Chapter 8: Question & Answer

293 7 0
                                    

Nilalamig ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nang mga oras na ito. Ang tahi-tahimik kasi ni Kiko. Turn na niya ulit para magtanong sa akin. Nanginginig ang buo kong katawan. Kanina kasi nagtatawanan lang kami sa mga tanong namin sa isa’t isa. Tapos ngayon, turn na naman niya at sobra akong kinakabahan. Putek bakit ba kasi parang pakiramdam ko, na may bahid ng personal ang itatanong niya.

           

            “May boyfriend ka na ba?” tanong nito sa akin. Seryoso ang mga mata nito habang isa-isang lumalabas sa bibig nito ang salitang kanyang tinanong sa akin ngayon lang. may boyfriend na ba ako? Sinagot ko na siya kanina, wala! Pero bakit niya ulit tinanong ulit yun.

            “May balak ka bang mag-apply? Kanina mo pa iyang tinanong ah?” ngumiti siya, saka sumagot ito.

            “Pwede ba? Pwede ba akong mag-apply?” tanong nito sa akin. Lumukso ang puso ko sa tanong niyang iyon. Iniwas ko ang pagtingin ko sa kanya, tumalikod ako. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Putek! Sinasabe ko na nga ba eh.

            Tatayo na sana ako noong bigla niyang hinawakan ang braso ko, napalingon ako sa kanya.

“Saan ka pupunta?” tanong nito sa akin.

            “Uuwi na ako, it’s getting late.” Pagkukunwari ko.

            “Nabigla ka ba sa tanong ko?” kitang kita ko sa mga mata niya ngayon ang pagkadismaya, naramdaman siguro nito ang pag-inis ko nang oras na iyon. Alam nama niya na ayaw na ayaw ko nang mga ganung usapan. Pero biniro ko parin siya, at ano naman itong ginagawa ko ngayon? Tumatakas ako, tumatakas ako sa usapan naming dalawa.

            Hindi ka pa kasi ready. Sabihin mo na kasi sa kanya na hindi ka pa ready. Alam naman niya yun, na hindi pa talaga ako ready. At kahit siguro ilang beses ko pang sabihin sa kanya ang tungkol doon, magpupumilit parin siya sa kagustuhan niya.

            “Wala namang kwenta yung tanong mo eh, uuwi na ako. Wag mo na akong ihatid, mag-review ka nalang diyan. Bukas may exam tayo kay Sir Jay, ayusin mo ah? Galingan mo. Kelangan may lumabas diyan sa utak mo,” sabay batok ko pa sa ulo niya, ganun parin ang ekspresyon nang mukha niya. Seryoso, feeling ko sa pagtalikod ko sa kanya, pinagmamasdan niya ako hanggang sa makababa ako. Ang lakas kasi nang pakiramdaman ko na may nasaktan akong isang tao nang hindi na mamalayan.

            Putek? Bakit ang lakas ng tama ko? I mean, hindi ko siya gusto, pero bakit ganito nalang ang reaksyon ko? Bakit ganito nalang ang concern ko sa kanya? At bakit parang lumalabas na... may gusto ka na kasi sa kanya. Unti-unti ka nang naghuhulog sa kanya. Wow! Palakpakan! May crush na si Ally. Naiinlove na ang tomboy, este bida natin! Tigilan mo nga ako konsensya. Ang sakit na nga nang ulo ko, hindi ka nakakatulong.

Mababaliw na talaga ako!

            Kinabukasan, muntik-muntikan na akong malate, kung bakit? Hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit ako nalate nang gising, wala kasi si Mommy may pinuntahan at ilang beses niyang binilin sa kasambahay namin na gisingin raw ako nang maaga. Hindi ko naman siya pinagalitan, pero nainis ako kasi mas inuna pa niya ang panonood ng tv kesa sa gisingin ako. Tsk! Sarap basagin ng tv sa harapan niya, okay lang na malate ako sa ibang subject ko, wag lang kay sir Jay at isa pa. exam naming mamaya kaya hindi pupwedeng malate. Teka! Nakapag-review ba ako? Ang sagot? Hindi!

Another Bestfriends StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon