Unexpected

8 1 0
                                    

Pag katapos kong may pakilala kay Tita Eve ay pinatuloy niya ako sa bahay niya. "Mag aayos lang Nathan dito ka muna sa baba" sabi ni mellow at pumunta siya sa kanyang kwarto. Hindi naman kalakihan at hindi rin kaliitan ang bahay nila, yung tipong tama lang sa kanilang dalwa.

"iho alam mo na ba?" Mahinang sabi sakin ni Tita Eve "Alin po?" Nag tataka kong sabi "alam mo na ba yung nangyari kay mellow at mikaela?" Nung narinig ko yung sinabi ni Tita Eve ay nagulat ako na alam niya yung bagay na yun pero dahil nanay siya ni mellow hindi na ako nagtaka pa. "Opo Tita kaya ko nga po siya sasabayan ay dahil baka po may gawing masama si mikaela sa kanya"

"Ang bait mo naman iho alagaan mo nang mabuti si mellow ha? Kaisa isang anak ko nalang yan. Natutuwa rin ako dahil simula nang nag away sila ni mikaela ay iyak nang iyak si mellow sa kwarto niya. Ayaw niya namang pag usapan ang mga ganoong mga bagay dahil ayaw niya akong pag aalahanin. Kaya natutuwa ako dahil may kaibigan siya na proprotektahan siya." Natutuwang sabi ni Tita Eve. Pag baba ni mellow ay nakabihis lang siya nang simple pero hindi masyadong revealing pero ang cute cute parin niya.

"Sige mellow aalis na ako" sabi ko sakanya habang naka ngiti "a-aalis ka na agad?" Sabi ni mellow habang nakayuko nag blu blush nanaman siya ang cute. "Malapit na kasing mag gabi baka sabihin nang nanay ko kung saan saan ako pumupunta" sabi ko sakanya "s-sige nathan i-ingat ka" sabi ni mellow na naka yuko.

"Sige ingat ka din" sabi ko at nag lakad palabas nang bahay nila. Bago ako mapalayo nang husto ay lumingon ako at nakitang nakaway si mellow sa may harap nila. Ang cute cute niyaaaa kumaway din ako sa kanya na naka ngiti. Pag dating ko sa harap nang gate namin ay nag taka dahil may naka park na isang sasakyan dito. Pag pasok ko sa pinto ay may sumalubong sakin na nakaka akit na ngiti. Pero alam kung punong puno parin nang galit ang mga mata niya.

Dalisay Na KagandahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon