Chapter 7: I'm his Tutor?

322 10 0
                                    

            Ano ba itong ginagawa ko? Bakit ko nga ba ito ginagawa? Nasa harap ako ngayon nang bahay ni Kiko. Ang sinabe kasi niya, kung tuturuan niya raw ako gusto niya raw sa bahay nila. Hindi rin naman ako pumayag na sa bahay kami mag-aral kasi baka hindi ako makapag-concentrate sa pang-gugulo ng pamilya ko. Yung sinabe ko nga na tuturuan ko si Kiko sa ibang subjects niya, aba kinilig itong si Mommy. Daig pa ako, ang lakas makadalaga? Naloloka na talaga ako sa kanila.

            Nasa harap na ako ng bahay nila Kiko. Ang laki nang bahay nila, may tatlo itong palapag at kitang-kita na mayaman ang kanyang pamilya dahil sa automatic ang gate nila. Oo, kailangan mong kausapin ang taong gusto mong hanapin. Doon sa may gate, itinapat ko ang bibig ko doon, at saka ko sinabe kung sino ang kelangan ko. “Classmate po ako ni Kiko, narito po ako para turuan siya sa mga subjects niya,” sabi ko sa doon na parang tanga, wala parin kasing nagsasalita. Hanggang isang batang babae ang sumagot. Paano ko nalaman? Sa boses palang niya alam ko na. bumukas ang gate at saka ko nakita ang isang maliit na bata na super cute at hinila nito ang kamay ko, siya itong nagdala sa aking sa harapan ng glass door nila. First time kong makakita ng glass door, oo may glass door sa mga mall pero iba itong nasa loob ng bahay blur sa may labas kung titignan pero kapag nasa loob ka ng bahay kitang-kita mo kung may tao sa labas o wala.

            “Ate… Ate ang cute cute niyo po.” Paulit-ulit nitong sabi sa akin. Alam ko naman na cute ako, hindi na niya kelangan pang ipa-alala. Nakaupo ako ngayon sa couch sa may entertainment area nila. May malaki silang Tv na flatscreen tapos, basta yung ibang gamit dito nakikita ko lang sa hotels kapag nagpupunta kami sa ibang bansa ng aking pamilya.

            “Hehe, thank you. Nga pala ano nga palang pangalan mo?” tanong ko sa kanya.

            “Kikay po.” Mabilis nitong sagot sa akin. Natawa ako, tapos sinimangutan niya ako, pero kaagad kong binawi ang tawa ko. Pinisil ko ang pisngi niya sabay sabing, “Ang cute kaya ng pangalan mo. Pareho kayo ng kuya mo, cute!” bawi ko sa kanya. Ang bilis palang magbago ng mood ng batang ito? Baliw din katulad ng kuya niya.

            “Tama ba ang narinig ko? Na cute ako?” namula ang pisngi ko sa sinabe niya.

            “Anak ng tokwa! Papatayin mo ba ako sa gulat Kiko?” suway ko sa kanya, sabay binigyan ko siya ng isang mahinang hampas sa braso.

            “Ang sadista mo talaga, tandaan mo nasa pamamahay kita. Umayos ka nga!” warning pa nito sa akin. Natahimik ako, oo nga pala nasa puder niya ako ngayon, hindi ako pupuwedeng umakto nang ganito. Pero hindi! Ano siya? Hilo? Mukha niya! Siya itong may kelangang sa akin eh, tsk!

           

 “Ang cute niyong dalawa tignan, para kayong mag-boyfriend-girlfriend hihihi,” parang ewan talaga itong kapatid ni Kiko. Pasaway, pagkatapos niya kaming asaring dalawa. Kaagad na tumakbo palayo sa amin at iniwan na kami nitong dalawa ni Kiko sa Entertainment room.

            Nakita kong ngumiti si Kiko, kaya kinompronta ko siya rito. “Anong ibig sabihin nang ngiting yan?” tanong ko sa kanya habang nakataas ang kaliwang kilay ko. “Wala, ang cute raw nating dalawa… parang…. Mag…” pinigilan ko siya, ayaw kong marinig ulit yun. Nakakasuka.

Another Bestfriends StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon