The Difference Between Words And Feelings

12 1 0
                                    

Nasa classroom na kami ni mellow nakipag palit siya nang upuan malapit saakin dahil sabi ko sa kanya na baka kung anong gawin ni mikaela na pag katabi niya siya. Ang katabi ko sa kanan at kaliwa ko ngayon ay si mellow at diane at ang nasa likod ko naman ay si leon. Wala pang naka upo sa unahan ko may naka reserve yata.

"Good morning class today we have a new transferee joining us" sabi ni maam. Tapos biglang may pumasok na ma puti at pogi sa loob nang room namin. Nakita ko si mellow na nakayuko at nag blu blush bakit kaya? Baka kaya ito yung si kyle na sinasabi niya sakin na obsesses na obsesses si mikaela sa kanya. "Hello everyone My name is kyle nice to meet you all" sabi niya sabay ngiti. Iritan tuloy yung mga babae sa classroom namin. Tapos umupo na siya dun sa harapan ko na bakante.

Nung lunch na ay biglang kumilos na si mikaela expected ko na agad na may gagawin siyang masama. Biglang umupo si mikaela sa hita ni kyle at sinubuan siya nang spoon full of ice cream "say ahhhh" sabi ni mikaela "aahhhh" sabi ni kyle. Sarap pag untugin nung dalwa ehh na kakainis. Pag lingon ko ay nakayuko si mellow sa desk nya naiyak yata siya tsk nakakainis naman kasi itong dalawang ito dito pa nag iiscandalo. Inantay ko munang umalis si kyle at mikaela at pag alis nilang dalwa ay kinuha ko ang aking panyo at pagkain sa bag. "Ok ka lang ba mellow? Ito o panyo ko wag kang mag alala di ko pa yan ginagamit kaya mabango pa saka ito o di ka pa nakain meron pa ako ditong tinapay at juice kung gusto mo?" sabi ko sa kanya.

Makalipas ang ilang segundo ay kinuha niya ang panyo at tinuyo ang mga luha niya. Naawa nanaman tuloy ako kay mellow babatukan ko na nga yung dalwa pag nag iscandalo nanaman yun dito. Pag katapos niyang punasan ang mga luha niya ay kinain na niya ang bigay kong tinapay. Nakangiting na nonood lang ako sa kanya habang nakain siya. Masaya ako dahil sa maliit na suportang binibigay ko sakanya ay nakakatulong ako kahit papaano. Bigla siyang napatingin sakin "s-salamat sa pagkain nathan" sabi niyang may laman ang bibig nang tinapay.

Bigla kong napansin na may amos siya sa kanyang mukha kaya kinuha ko yung towel ko at pinunasan ito. "A-anong ginagawa mo?" Nagulat niyang sabi sakin habang nag blu blush "wait lang konti nalang" sabi ko at pinunasan ang natitirang maliliit na piraso nang tinapay sa pisnge niya "yan tapos na" sabi kong nakangiti. "Bakit ka nakayuko?" Nagugulong tanong ko "Nahihiya kasi ako" sabi sakin ni mellow na nakayukong nag blu blush "bakit ka naman nahihiya?" Nalilitong tanong ko.

"Ang dami kasing nakatingin sa atin eh baka isiping mag jowa tayo" sabi ni mellow sakin habang nakayuko. Tapos tumingin ako sa paligid at halos lahat nang tao dito sa classroom ay nakatingin sakin waaaah oo nga nakakahiyaaa. Pero bigla kong naisip ang epekto nito kay mellow "sorry mellow ang usapan lang natin ay ihahatid lang kita sa inyo at sabay tayong umuwi sorry kung hinawakan ko yung mukha mo kanina. Sorry din kung iniisip nila na mag jowa tayo alam kong nakakahiya yun dahil ang ganda mo tapos pangit na mataba lang ako. Simula ngayon lalayuan nalang muna kita pag nasa classroom tayo para di tayo pag kamalan  na mag jowa" sabi kong seryoso habang tinitingnan si mellow sa mata.

Mag sasalita na sana siya nang biglang pumasok si kyle at mikaela sa room.

Dalisay Na KagandahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon