Chapter 3: Hell Room

516 10 0
                                    

So this is what they call Hell room? Isang simpleng kwarto lang siya na may limang upuan na nakakalat sa loob ng isang kwarto. Anong hell dito? Siguro, hell na tinawag nila ito dahil walang ka-aircon-aircon sa loob ng kwartong ito. Magmumukhang hell lang ito ngayon, dahil kasama ko sa loob ang isang walang hiya at higit sa lahat bastos na si Kiko. Anak ng tokwa naman oh?  

           

            Sabay kaming pumasok sa loob ng kwartong iyon, inassit kami ng isang estudyante na siyang nagutos kay Sir jay na magdala dito. At siyempre sumunod naman kaming dalawa. Okay na nga sa akin na mapagalitan at mapunta sa sinasabe nilang Hell room, pero yung makasama itong lalakeng ito? Gosh! Mas mahigit pa sa hell ang mararanasan ko sa kanya, kundi isang bangungot!

            Sa pagpasok namin sa loob, nilock ba naman ng estudyante na iyon ang kwarto. Wala tuloy akong nagawa, kundi hilain ng isang upuan at umupo doon, gosh! Ang init sa loob ng kwartong ito. Kaya binuksan ko yung isang bintana, pero kasi may harang iyon na isang pader kaya kakaunting hangin lang ang pumapasok sa loob. Pero mainit parin, kasi…. “Anong ginagawa mo?” pasigaw kong tanong sa kanya, bigla nalang kasi siyang nasa likuran ko. Ni hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya. Kainis!

           

            “Gusto ko rin makalanghap ng hangin, ang init kasi dito eh.” Nakangiti na naman siya, tinulak ko siya palayo sa akin.

            “Wag ka ngang dumikit sa akin, naiirita ako.” Inis kong sabi sa kanya, saka tumayo ako palayo sa kanya at hinila ang upuan ko na doon ako sa gitna pumuwesto. Naglakad siya papalapit sa akin, naiinis na talaga ako sa kanya, kaunti nalang talaga gagamitan ko na siya ng kame-hame-wave.

            “Bakit ba ang init ng ulo mo?” tanong nito sa akin, pero hindi ko siya sinagot sa tanong niya, wala akong balak na kausapin ang isang tulad niya. Mababaliw ako!

            “Uy, ano ba? Hindi mo ba talaga ako kakausapin?” pangungulit niya pa sa akin. Hanggang sa bumukas ang pintuan, hinila niya ang isang upuan at tumabi sa tabi ko. Ang pumasok sa loob ng kwarto ay walang iba kundi si Sir Jay.

            “Mainit no?” tanong pa niya sa amin, hindi ako sumagot. Baka kasi kung anong lumabas sa bibig ko, at masagot ko siya sa hindi niya inaasahang sagot na mang-gagaling sa akin.

            “Alam niyo ba kung bakit kayo naririto?” tanong niya sa aming dalawa, nakatingin lang siya sa aming dalawa, ngunit wala ni isa sa amin ang nagsasalita o sumasagot pabalik sa kanya.

            “Sa tingin ko alam niyo na, ito ang tinatawag ko na Hell room. Sa kwartong ito napapatino ko ang mga may sungay na estudyanteng katulad niyo. Sa limang taon ko sa paaralang ito, marami na akong napatino na estudyante na siyang nagpasalamat sa akin dahil narealize nila na kapag nasa eskwelahan ka, ang dapat mo lang gawin ay mag-aral at mag-aral. Saka muna ang paglalandi o pagbubulakbol kung may mga hawak na kayong sariling pera niyo at hindi na umaasa sa mga magulang nyoooooooooooooo!” bigla nalang siyang sumigaw.

Nasa lower ground kasi nakapwesto ang kwartong ito. At kulob siyang area, may dalawang florescent light na siyang nagbibigay ng ilaw sa kwartong iyon. Kaya siguro walang makakarinig sa amin sa loob ng kwartong iyon. Kaya siguro ganito nalang kalakas nang loob ng guro na ito na dalhin dito ang mga estudyante niya para pagalitan at pagsabihan.

Another Bestfriends StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon