Deceived

11 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Sabi kong galit na galit. "Gagawa tayo nang project diba? Hindi mo ba natatandaan?" Malambing na sagot ni Mikaela. Tsk akala mo maloloko mo pa ako gamit yang mga sweet talk mo pwes nalaman ko na kung anong tunay na anyo mo.

"Bakit ka galit kay Mikaela anak?" Sabi nang nanay ko "Ok lang po Tita Lucy" sabi ni Mikaela. Iniis na iinis na iinis ako sa kanya sa mga oras na yun pati ba naman nanay ko dinamay niya? Pero hindi ko pwedeng sabihin kay mommy ang nangyari.

"Ahhh oo nga pala sorry kung nalimutan ko" sabay ngiti nang peke. "Tara na sa kwarto mo dun tayo manggawa nang project" sabi niyang nakangiti. Tsk ang ganda niya ang gandang niyang itapon suntukin sapakin nakakainis. Tapos pupunta pa siya sa kwarto ko?! "Wait lang! Dito ka muna sa baba mag aayos lang ako" sabi ko kay mikaela.

iimik na sana siya pero binilisan kong pumunta sa kwarto ko. Pag punta ko sa kwarto ko ay dali dali akong nag linis. Baka kasi kung anong kunin o makita ni mikaela. Pag katapos kong maglinis ay agad akong naligo habang naliligo ako ay may narinig akong tunog na nanggagaling sa kama ko. Shet nalimutan kong ilock yung pinto kanina baka kung ano ano nang ginagawa ni mikaela sa gamit ko nakakainis! Binilisan kong maligo at nag bihis na agad ako sa cr. Pag labas ko ay nakita kong nakahiga si mikaela sa kwarto ko. Kapal nang mukha eh matapos niyang paiyakin si mellow saka yung mga sinabi niyang masakit sakin may gana parin siyang mag pakita ibalibag kita dyan eh. "Anong ginagawa mo sa kwarto ko?!" Galit kong sabi "diba dito tayo manggagawa?" Sabay ngiti ni mikaela

"Alis" sabi ko nang mahina baka kasi marinig ni mommy na sinisigawan ko si mikaela. "Ako na ang gagawa nang lahat umalis ka lang" sabi ko sakanya habang nakatingin sa mga mata niya. "Talaga ba? Ikaw na ang gagawa nang lahat? Sipag mo pala ha kung hindi ka lang pakialamero pangit at mataba may pag asa ka sana sakin" sabi ni mikaela habang nag lalakad palabas sa kwarto ko.

Sarap eh sarap ibalibag kulamin sakalin nang babae na iyan. Ilang minuto na ang nakalipas nang narinig kong nag paalam na si mikaela kay mommy at narinig ko ding umalis na siya na naka sasakyan. Mabuti nalang at nakapag timpi ako nang galit sarap sapakin naman kasiiiiii.
Pag ka alis ni mikaela ay dali dali kong ginawa yung project namin nahirapan ako dahil marami yun kaya buti nalang tinulungan ako ni mommy...

nag taka muna siya dahil akala niyang tutulungan ako ni mikaela pero sinabi ko nalang na bigla siyang pinatawag nang tatay niya dahil may emergency. Alam ko yung iniisip niyo matalino ako tapos mag papatulong ako sa nanay ko sa project? Ang totoo kasi tamad ako saka sila lang naman ang nag sasabing matalino daw ako eh. Pag katapos akong tulungan ni mommy ay tumulog na agad siya at ako naman ay pinagpatuloy ko yung project hanggang mag umaga.

Pero hindi naman ako nag pupuyat kaya hindi ako nag ka eye bugs kung araw araw sana ako nag pupuyat edi naging panda na ako. Buti nalang maaga akong ginising ni mommy kaya maaga din akong nakaalis nang bahay.

Pag alis ko sa bahay namin ay diretso akong pumunta kela mellow. Naka bihis na siya at inaantay ako sa labas habang nag babasa. Ang cute niya talaga habang nag nagbabasa "mellow!" Pasigaw na sabi ko "pinag antay ba kita?" "hindi naman" sabi niya habang naka ngiti "tara na?" Sabi ko sa kanya "oo" sabi ni mellow at sabay kaming nag lakad papuntang school.

Dalisay Na KagandahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon