The Truth

11 1 0
                                    

"Mag kaklase kami ni Mikaela last year sa totoo matagal na kaming mag kaibigan pero lahat yun nag bago noong sinabi ko sa kanya na mahal ko si Kyle. Pogi at mabait si Kyle kaya ko siya nagustuhan saka pati mag kaklase na din dati kami ni Kyle nakilala ko siya.

Tapos sinabi ni Mikaela sakin na kakaibiganin niya si Kyle tapos ipapakilala niya daw ako pero baliktad ang nangyari si Mikaela ang naging close kay Kyle at dahil sa nangyari na yun nag ka sira sira kaming mag kaibigan dahil sa kanya. Dahil masyado siyang na obsess kay kyle." Malungkot na sabi sakin ni mellow.

Nabigla ako sa mga narinig ko dahil akala ko na mabait pala si Mikaela pero bigla kong naisip si Mellow naisip ko yung mga pinag daanan niya at nag pasya akong aalagaan ko na si Mellow para hindi na siya guluhin ni Mikaela. "Umm...Mellow? Ok lang ba kung lagi tayong sabay sa pag uwi? Sabi ko

"B-bakit?!" Nagulat niyang sabi, pinag masdan ko muna siya nang napansin kong namumula ang mga pisnge niya. Halaaaa baka iniisip niya namay gusto ako sakanyaaa.

Pero sa totoo lang may gusto talaga ako sa kanya pero ang pinakang goal ko ngayon ay protektahan si Mellow kay Mikaela. "Gusto lang naman kitang protektahan kay Mikaela kasi baka kung anong gawin niya sayo" seryosong sabi ko sa kanya. "O-oo naman" nahihiyang sabi niya pero halata parin sa mukha niya na nag blu blush parin siya.

Pag katapos namin ay pumunta kami sa bahay niya upang ipakilala ako sa nanay niya diba kasi sabay lagi kaming uuwi eh baka akalain nang nanay niya na stalker ako. Nang pag punta namin sa bahay nila ay agad kaming sinalubong nang nanay niya "O Anak sino naman yang kasama mo?" Sabi ni tita Eve manang mana talaga ni Mellow si Tita Eve kasi parehas silang mahinhin ang boses. " Kaibigan ko po siya mama" sabi ni Mellow. Agad agad naman akong nag pakilala sa kanya "Ako nga po pala si Nathan" nahihiyang sabi ko.

Dalisay Na KagandahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon