Chapter 16: Liligawan kita

295 7 0
                                    

Allison’s POV

ANO pang silbi ng pagiging artista at singer ko kung hindi ko naman ito magagamit sa panliligaw ko. Nakakahiya mang pakinggan. Kung ayaw niya sa akin, dapat sinabe niyang ayaw niya sa akin. O pinaramdam na ayaw niya talaga akin. Pero kasi naramdaman ko na hindi eh. Na gusto niya rin. Noong hinalikan ko siya, ramdaman na ramdam ko yung gustong sabihin ng labi niya sa akin. At yun ang kelangan kong malaman.

Liligawan. Yung ang gagawin ko para lang muling manumbalik yung naputol na pagmamahalan naming dalawa. Wala na akong pakielam kung anong mangyayari, at sana putek! Wag niya akong bastedin. Hindi ko ata kakayanin na mabasted, dahil buong buhay ko ako ang nililigawan at hindi ako ang nanliligaw.

“Paano ba manligaw?” tanong ko sa kaibigan kong si Tyra na siyang handler ko. Halos maluwa niya ang mga kinakain niya ng minutong iyon dahil sa sobrang pagkagulat sa tinanong ko sa kanya. Ganun ba ka unusual yung tanong ko? Saka siya uminom ng tubig at muli niya akong hinarap. Ganun parin yung facial expression ko. Inaantay yung isasagot niya sa akin.

“For real?” balik nitong tanong sa akin. Tumango ako para isagot sa kanya. At hindi siya makapaniwala na gagawin ko talaga ito.

“Baliw ka. Sino naman maswerteng lalake ito? O baka naman sabihin mo na tomboy ka ah?” saka niya tinakpan ang dibdib niyang wala naman laman. I rolled my eyes.

“Hindi ako tomboy, oo may isang lalake akong liligawan. At tama ka rin na maswerte siya dahil liligawan siya ng isang Allison, oh ano? Paano nga ba man ligaw ng isang lalake?” ang weird lang talaga pakinggan pero wala eh. Tinamaan na talaga ako sa kanya.

“Hays, hindi ko alam. Ni hindi ko pa  na-try manligaw ng lalake kasi ako itong nililigawan.” Saka ko siya tinitigan ng masama. Sa totoo lang hindi kasi siya kagandahan kaya nagtataka ako kung may nanliligaw ba sa kanya o totoo iyong sinasabe niya.

“Oo na, walang nanliligaw sa akin. Ang sama ng ugali mo, ang sama ng titig mo nakakainis ka. Oo na tuturuan na kita.” Ayun naman pala eh. Salamat Tyra. Then I smiled.

Gaya ng sinabe ni Tyra aalamin niya ang lahat ng schedule ni Kiko, as in lahat-lahat at kelangan daw nandoon ako para mas mapalapit ako sa kanya. Kaya ginawa ko naman. First day ng operation: Liligawan kita. Pumunta ako sa gym na kung saan siya nag-g-gym. Wow! Hindi ko inaasahan na nag-g-gym ang isang tulad ni Kiko. Noong nakita ko siyang naka-sando sa loob ng Hell Room. Nakita ko nga na malaki ang pinagbago ng katawan niya. Nagkaroon narin siya ng mga muscles at medyo bumakat ang mga tinapay sa kanyang tiyan. May abs ang lolo niyo.

At siyempre hindi rin ako magpapatalo. Suot ko ang usual na pang-gym na damit ko at spagetti at naglakad ako papasok sa loob ng gym na iyon. At sa bawat hakbang ng paa ko, lahat ng mga lalake sa loob ng gym na iyon ay napapalingon. Tila nakikilala nila kung sino ang magandang dilag na pumasok sa loob ng gym. Huminto ako sa reception area para magpakilala at para mag-enrol sa gym nila. Halos mawalan naman sa sarili nito si Ate receptionist noong Makita ako nito. At nanginginig na inabot sa akin yung form. At pagkatapos inassist naman ako ng isang gym instructor at ginala sa loob ng gym nila.

At nagsimula na akong gumamit ng thread-mill. Saan pa nga ba? Sa tabi ni Kiko. Busy ito sa pakikinig habang tumatakbo sa threadmill, ang gwapo na talaga niya ngayon. Ang tangos ng ilong niya, yung mga pawis na tumutulo galing sa noo niya pababa sa mukha niya, gustong gusto kong punasan gamit ang kamay ko. Gusto kong hawakan nag mukha niya.

Another Bestfriends StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon