Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit bumabalik sa isipan ko yung ginawa ko kay Kiko? Bakit parang naramdaman ko na ang sama-sama ng ginawa ko sa kanya? Eh, sinabe ko lang naman yung totoo nararamdaman ko eh. Masyado mong sinagad opinyon mo kaya siya nagalit! Nakatingin ako sa ceiling ng kwarto ko, walang kabuhay-buhay kasi kulay puti. Tapos bigla nalang pumasok sa isip ko si Kiko, pucha! Papatulog na nga lang ako binibwisit parin niya ako. Ano bang meron ang lalakeng iyon at ang lakas makasira ng araw?
Kinabukasan.
Sinet ko ang sarili ko na hindi ko siya papansinin, infairness. Nagulat ako noong sinabe niya ang pangalan ko. Kilala pala niya ako? Well, sino ba naman ang hindi makakakilala sa akin, unless bago lang siya o di kaya may galit siya sa akin. Pero bakit ko ba iniisip yung lalakeng iyon?
Biglang sumulpot sa likuran si Dianne at tinanggal na naman yung tali sa buhok ko. Inirapan ko siya, “Akin na nga yan,” nakikipag-agawan ako ng pony tail ko sa kanya. Pero mukhang wala talaga siyang balak na ibalik sa akin yung pony tail ko kaya, sumuko na ako sa pagbibiro niya at tuluyan na akong umupo sa isang bench at inilapag ang gamit ko doon at sumimangot.
Di nagtagal ay lumapit naman siya sa akin at tumabi sa akin. Kinuha ang kamay ko at inilgay ang pony tail ko doon, saka siya ngumiti. Buwisit! Nakuha pa niyang ngitian ako pagkatapos niya akong buwisitin ng araw na ito. “Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na nakakasira ng buhok ang pagtatali nito? At isa pa, ang ganda-ganda ng buhok mo, maging proud ka kaya sa buhok mo.” Pasigaw pa nitong sabi sa akin. Inirapan ko lang siya ng aking mga mata. Sabay tumalikod sa kanya.
“Hindi ko na kailangan, dahil matagal ko nang alam na maganda ako.” Inis kong bulong sa kanya at alam kong narinig niya iyon.
Biglang naging seryoso ang tono ng boses ni Dianne, “Hindi ka ba hihingi ng sorry kay Kiko?” bigla na naman uminit ang pisngi ko, na siyang umabot hanggang sa bunbunan ko. At dahil doon dahan-dahan kong nilingon si Dianne at kitang kita nga niya ang pamumula ng mukha ko. Alam na niyang naiinis na talaga ako, kilala niya ako at alam niya kung kelan ako seryoso at hindi. Pero sa mga oras na ito? Hindi ko nagustuhan yung sinabe niya sa akin.
“Bakit ako hihingi ng patawad sa lalakeng iyon aber?”
“Kahit sinaktan mo ang loob niya.” Sagot nito sa akin. Putcha! Sino bang bestfriend dito? Ako ba si Kiko? Anak ng tokwa! Mukhang pati ang isip ng bestfriend ko na manipulate na nang lalakeng iyon ah?
“Hindi ko gagawin yun Dianne, ipagawa mo nalang sa akin yung assignment mo buong sem, wag ko lang maharap ulit yung lalakeng iyon.” Inis kong sabi sa kanya. Kita ko ang kalungkutan sa mukha ng bestfriend ko. Tsk! Tinamaan talaga siya sa lalakeng yon, kainis mukhang pati ang bestfriend ko nakuha na niya ang loob. GRRRR! Naiinis talaga ako sa kanya.
“Fine! Hihingi ako ng sorry, para matapos na!” sabi ko sa kanya sabay padabog kong kinuha ang bag ako at kaagad akong naglakad palayo upang hanapin ang mokong na iyon. Hanggang sa pumasok sa isip ko kung saan ko siya pupwedeng Makita.
Sa Music room.
Pinuntahan ko siya, at tama ako sa hinala ko. Nagpapractice sila, wala akong pakiealam kelangan ko siyang makausap, kaya kahit na parang bastos at alam kong bastos itong ginawa ko para lang matapos hihingi ako ng sorry sa kanya kahit na nakakasukang isipin dahil wala naman talaga akong…
BINABASA MO ANG
Another Bestfriends Story
Short Story"Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo, baka kasi hindi mo na malayan. May nahulog na pala sa iyo." -Francis