Chapter 1

425 3 0
                                    

Chapter1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Chapter1

Familiar

DAYS have passed since I confessed with my crush. Sobrang sariwa pa nang pagkabasted ko at ang pagkapahiya ko noong araw na 'yon.

"Astrid, parati na lang ganyan ang mukha mo." Napalingon ako kay Ion.

Nag-iwas na lang ako ng tingin at sumipsip sa strawberry shake ko. Ion is my friend. Nakilala ko lang siya 2 years ago sa isang reunion nila Mommy.

Hindi niya alam ang tungkol sa pag-amin ko last week. Nahihiya kasi ako at baka isipin niya pang ang tanga ko. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, it just that, nahihiya ako lalo na't lalaki siya.

"Ano ba 'yang iniisip mo? Last time I checked, wala ka namang boyfriend." Tsaka siya tumawa, pero hindi ko feel ang pagtawa niya. I don't know why.

"I'm depressed."

"What?" Gulat na ani niya kaya nilingon ko siya. Gusto ko nang tumawa nang malakas sa reaksyon na nakikita ko sa mukha niya, gulat at pinaghalong pag-alala.

"Joke lang," napangisi ako at kumuha ng chocolate cake sa platito. "Wala lang, nanibago lang siguro ako. Sanay kasi ako na may kabayangan tuwing recess."

I'm always with Yackie when break time. Siya lang ang kadaldalan at kaclose ko sa former school.

"You know, hindi pa ako masyadong sanay at komportable dito sa UA. But it was really great when I transferred here."

"I know right. My school was absolutely great and amazing." Then he smirked.

Yep. Sa kanya ang Unibersidad na ito. Isa siya sa mga anak ng may-ari ng school na ito. Napakaswerte nga niya at kahit hindi na niya tapusin ang pag-aaral ngayon ay may skwelahan na siya at unlimited siya kung mag-aral.

His family was well-known, kaya nga nakilala ko siya sa isang reunion ni Mommy nang mga batchmates niya noong college. They are graduators of UA.

Besides of being rich. He was a model and at the same time an actor. Mayroon na siyang sariling pera at kahit hindi na siya manghingi ng allowance sa mga magulang niya ay kaya na niyang i-provide 'yon.

"See you after my class," ani ni Ion bago kami maghiwalay.

Iba kasi ang strand na kinuha ko sa kinuha niya. Magiging magkaklase na sana kami kung sana lang hindi ako mahina sa Math.

Tinahak ko ang papaakyat papunta sa 3rd floor, kung saan ang classroom ko. Maraming mag-aaral dito sa UA. Halos sosyal at may kaya sa buhay ang mga nandidito. Kaya kung wala kang self-confidence at wala kang kaya masyado, you'll be bullied o 'di kaya naman mahihiya kang dumikit sa mga tao.

Pero nasa sa iyo pa rin naman 'yan, kung papabully ka. Pare-parehas din naman tayong tao, bandang huli. Dapat kaya mong galawin ang mga bagay, at alamin mo kung paano hindi mabully.

I was bullied back in elementary dahil nga sa pagiging baduy ko manamit. But I learned how to fix my clothes and my hair too. Kaya 'yon, simula noon ay hindi na ako nabully sa pananamit ko.

I was about to step on 3rd floor's floor when someone's bumped me. Matigas ang bagay na ito at sumiksik sa ilong ko ang pabango niya. It was a manly scented na parang familiar na sa akin.

Nag-angat ako ng tingin at ganoon na lang bumagsak ang panga ko ng may makita akong lalaking may berdeng na mata.

Woah, this is the very first time na may nakita akong may berdeng mata, in person at malapitan pa na ganito.

He looks matured, based on his hair at sa amoy niya, but his scent seems familiar. Napakalaki rin niyang tao. May katangkaran ako, pero hindi ko man naabot ang leeg niya.

"I'm sorry?" Sabi niya na dulot no'n nang pagkagulat ko't pag-atras ko kaya hindi ko nakitang nagkamali pala ako ng tapak.

Tumabingi ang paa ko at mahuhulog na sana ng saluhin niya ako. Ngumisi siya at nagsalita nang napaka-sexy, "Gotcha."

What theeeeeee? Bakit ang pogi niya, pero ba't hindi ako nakukuntento?!

"Uhm, kamay," I awkwardly said.

Natatawa naman siyang nagtaas ng kamay at inilahad sa akin, "I'm sorry for bumping you, Miss." He sound guilty. Dagil siguro napaka-laki niyang tao ta's binangga niya ako.

Medyo kumunot ang noo ko sa kamay niya, pero ngumiti na lang ako, "Okay lang."

Kumunot ang noo niya, "Are you sure?"

Tumango lang ako at medyo natanggal ang pag-alala sa mukha niya, "By the way, I'm Amadeus." Tsaka siya ngumiti.

A-amadeus?

"Okay lang talaga. Uh, Astrid Kei Diaz." Tsaka ako ngumiti at tinanggap ang kamay niya.

"Ngayon lang kita nakita. Are you a transferee or what?"

"Transferee."

"Oh!" Napatingin siya sa phone niyang biglang nagring at namatay din. Tumingin siya sa akin at bakas ang pagkahinayang. Baka hindi niya nasagot ang tawag dahil sa akin. "Anyways, nice meeting you, Astrid. Sorry again."

"Okay nga lang," natatawa kong sabi kahit nahihiya ako sa itsyura ko. What the hell! He is so manly. Nakakahiyang magsalita lalo na't isip bata pa ata ako.

Tumawa siya at kumaway, "Gusto pa kitang maka-usap pero I need something to do. Bye, see you around!" Aniya at nagpaalam na.

Naglakad na din ako papunta sa classroom ko. I may say he's handsome and matured. Pero hindi ko alam bakot ganito. Cohle's face keep inserting in my mind, while I'm talking to that handsome guy.

Inloved na ba talaga ako kay Cohle kaya ganito? Sa mga nababasa kong libro, nangyayari rin 'tong kagagahan na 'to.

Pero sa tingin ko, maglalaho din naman 'tong kung anong infatuation na nararamadaman ko para sa kanya. Bata pa lang naman ako, I can see more guys and more handsome than Cohle.

At higit sa lahat, hindi nangba-busted ng babae. At marunong mag-appreciate ng paghanga ko.

Not that Cohle, ipinahiya niya ako at nirejected.

But why is that?! Kahit sobrang kahihiyan 'yon, eh nanatili pa rin ang pagkagusto ko sa kanya. Hindi man nga lang nanglahati ang bawas eh, mas lalo pa atang dumagdag!

I wonder kung kailan ang expiration date nito, para manahimik na ang utak at ang puso ko.

Pagod na kaya ako sa paghanga sa kanya for 3 years. Tapos irereject lang niya ako? Edi wow talaga. Edi wow lang.

The Sensation Of Being Drown (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon