The Dark Past

15 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito Mellow?!" Galit na sabi ni Mikaela.

Bakit siya ganto? Hindi na siya yung taong kilala ko kasi yung pagkabigkas ni Mikaela at ang mga mata niya ay nag iba na din.

Hindi na ito mata nang isang anghel dahil pinalitan ito nang mga mata na nag aapoy sa galit.

Pumunta ako sa pagitan nilang dalawa. "Mikaela ok ka lang ba? Bakit mo sinisigawan si Mellow?".

"Pakialamero kang lalaki ka hindi ka naman ka pogi at ang dahilan lang kaya nilapitan ay dahil matalino ka!" Pasigaw na sinabi ni Mikaela sakin.

Nung sinabi niya yun ay sobrang sumikip ang dibdib ko shet ang sakit sobrang sakit di ko inaakalang mangyayari ito sakin ang sakit talaga.

"Pero dahil nandito ka na rin man sasabihin ko nadin sayo. Itong si mellow na ito ay mahilig mang agaw nang lalaki at naninira siya nang ibang tao kaya kaming mag kakaibigan sinira niya!" Galit na sabi ni Mikela.

Bigla akong napatingin kay mellow naka yukong umiiyak naawa ako nang sobra. Sobra akong naawa sa kanya ayaw kong makakita nang taong nag hihirap. Dati kasi mahilig ako sa rpw sa facebook marami na akong babaeng naka usap dun at yung iba ay napalapit akong tuluyan at pag may problema sila ay sumisikip ang dibdib ko dahil wala man lang akong magawa para matulungan sila kaya ngayon tutulungan ko si Mellow.

"Tara na" bulong na sabi ko kay Mellow sabay hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang kamay at nag lakad kami papalayo kay Mikaela. Dun muna kami tumambay sa isang coffee shop malapit dun sa school.

Pag upo naming dalawa ay naka ub-ub sa lamesa si Mellow. Pinabayaan ko nalang muna siyang umiyak at nang makalipas ang ilang minuto ay bigla siyang nag salita "Naniniwala kaba sa mga sinabi ni mikaela kanina?" Mahinang sabi niya sakin. "Wala akong pakialam sa mga sinabi niya ang alam ko lang ay nasaktan ka niya at hindi yon tama" madiin na sabi ko sakanya.

Sa totoo lang wala na akong natatandaan sa mga sinabi kanina ni Mikaela dahil ang nasa isip ko ngayon ay si mellow inisip ko kung paano ko siya papatahanin sa mga oras na yun. "Gusto mo bang malaman ang totoo?" Mahinang sabi sakin si Mellow.

Naguguluhan ako sa mga sinabi niya pero "oo" gusto kong malaman ang totoo kahit hindi ko pa alam ang kasinungalingan.

Dalisay Na KagandahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon