walang kwentang bagay, kinikwento niya sa akin at hindi naman ako nagsasawang pakinggan siya. Maliban nalang kapag usapang lalake na.

Kung may isang bagay na pinagkakabisihan itong Best friend ko, yun ay ang mga lalakeng pinagpapantasiyahan niya.

Ewan ko ba sa kanya kung bakit, nahuhumaling siya sa mga gwapong lalake sa aming paaralan. Minsan pa nga, may pagkakataon pang sinasama niya ako sa Bastket Ball court para lang manuod ng mga practice ng Crush niyang si Kevin. Sa practice ng Soccer ball team, para lang makitang kung paapano sipain ni Gino ang bola ng Soccer. Sa Tennis kay Fino. Sa Dance Club kay Jay at sa Chess Club para kay Yato. Lahat sila crush ni Dianne. Hays! Kung naging pera lang lahat ng mga crush ni Dianne siguro sobrang yaman na niya ngayon.

At ngayon may bago na naman siyang lalakeng kinahuhumalingan. Si Kiko, ang Leader ng bandang Another Sunset. Sikat na banda sa aming paaralan. Sa ganda ng boses niya, halos lahat ng mga babae kinikilig sa kanya. Kung tatanungin mo ako, kung maganda nga ba ang boses niya? Hmmmm, Oo! minsan kasi, kahit na ayaw kong sumama kay Dianne sa mga Rehearsal o practice nang mga crush niya. sa music room, palihim akong pumunta doon, upang makinig lang. tapos ayun. Ang ganda talaga ng timbre ng boses niya. Nakakadagdag sa kagwapuhan niya. Pero it doesn’t really mean na crush ko din siya. Wala akong CRUSH! Nakakasira lang yan ng focus sa pag-aaral.

“Best! I think I like him na, No! I love him so much na talaga!” giit pa ni Dianne sa akin, habang ako lutang na nakatingin sa langit ng oras na iyon. Binibilang yung mga airplane na dumadaan sa langit ng minutong iyon.

“Hindi ka naman nakikinig eh.” Galit pang sabi nito sabay talikod at nagmukmok. Hinarap ko siya, hinawakan sa may balikat at hinarap ko sa akin.

“Baliw ka ba? With that guy? Duh!” arte ko pang sabi sa kanya, na parang diring diri ako sa kanya.

Sa totoo lang nakakadiri kasi siyang tignan. Oo Gwapo siya, pero hindi siya marunong mag-ayos sa sarili niya. Ewan ko ba kung bakit maraming nababaliw sa kanya sa looks niya. It’s EWWW! Hindi sa maarte ako ah? Hindi rin naman ako nag-aayos sa sarili ko, pero gosh! Nagsusuklay naman ako, at maayos ako magdala ng mga simpleng damit ko, Wala bang suklay sa bahay nila? O hindi man lang siya nag-wa-wax ng buhok niyang mahaba? Ganun ba talaga kapag Rockista? Argh! Hidni to talaga maintindihan ang drama nila sa buhay. At wala akong balak na intindihin sila, busy ako sa pag-aaral.

“Bakit ayaw mo ba sa kanya?” tanong ni Dianne sa akin. Kumunot ang noo ko, pumintig ang tenga ko, tama ba naman niyang itanong iyon sa akin? Bakit ayaw ko sa kanya? Sinabe ko na dati, ayaw ko ng isang lalakeng mukhang dugyot! At hindi ko talaga siya gusto dahil wala pa akong lalakeng nagugustuhan, at hindi siya ang pinapangarap kong lalakeng makasama habang buhay.

Oo! Gusto ko yung lalakeng unang iibigin ko, siya na yung lalakeng makakasama ko habang buhay, pucha! Magjojowa ka nalang bakit hindi pa pang-forever! Kahit na alam kong marami sa atin ngayon na hindi naniniwala sa salitang iyon, umaasa parin ako na makakakita rin ako ng isang lalakeng magmamahala sa akin ng totoo! Ikaw bay an Ally?

“Maraming mga bagay na ayaw ko sa kanya. Una, his looks, the way he deliverd himself to others, mukhang hindi siya naliligo. It’s Ewww. Yuck! Yung type ng music niya hindi ko gusto. Ang sakit sa tenga, it’s irritating. Annoying. And most specially ang yabang niya. Anong tingin niya sa sarili niya Diyos? Sinasamba siya ng lahat ng mga babae dito? Pwes ako hindi niya makukuha. Argh! Naiinis talaga ako sa kanya.” Pagtatapos ko pa, pero bakit parang nakakita ng multo itong si Dianne sa aking likuran.

Dahan-dahan kong inilingon ang ulo ko sa direksyon na kung saan nakatingin ang best friend ko na parang nakakita nang multo.

Noong lumingon ako, halos mahulog ang panga ako. Ang lapit-lapit niya sa akin. Yung mukha niya sa mukha ko. Naaamoy ko yung hangin na lumalabas sa bibig niya. Bumibilis yung tibok ng puso ko. Mukhang gusto na nitong lumabas sa dibdib ko. At hindi ko alam kung anong itsura ko ng oras na iyon. Pero alam ko ang itsura ng mukha niya…Galit na galit siya!

“Ganun ba ako kasama sa paningin mo Ally?” yung boses niya. Lalakeng lalake. Tapos ang tigas-tigas. Parang pinapamukha nito sa akin yung salitang ‘masama’ siya. Bakit ba ako nakakaramdam ng takot? Eh yun ang opinyon ko.

“May ginawa ba akong masama sa iyo, para sabihin mo yung mga yun ah?” giit pa niya sa mukha ko. Ang intense, hinila pa ni Dianne yung kamay ko para pigilan niya ako, Pero kaagad ko nang natulak palayo sa aking harapan ang lalakeng may kung anong sinusumbat sa akin.

“Wala kang pakielam. That’s my opinion and if you don’t respect it, well I don’t care. And I don’t even care. Okay? Tara na nga Dianne.” Sabay hila ko pa sa kamay nito palayo sa lalakeng iyon. Bakit nga ba kasi ang init-init ng ulo ko sa tuwing nakikita ko yung lalakeng iyon. Feeling ko kasi, kapag naging sila ni Dianne, hindi niya lang ito seseryosohin at lolokohin niya lang ito, dahil mukhang wala sa bokubularyo niya ang salitang True Love. Dahil manloloko siya.

Another Bestfriends StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon