The First Encounter

30 3 0
                                    

2.

Nakasunod lang ang mga mata ko sa dalawang binibini na nasa aming classroom.

"Ahhh ano ba?! Diane??" Nagulat na sabi ko dahil parang may nangiliti sa gilid ko.

"Nyahahaha sorry Nathan" Nakangiting sabi ni Diane at sabay lapit sakin.

Malapit kami ni Diane sa isa't isa parang kapatid na ang turing ko sakanya at may respeto ako sakanya pero hindi ko manlang inisip na ligawan siya because for me friends are better than girlfriends.

Pero aaminin ko na cute si Diane heheheh ang swerte ko nga eh na naging close kami.

Kikilitiin ko na din sana siya nang biglang nag salita na ang adviser namin

"Okay class ito nga pala ang mga bagong transferees dito sa school natin" Naboringan ako dahil wala naman akong paki alam sa mga bagong students dahil pare parehas lang naman din sila sa huli pero...

Nung tumayo yung dalwang magandang babae sa likod tuwang tuwa ako at ngayon lang akong naging exited sa mga bagong transferee dito sa academy namin.

Pag tayo nang dalawang babae ay unang nag salita ang babaeng naka rebond.

"Hello my name is Mikaela nice to meet you all" sabi niyang naka ngiti lalo tuloy akong na bighani sa kanya dahil sa kanyang kagandahan.

Tapos nag salita din ang babae niyang katabi na natural lang ang buhok niya ay hindi rebond at hindi kulot yung tipong magandang bagsak ang buhok niya.

"H-hello ako nga pala si Mellow" Sabi niya at sabay nahihiyang tumungo. Alam kong cute si Mikaela pero iba ang kagandahan ni Mellow at kakaiba din ang pangalan niya but in a good way.

Siguro ngayon iniisip niyo na manloloko akong tao dahil ang rami kong crush diba? Pero crush lang naman diba? Yung ibang babae nga diyan ang raming asawa na koreano eh.

Pagkatapos mag salita nang dalawa ay sabay silang umupo sa kanilang upuan. Naka sunod parin yung mga mata ko sa kanilang dalawa.

"Hoy Nathan kanina kapa naka tingin sa kanila ah? Ayieeeeee!" Ang nakakainis na sabi ni Diane.

"Hoy! Hindi ba! Wag ka ngang maingay diyan!" Naiinis kong sabi.

Binalik ko ang mga mata ko kanilang dalawa nang parang may dalawang mata nang anghel ang nakatingin sakin.

Dalisay Na KagandahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon