Hindi na ako pumasok sa bahay nila mellow dahil sinabi ko kay mellow na may gagawin pa ako sa bahay kaya hinatid ko lang siya sa labas at umuwi na agad ako. Hindi ko kasi kaya sobrang sikip na nang dibdib ko sobrang sikip ang sakit. Pag uwi ko ay agad akong pumunta sa banyo at na ligo.
Binuksan ko yung shower namin at hindi ko alam na natulo na pala yung mga luha ko. Bakit kaya? nakakainis naman naiyak ako nang walang dahilan nakakainis. Ang hirap kasing mag sinungaling sa sarili mo. Sobrang hirap kasi pag pala tinatago mo yung mga problema lalo lang nasakit nakakainis.
Hindi ko napansin na matagal na pala ako sa shower. Ang dami ko naman kasing iniisip eh. "Achoo!" Hala baka lagnatin ako nito. Binilisan kong kumuha nang towel ko at nag tuyo "achoo!" Hala lalagnatin ako nito nakakainis naman ehh.
Pagkatapos kong mag bihis ay agad akong natulog sa kama ko dahil iniisip ko na mawawala ito pag gising ko. Makalipas ang ilang oras ay parang basa yata ang suot kong t-shirt alam ko namang mainit dito pero hindi naman ako pinapawis dito. Saka bakit parang ang init nang pakiramdam ko hindi ako makagalaw. Makalipas ulit ang ilang oras ay nagising akong may towalya sa ulo ko. Inilagay yata ito ni mommy sakin ang bait talaga ni mommy. Pero iba yung nakita ko sa tabi nang kama ko. Nakita ko si mikaela na nakahiga sa tabi nang kama ko.
Ang cute niya habang natutulog. Wait lang! Diba kaaway ko siya bakit ko naman siyang sinasabihan nang cute. Pero bakit niya ako inaalagan akala ko ang dahilan lang kaya ako niya ako pinapansin ay dahil sa project namin. Bakit niya pa ako aalagaan nang ganito?! "N-nathan gising ka na pala? Ok ka lang ba?" Sabi mikaela pag gising niya.
Kung ano ano ang pumapasok ngayon sa isip ko nakakainis. Baka kasi saktan lang niya ulit ako at baka lokohin ko ulit siya. Pero kahit na marami na siyang nagawang masama samin ni mikaela ay kailangan ko parin siyang pasalamatan sa ginawa niya. "S-salamat mikaela" sabi kong mahina. Ngumiti nanaman siya habang nakatingin sa akin. At sa mga oras na yun ay may napansin akong nag bago sa kanya. Ang mga mata niya hindi na ito ang mga matang nagliliyab. Ang mga mata niya ngayon ay parang kalmadong lagit. Nag bago na kaya siya?
BINABASA MO ANG
Dalisay Na Kagandahan
RomanceThis story is fiction and just a figment of my imagination if there was a name which resembles a person then it's just a coincidence... I hope you like my first made story ^^ Remember this story is just a figment of my imagination... This story has...
