Chapter 14: Reunion

258 6 0
                                    

Francis’s POV

“Hoy mokong bumangon ka na ng diyan.” Malakas pang sipa ni Yna sa bandang puwitan ko. Halos magreklamo ang rectum ko dahil sa malakas na pag-sipa nito. Hindi ko alam kung paano natitiisan ito ng boyfriend niyang si Chino itong si Yna, tsk! Siguro under itong si Chino at hindi makapag-reklamo sa mga pinag-gagawa nito sa kanya.

“Ano yang titig na yan? Gusto mo dukutin ko yang mata mo?” mataray pa nitong singhal sa akin. Papatayo na sana ako pero hinila niya ang paa ko at dahilan para mahulog ako sa higaan ko. Tamad na tamad talaga akong tumayo, kumilos at maligo. Uhm, ilang araw na nga ba akong hindi nagkikilos? Kumakain ako, pero hindi ako naliligo. Simula noong gabing iyon. Simula noong gabing iyon, simula noong muli ko na naman siyang nakita harap-harapan. Simula noong gabing iyon noong inamin niya sa buong tao sa loob ng lugar na iyon na iba na ang tinitibok ng puso niya. Sinagot na niya si Vena. Sinagot na niya ang kaibigan ko.

Pinilit kong tumayo, at inayos ang sarili ko. Saka ako aksidenteng napatingin sa may salamin. Noong isang linggo lang ang pogi-pogi ko na ulit. Ano na naman ang nangyari sa sarili ko? Para akong nakakita ng isang buhay na zombie sa harapan ko. Buntog ang mga mata, ang itim ng ilalim ng mga mata, namumula ang mga mata. Siyempre sa kakaiyak. Para na nga akong tanga. Ay hindi! Tanga na talaga ako. Matagal na, bakit ngayon mo lang narealize? Tumahimik ka diyan kunsensya.

“Ano? Bukas na yung Reunion niyo, kelangan mong pumunta.” Muntikan ko nang makalimutan. Nakatanggap kasi ako ng invitation letter na galing sa dati naming paaralan. Sa t otoo lang, personal pa itong binigay ni Sir Jay sa akin noong nakaraan araw. Pero nagsinungaling lang ako na wala ako, kahit na nasa loob lang ako ng kwarto ko. Si Yna ang siyang nakakuha ng letter at nag-iwan pa ng pasabi itong si Sir Jay na ngayon ay principal na ng West High. Na kelangan raw akong pumunta doon, hindi naman raw kelangan na magsuot ng pormal na damit, dahil kakaibang reunion ang magaganap raw doon. Noong una ko itong narinig kay Yna, naexcite ako. Pero noong naisip ko na pupunta doon si Allison at ang boyfriend na niyang si Vena. Parang gusto ko nang mag-back out. No! hindi na talaga ako pupunta.

“Bakit mo ba kasi ako pinipilit na pumunta doon?” habang hinahati ko ang hotdog na niluto ni Yna kani-kanina lang. para na ngang bahay ni Yna itong bahay ko, free siyang nakakapasok dito anytime at kahit na magkagayon. Walang ibang nangyayari sa amin. Dahil hindi ko maatim na galawin ang bestfriend ko. Not in my dreams at isa pa. magaling sa karate itong si Yna baka bugbugin niya lang ako ng di oras.

“Kasi nga kelangan ka doon.” Sabi pa nito saka nilagyan ng sinangag na kanin ang plato ko. Napakamot ako ng ulo ko. Saka binigyan siya ng isang masamang tingin.

“Eh, ayaw ko nga. Tinatamad ako. Marami pa akong gagawin, diba nga may kelangan akong tapusing novel dahil malapit na malapit na yung deadline ko?” sana makalusot ako dito. Tinignan niya ako ng masama saka umupo sa harapan ko. Saka niya ako binuhusan ng isang malamig na tubig. Nagulat ako sa ginawa niya. Buwisit to ah?

“Maligo ka na. ang baho-baho mo na. dali,” utos pa nito sa akin. Saka niya ako pilit na pinapasok sa loob ng kubeta. Doon pinihit ko paikot ang knob ng shower, tumingala ako doon. Saka unti-unting bumagsak ang malamig na butil ng tubig na lumalabas sa butas ng shower. Hanggang sa maramdaman ko na, na basa na ang buo kong katawan. Doon ko na hinubad ang suot kong damit. At patuloy ko parin na dinadama ang bawat pag patak ng tubig sa aking mukha na pababasa aking katawan. Hindi ko namalayan na nakatapos na pala ang halos isang oras nandoon parin sa ganun sitwasyon. Nakatayo, nakatingala, walang ginagawa. Parang pag-ibig ko kay Allison. Nagrereklamo ako ngayon na nakuha siya ng iba sa akin, pero may ginawa ba akong way para maging akin siya? Wala! Kasi nga ang tanga-tanga ko.

Another Bestfriends StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon