Words

19 3 0
                                    

3.

Ang ganda ng mga mata niya pero wait lang. Bakit siya nakatingin sakin?! Waaaaaah!

Bigla kong inalis ang mga mata ko sa kanya dahil nag ka tinginan kaming dalawa. Waaaaaah! nakakahiya naman ehhh siguro ngayon iniisip niyang stalker ako hala tapos naaaa. :(

Nahihiyang tumingin ulit ako sa mga mata niya nang nakita ko siyang nakatingin parin sakin at nakangiti.
Si Mikaela pala.

Ang ganda nang mga mata niya na parang mata nang mga anghel.

Pagkatapos nang klase namin ay nilapitan ako ni Mikaela na naglalakad papunta sakin.

"Hi ako nga pala si Mikaela" naka ngiting bati niya sakin.

"H-hello ako nga pala si Nathan" nahihiyang sabi ko.

"Gusto mo bang ikaw nalang ang ka partner ko sa project na sinabi ni maam kanina?" Natutuwang sabi ni Mikaela.

Hala hindi ko alam kung anong sinabi ni maam kanina waaaah! Nakakahiya naman pero isa itong opportunity na dapat kong kunin.

"Sige Mikaela" nakangiting sabi ko sakanya.

Pag katapos namin mag usap ay umuwi na si Mikaela dahil may service siya at ako naman ay nag lalakad lang pauwi at hindi naman sa wala akong pera o mahirap kami.

Gusto ko lang naman mag lakad para kahit papaano nakaka exercise naman ako at sa totoo lang ayaw akong pag lakarin nang mga magulang ko kasi napapagod daw akong maigi pero tingnan mo naman oh may muscles na nga ako sa hita ko hahahah kahit papaano ay nagiging fit ako nang konti.

"Nathan!!" Pasigaw na sabi ni Diane patakbong papunta sakin kasama si Alby na mukhang pagod na pagod na.

Matagal ko na din na kaibigan si Alby at pag hindi ako ang laging kasama ni Diane ay si Alby ang kasama niya.

Madalas ko nga silang iniinis dahil may gusto si Alby kay Diane pero hindi naman alam ni Diane at ang sabi ko nalang kay alby noong nang hihingi siya nang payo ay maging mag kaibigan nalang muna sila para hindi awkward. Gets niyo ba ako mga na friend zone? Hahahah joke lang. :)

"Sabay na tayo?" Nakangiting sabi ni Diane.

"Sige sige" nakangiting sabi ko at sabay sabay kaming nag lakad pauwi.

Pag uwi ko ay natulog agad ako nang maaga. Kinabukasan ay nabigla ako dahil maaga akong nagising at inisip ko na pag maaga akong pumasok ay makita ko kaagad ang dalwang transferee sa classroom namin.

Saktong pag sikat nang araw ay nag naglalakad na ako papunta sa classroom namin. At habang papalapit ako nang papalapit ay may na aaninag akong isang taong sa may tapat nang aming classroom.

Nung malapit na ako ay may nakita akong isang magandang babae sa labas nang classroom namin na nag babasa nang isang maliit na aklat. At ang babaeng nag babasa ay si Mellow.

Dalisay Na KagandahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon