“Uy, practice ngayon ng bandang Another Sunset. Tara punta tayo!” rinig naming dalawa ni Dianne habang naglalakad sa may labas ng science Dept. Kanina pa kami naglalakad ni Dianne dahil hinahanap nito kung saan yung practice ng banda ni Kiko na Another Sunset, pero hindi nga namin Makita, ewan ko ba sa bestfriend ko. Bakit kasi hindi nalang kami nagtanong o kaya tinawagan yung number ni Kiko. Oo may number ko ni Kiko, kung saan niya nakuha ang number ko? Hindi ko alam. Ang alam ko lang, hindi ko gusto yung mga pinag-tetext niya sa akin. Nakakainis talaga siya kahit kelan.
“Tara bessy, andun pala sila sundan natin itong mga babaeng ito,” yaya pa niya sa akin.
“Pwede bang ikaw nalang? Ayoko ko kasing sumama, biglang sumama ang pakiramdaman ko.” Pagsisinungaling ko pa, pero ang totoo ayaw kong Makita ang mukha ng lalakeng iyon. Nasusuka ako!
“Sige na please, sabihin mo diyan sa masama mong pakiramdam na bukas o sa makalawa na siya kumapit sa iyo, kelangan ko lang ang bestfriend ko please, para Makita ko ang ultimate crush ko!” ayan na naman siya sa ultimate crush niya, parang lahat naman ata ng mga nagugustuhan niya ultimate crush niya. Tsk!
“Uy, akalain mo yun oh? Biglang nawala yung sakit ko, tara na nga. Baka kung ano pang magawa ko sa iyo.” Reklamo ko pa, saka ako niyakap patalikod ni Dianne. Kahit kelan talaga isang lambing niya lang sa akin okay na.
Nagpatuloy nga kami sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang auditorium, sa pagpasok naming sa loob para tuloy kaming nasa loob ng isang concert. Kumpleto ang lahat, nandoon ang mga die hard supporter ng bandang Another Sunset ganun din ang iba pa nitong mga kaibigan. At siyempre ang bestfriend kong si Dianne na gusto na nasa harapan para Makita ang bokalista ng banda na si Kiko.
Hila-hila ang kamay ko, at nakikipagsiksikan kami sa dami ng tao sa loob ng auditorium, kung hindi ko narinig na practice lang ito, aakalain mo talagang isang concert ito. Gosh! Bakit ang daming tao? Wala ba silang mga pasok? Asan na ba yung mga teacher namin? Napatingin ako sa may gilid. Ay putek! Kaya pala! Sila pala ang pasimuno nang lahat!
Nasa harapan na kami at buti buhay pa kami sa ginawa naming pakikipaglaban este pakikipagsiksikan sa dami ng mga tao kanina. At siyempre tuwang-tuwa itong bestfriend ko. Lumabas na ang buong banda sinimulan ito ni Hiro, ang drummer. Si Yosh ang bass, Dexter ang Pianist, Venadick ang lead guitar, at humiway ang buong auditorium sa paglabas ni Kiko, ang Lead Vocalist ng banda.
Halos mabingi ako sa hiwayan ng mga babaeng ito. Na para bang wala ng bukas sa kakasigaw, noong mapatingin ako sa katabi ko, leche! Isa pala siya sa mga sumisigaw sa kanila. Tsk! Bakit ang gwapo niya? Tsk! Allyson? Saan galing yun?
“Omg! Nakatitig siya sa akin bessy,” hila-sabay hampas pa sa aking balikat ni Dianne, pero alam ko naman na hindi talaga siya nakatitig sa bestfriend ko. Gosh, bakit ba ang lakas ng pakiramdam ko na may gusto siya sa akin? Wag na wag kang magkakagusto sa kanya kung gusto mong mapadali ang relasyon niyo ng kaibigan mo. Alam ko yun, konsensya. Sinet ko na ang sarili ko simula noong nag-aaral ako na hinding hindi muna ako maiinlove sa lalake, kasi nga nag-aaral pa ako nang mabuti at kelangan ko pang pagbutihan ang pag-aaral para may marating ako pagtanda ko.
BINABASA MO ANG
Another Bestfriends Story
Short Story"Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo, baka kasi hindi mo na malayan. May nahulog na pala sa iyo." -Francis