Na-update namin ang aming Mga Alituntunin sa Nilalaman.
Suriin ang pinakabagong mga alituntunin para patuloy na makapagbahagi ng mga kuwento nang ligtas.

The Bookworm

26 2 0
                                        

4.

Nang biglang humangin ay sinama nang hangin ang buhok niya habang nag babasa.

Iba ang nakikita kong kagandahan ni Mellow kumpara kay Mikaela. Hindi ko maipaliwanag pero mag ka ibang silang dalawa. 

"Umm...h-hello" malambing na sabi niya sakin.

Ang cute nang boses niya halaaa anong sasabihin ko?! Baka akalain din niya na iniistalk ko siya. Pero kailangan ko siyang sagutin.

"H-hello mellow ako nga pala si Nathan" sabi ko sakanya habang nakatingin sa malambing na mga mata niya.

Kung ikukumpara ko si Mellow kay Mikaela ay parang mas malambing tingnan si Mellow at si Mikaela naman yung tipong lahat nang tao magugustuhan siya kahit unang tingin palang.

"B-bakit ang aga mong pumasok? Tanong ni Mellow

"Maaga kasi akong natulog kahapon eh" at napansin ko naman ang maliit na aklat na binabasa niya kanina.

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga libro" nakangiting sabi ko sakanya.

Bigla niyang tinabi ang librong hawak niya at tumalikod siya at nag simulang mag lakad papalayo.

"Wait lang! Wag mong isipin na na we-weirduhan ako sa mga bookworm! Mahilig din akong mag basa saka pati ang cut-" nahihiyang pinutol ko yung sasabihin ko.

Waaaaaah! Ano ba?! Bakit ko bigla ko nalang sasabihin na cute siya? Biglang lumingon si Mellow na hawak ang libro sa dibdib nya habang hinahangin ang magandang natural na buhok niya.

"Ahh ganun ba? Mahilig ka din sa mga libro? Ano ba ang paborito mong genre nang libro" nakangiting sabi niya sakin habang papalapit sakin.

Nang halos sobrang lapit na nang pagitan namin sa isa't isa ay bigla siyang tumigil at yumuko. At napansin ko din na biglang namula ang kanyang mukha.

"S-sorry Nathan kung f-fc ako" nakayukong sabi niya.

"Ok lang hindi ka fc. Sa totoo lang matagal na kitang gustong kausapin. Friends?" Inabot ko ang kamay ko sakanya na nakangiti.

"Friends" inabot niya ang kamay ko nang nakangiting nag blu blush nang konti.

Ang lambot nang kamay niya. Ngayon lang ako naka hawak nang kamay nang babae at ang lambot nang mga ito.

Nagulat ako nang may kumuhit sa likod ko. Pag lingon ko ay nagulat ako si Mikaela pala. Pero parang nag iba ang atmosphere nang dumating si mikaela, bakit kaya?

Dalisay Na KagandahanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon