Francis’s POV
Kakatapos ko lang i-kwento sa lahat ng mga tao sa loob ng kwartong iyon ang kwento kong Another Bestfriend Story.
Nasa loob kasi ako ng isang kwarto kasama ang bestfriend ko at publisher ko rin na si Yna. Kaharap ang mag actors at actress na mag-sisiganap sa kwentong kong ito. Mabuti nalang at tinuruan ako ni Yna kung paano humarap sa mga tao, dahil sobrang mahiyain talaga ako. Ni ayaw ko nga talagang magpakita sa kanila kung hindi lang ako pinilit nitong si Yna, dahil kelangan raw. Nagkaroon na rinkami noong isang araw ng pirmahan ng contrata para sarights ng book na gagawin nilang movie. Sa totoo lang, natuwa ako noong muli kaming nagkita ni Yna at sinabe nito na gusto niya raw ipublished ang libro ko, ever since kasi fan na siya ng mga kwentong ginagawa ko at pinopost ko online. Gumamit pa siya ng ibang pen name para lang subaybayan ang mga kwento ko pero nalaman ko rin na siya yung noong halos alam niya ang buong kwento ng mga ginagawa ko ngang kwento.
Tapos noong nailabas na ang libro ko sa merkado. Kaagad na pumatok sa mga mambabasa, noong una nagdadalawang isip pa ako at the same time may takot na baka hindi bumenta kasi nga nabasa na nila online, pero hindi. Doon ako nagkamali, marami ang bumili ng libro ko sa unang labas palang nito at pagkalipas lang ng ilang buwan ay nagkaroon ulit ng reprint para sa ibang lugar na hindi pa naabot ng libro ko. May mga loyal talaga pala akong mambabasa, maraming salamat sa kanila at naging bestseller ang kwento kong ito sa national bookstore at ganun din sa iba pang bookstore.
Marami din akong natatanggap na offer na magagandang feedback tungkol sa kwento ko, na siyang nagpadagdag sa pagsikat ko nga raw, sabi pa ni Yna. Pero ako? Parang wala lang sa akin, siniset ko parin kasi sarili ko na maging simpleng tao ako, kasi higit sa fame mahal na mahal ko kasi yung kwentong iyon, higit sa ibang kwentong sinusulat ko. Kasi totoo ang lahat ng mga nangyari sa kwentong iyon.
Totoo si Kiko, si Dianne, at higit sa lahat totoo si Allyson. Ang babaeng minahal ko. Hindi nga lang ako sikat sa school. Hindi nga lang ako leader ng isang banda. O sobrang gwapo gaya ng mga dinidescribe ko sa libro ko, pero yung bawat palitan ng salitang mga character ko, totoo. Marami na ang nagtanong kung totoo nga ito, at gaya ng lagi kong sinasagot. Hindi! Dahil ayaw kong malaman nang iba na totoo ito, baka kasi makilala ako ng ibang tao. I mean, mabasa ito ng taong pinaka-mamahal ko hanggang ngayon.
Oo. Tama ang inyong narinig, magpahanggan ngayon ay mahal na mahal ko parin ang unang babaeng minahal ko noong highschool pa ako. At lumipas man ang sampung taon, siya parin ang tinitibok ng puso ko.
Nagpalakpakan ang mga tao sa loob ng conference room. Nagkaroon ng kaunting interview with some reporters, diyahe! Nanginginig ako habang hawak ko ang mikropono, hindi katulad kanina na ang lakas ng loob kong i-kwento sa kanila ang libro. Pero yung iinterviewhin ka tapos ilalabas pa nila sa telebisyon itong interview ko. Waaah! Iba ka na talaga Francis, ikaw na ang sikat.
Natapos din ang interview, pero sinabe ni Yna na ililibre niya ako ng dinner kahit na may dinner meeting pa sana kami ng Viva Star films, pero kasi tumanggi itong si Yna na siyang nagsisilbing manager ko rin. Biniro niya ako na mayaman na raw ako. Binatukan ko siya, hindi po ako mayaman. Pero hindi na ako magsisinungaling sa inyo na malaki ang kinikita ko sa pagsusulat ko. Huminto na rin kasi ako sa pagtatrabaho at naging isang full time writer na ako. Kinuha narin ako ng Viva Star para gawin nilang writer sa mga upcoming movies at teleserye nila at nangako rin sila na lahat ng mga kwentong gagawin ko ay magiging movies. Wow! As in wow talaga, Halos lumuwa ang mga mata ko sa sobrang biyaya na binibigay sa akin ni Lord. Pero hindi parin ako nakakalimut na magpasalamat sa kanya, at dahil narin sa mga biyayang binibigay niya sa akin. Nakapagpagawa ako ng maliit na chapel sa aming paaralan.
BINABASA MO ANG
Another Bestfriends Story
Short Story"Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo, baka kasi hindi mo na malayan. May nahulog na pala sa iyo." -Francis