Strange feeling.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko ngayon mga oras na ito. Dati, lagi namang nasa ayos ang routine ko sa araw-araw. Bakit ngayon para bang nag-iba ang lahat simula noong makilala ko si kiko? Shet! Bakit ko ba binabanggit ang pangalan ng lalaking iyon? Kasi nga baka mahal mo na. kaagad kong iwinaglit yung sinasabe ng utak ko. Ayaw ko siyang sundin, nakakainis na kasi eh. Ngayon lang ako nakatunganga ng ganito sa tanang buhay ko. Yung walang ginagawa kundi ang tignan ang ceiling ng kwarto ko, buti nalang kumatok si Mommy at tinawag ako nito para ihanda na ang sarili ko sa pagpasok. Pero, noong tumingin ako sa orasan ko. Shet! Isang oras na pala ang nakakalipas. Shemay, isang oras akong nakatunganga sa ceiling at ang iniisip ko lang ay si kiko? Ano bang ginawa niya sa akin? Mangkukulam ba siya? Baka naman may pinainom siyang gamot para ganitohin niya ako, pero kahit anong isipin ko, walang pumapasok sa isip ko na ginawa iyon ni Kiko sa akin.
“Ano ba? Papasok ka ba?” pasigaw na tanong ni Mommy sa likod ng pintuan. “Eto na po…” pasigaw ko ring sagot sa kanya. Kelangan kong ayusin ang buhay ko, hindi na pupwede ito. Masyado nang nasisira ang pag-aaral ko dahil sa kanya. Sinabe na nga na hindi pa ako pupwedeng mainlove kasi, nakakasira sa pag-aaral eh. Hindi ka inlove diba? Oo hindi ako inlove. At hinding-hindi ako maiinlove sa isang lalakeng katulad niya. Pramis!
Sinet ko ang sarili ko na hindi ko papansinin si Kiko kahit na kulitin niya ako. At ang isa sa mga dahilan ko ay ang kaibigan kong si Dianne, baka kasi makahalata na siya na sobrang close namin sa isa’t isa nitong si Kiko, kahit na siya lang naman yung nagpupumilit na lumapit sa akin kahit na hindi ko nga siya pinapansin. Pero ang iniisip ko talaga ngayon ay si Dianne, baka kasi magalit siya, baka kasi magtampo siya o mag-isip nang kung ano sa amin ni Kiko. Jusmiyo, wag naman sana. Hindi ako papaya na ang isang tulad niya ang sisira sa pagkakaibigan naming dalawa ni Dianne.
Habang naglalakad ako papasok sa loob ng paaralan namin, ay putek! Putek talaga, umulan kasi kagabi at may mga tubig pang naiwan sa may daanang papasok nang eskwelahan. Tapos nagsisitakbuhan yung mga mukhang mga first year students ata yun. Tapos ayun, naputikan ako! Putek! Talaga! Putek! “Makakatikim itong mga to sa akin,” bulong ko sa sarili ko habang pinapagpag yung paldang suot ko, nag-babakasakaling matatanggal ko pa yung dumi rito.
Pero noong iangat ko ang ulo ko para, tignang kung kaninong kamay yung nasa aking harapan. Nagulat ako, kaagad akong napasimangot. “Anong ginagawa mo?” malamig kong tanong sa kanya at binabalewala ang kamay niya na nasa harapan ko. May nakalagay na panyo sa kamay nito at wala akong balak na kunin ito para gamiting pampunas sa narumihan kong palda. May kinuha ako sa loob ng bag ko, pero hindi ko ito Makita. Bakit ngayon ko pa nakalimutang dalhin yung panyo ko.
Nagulat nalang ako noong kinuha nito ang kamay ko at inilgay dito ang panyo hawak niya kanina, saka sabing. “Ibalik mo nalang sa akin kapag, ready ka nang kausapin ako.” Sabi nito saka tumalikod at iniwan akong tuluyan. Kumunot ang noo ko sa iniwang niyang kataga. Ibalik mo nalang sa akin kapag ready ka nang kausapin ako. Reading kausapin siya? Bakit ko siya kakausapin? Ano bang nagawa ko sa kanyang kasalanan? Baliw ba talaga siya? Napatitig muli ako sa hawak ko na ngayong panyo niya. “Baliw talaga siya.” Giit ko saka ko tinago sa loob ng bago ko ang panyo niya. Buti nalang hindi ako late sa subject ni Sir Jay. 2 minutes nalang ay papasok na siya, nakapagkwentuhan pa kami ni Dianne, ayun siyempre ako ang topic sa kwento namin. Hindi ko parin raw kasi sinasabe sa kanya yung lalakeng tinatago ko raw sa loob ng kwarto ko noong pumunta siya sa bahay noong nakaraang araw.
BINABASA MO ANG
Another Bestfriends Story
Short Story"Sa susunod tumingin ka sa dinaraanan mo, baka kasi hindi mo na malayan. May nahulog na pala sa iyo." -Francis