For The Best

14 3 0
                                    

"Mikaela can you do me a favor?" sabi ko sakanya na pabulong "pwede bang layuan mo na si mellow?" "Oo naman nathan. Kung yan ang gusto mo" sabi ni mikaela. Hindi ko alam kung pag kakatiwalaan ko ang mga salita niya sakin. Pero nakapag desisyon na ako.

Makalipas ang ilang oras ay umalis na si mikaela dahil nakauwi na galing trabaho si mommy kaya siya na ang nag alaga sakin. Pag gising ko kinabukasan ay magaling na ako at inisip ko kung dadaanan ko ba si mellow o hindi. Pero may naisip na agad akong paraan agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ko si kyle para sunduin si mellow. Nang una ay naguguluhan siya pero buti nalang ay na persuade ko naman siya kahit papaano. It's for the best lalayuan ko na muna si mellow dahil pag lumapit pa ako sa kanya ay baka lalo akong maakit. Lalo akong maakit nang malambing niyang boses at ang kanyang magandang mga mata. Pag naakit kasi niya ako ay alam kong ako ang talo ako sa huli dahil alam kong hindi naman talaga ako gusto ni mellow.

"It's for the best" I said to myself and I repeated it again ang again to face this stupid reality. Pag dating ko sa school ay hindi ko pinansin at hindi ko man lang tiningnan si mellow dahil ayaw ko na muna siyang pansinin. Naki pag palit ako nang upuan kay kyle para maka pag usap at makipag close kay mellow. It's for the best na maging sila. "Huy nathan bakit hindi kayo nag uusap ni mellow?" Mahinang sabi ni mikaela

"Basta mikaela saka nga pala wag mong kakalimutan yung favor na sinabi ko sayo ha?" Mihinang sabi ko kay mikaela. Matagal kaming nag usap ni mikaela. Kung ano anong pinagusapan namin tulad nang trabaho nang mga magulang namin at kung kailan ang birthday namin. "Nathan tingnan mo si mellow oh" sabi ni mikaela "bakit? Masaya ba siyang nakikipag usap kay kyle? Masaya ba siyang hindi na niya ako kasama? Masaya ba siyang nakuha na niya ang gusto niya?" Sabi ko nang madiin pero mahina lamang.

"Hindi!kanina pa kasi siya naka
ub-ub dun sa upuan niya" sabi sakin ni mikaela. "Ano?! Hindi siya nakikipag usap kay kyle?!" Madiin na sabi ko kay mikaela. Bigla akong napatingin kay mellow..

Bakit kaya hindi siya nakikipag usap kay kyle? Diba yun naman talaga ang gusto niya? Diba si kyke ang mahal niya? Diba? Diba?! Pero bakit. Bakit siya malungkot? Bakit hindi niya pinapansin si kyle!? Biglang may naisip akong ideya.

"Kyle pssst" sabi ko kay kyle. Binigyan ko siya nang towel at biscuit "Ibigay mo ito kay mellow wag mong sabihin na ako ang may sabi ha?" Sabi ko kay kyle.  Buti nalang ay nakumbinsi ko si kyle na gawin yun.

It's for the best :)

Dalisay Na KagandahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon