Chapter 5

107 1 2
                                    


Chapter 5

Surrender

Hanggang ngayon ay umasagi pa rin sa isip ko 'yung kinwento ni Yackie noong isang araw, pero ba't hanggang ngayon ay iniintindi ko pa din.

Half day lang kami ngayon kaya shorten period. Aalis na sana ako para makapasok nang magring ang phone ko at binungad no'n ay si Mommy.

Kumunot ang noo ko bago sinagot ang tawag.

"Hello, Mommy."

"Astrid!" Halatang masayang-masaya siya kauma-umaga. "Guess what? Uuwi kami ni Avi next week!"

"Okay..."

"Anong mayroon?" Feeling ko sobrang taas ng kilay ni Mommy kahit hindi ko nakikita. Nakakunot din ang noo nito, for sure.

"Kumusta pala ang UA? I'm sure, 'di ka naman out of place diyan. Nandiyan si Ion, right?"

"Yep, 'Mmy."

Actually, boring na boring ako. This week kasi, hindi ko siya mahagilap. Balita ko busy daw ang section nila dahil nga malapit ng exam.

Buti nga sila ay maraming ginagawa. Samatalang kami, wala pa kaming halos ginagawa at puro quizzes lang ang meron kami this week.

"By the way, magready kana dahil magkakaroon tayo ng Family Reunion. And I want to celebrate it in our house." Ngumiti siya, "Ready to meet your relatives?"

Tumango ako kahit medyo nag-aalinlangan ako. I am not familiar with my relatives dahil sa nangyari accident noon.

Matagal kaming tumira sa probinsiya at umiwas rin kami sa masyadong tao dahil nga sa aksidenteng nangyari noon kay Avi - 'yung bunso kong kapatid.

-

Kinuha ko ang suklay ko na nasa loob ng bag. Kakatapos lang namin mag-PE, kaya kailangan kong mag-ayos ng buhok dahil sobrang haggard na nang itsyura ko.

"May powder ka?"

Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Monica
Paano siyang nakapunta dito? Hindi ko man lang nga naramdaman na tumabi siya sa akin at naglakad papunta dito.

"Hey?"

Napakurap-kurap ako at medyo umiwas. Natitigan ko kasi ang mukha niyang nagmamantika, dahil siguro sa sobrang pawis at tutok niya sa araw kaya naging ganyan ang itsyura ng mukha niya.

"Ha? Wala man eh."

Narinig kong bumulong siya tsaka ako iniwan dito. Ano kaya ang ginagawa niya sa mukha niya kaya nagkakaganoon? Siya lang ang babaeng nakita kong ganoon ang itsyura tuwing pinapawisan.

Nakakita na ako noon, pero hindi ganyan ka-OA tulad nang kay Monica. Sobrang oily at sabog talaga ng mukha niya. Parang naliligo sa mantika.

"Hindi ka naman siguro judge, 'no?"

Napalingon ako sa taong nagsalita at ganoon na lang ako nagulat sa lalaking nakatayo ngayon sa harap ko.

"A-amadeus?"

Ngumisi siya kaya nakita ang dimple niya sa kaliwang pisngi, "You remembered me?"

Kumunot ang noo pero nginitian din siya, "Oo, naman."

Imposibleng makalimutan mo ang ganitong kagwapong lalaki. Baka pagtulog mo na lang ay maalala mo pa siya at mag-iimagine.

"The PE uniform looks good on you," tsaka siya ngumiti.

"Aww, thank you."

Spell, nakakahiya. Sobrang nahihiya ako. Hindi ko alam kung OA lang talaga ako kaya ako ganito o ano.

The Sensation Of Being Drown (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon