Chapter 6

86 1 0
                                    

Chapter 6

Same

Napa-aga ang uwi nila Mommy dito sa bahay kaya masyadong maraming tao dito ngayon. At hindi ako masyadong komportable.

Iba't-ibang mga tao ang nag-oorganize ng bahay. 'Yung iba naman ay mga kaibigan ni Mommy na tumutulong rin sa pag-ayos ng bahay. Namove daw kasi ang date ng Reunion namin dahil sa masyadong busy ang mga tao.

Imbis na next week pa ay ngayong week na.

"Oh, Astrid!" Bati sa akin ni Mommy pagkababa ko sa hagdan.

Walang pasok ngayon dahil holiday. Gutay-gutay at napakalosyang nang style ko ngayon kahit makita man ng mga ibang tao. Eh, ganito talaga kasi ako sa bahay.

"Po?"

"Mag-almusal ka muna. Gusto mo bang lumabas?"

Kumunot ang noo ko at dumiretsyo ng lamesa. May almusal na doon at may mga ibang kumakain rin na hindi ko kilala.

"Bakit, 'Mmy? May papabili ka?" Aniya ko habang umuupo.

"Oo, sana," lumapit siya sa 'kin. Mukhang excited talaga siya sa reunion na magaganap. Halata sa mukha niya at kilos niya, eh.

I've never seen her like this before.

Ngumiti siya, "Pang design sa party? Nakalimutan ko kasing magpabili at bumili ng isang araw. Busy naman sila Korina at Luz sa paglinis ng bahay at pagluto ng mga ibang pagkain."

Uminom ako sa kape ko at tumango, "Sige, Mommy. Ilista mo na lang 'yung mga papabili mo."

Sa totoo lang, ayaw ko talagang lumabas. Tinatamad ako kanina pa noong pagkagising ko pa lang.

"Sige! Excited talaga akong ihanda sa kanila 'yung dish ko. Sana magustuhan nila." Ani ni Mommy at nagmadaling umakyat, para siguro kumuha ng ballpen at papel.

Hindi ko alam kung bakit ganitong ka-excited si Mommy. Parang nagpapa-impress siya na hindi ko magets. Para tuloy first time na magkaka-reunion sa preparedness niya.

Inubos ko na kaagad ang pagkain ko at naligo. Nag-ayos lang ako at nagsuot ng dark blue na pantalon at black na T-shirt. Niladlad ko na lang ang buhok kong basa dahil wala naman akong blower at kung ano-ano mang gamit para sa buhok. Simpleng suklay lang talaga, dahil wala naman akong masyadong pake sa buhok ko.

Sinuot ko lang ang kulay khaki na sandals ko na galing kay Ion, last christmas. Nakakamiss din iyon kahit parehas lang kami ng school.

Bumaba ako kaagad pagkatapos kong masatisfy sa itsyura ko. Narealize ko na: hindi ko naman pala kailangan mag-ayos ng sobra, dahil sa grocery lang naman pala ang punta ko.

Napabalik ako ng mabilis sa kwarto ko ng marinig kong magring phone ko. Nakalimutan ko pa lang kunin!

Nagkandatisod-tisod na ako sa pagmamadali. Minsan kasi, may pagkatanga din ako eh.

Pagkadating ko sa kwarto ko, nakita ko kaagad na paulit-ulit na nagfla-flash ang ilaw ng phone ko at malakas na nagriring 'yon sa study table.

Kinuha ko kaagad 'yon at nakakapagtaka na unknown number ito. Sino kaya 'to?

"Hello?"

Kumunot ang noo ko nang walang sumagot sa kabilang linya. Wala man lang bakas ng paghinga o ingay sa paligid.

"Astrid..."

Kinabahan ako sa boses na narinig ko. Hindi pamilyar at nakakapangilabot. Natatakot na tuloy ako. Baka sa mga horror movies 'to na may tatawag sa 'yo.

"HOY, ASTRID!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang marinig ko ang malakas na bunganga ni Yackie. "Ano?!"

"Napa'no ka?" Tumatawang abi niya galing sa kabilang linya.

"Ikaw kaya, ba't ganyan ka magtawag ng pangalan! Ba't iba pala number mo?" Kumunot ang noo ko, "teka, sa 'yo ba 'to?"

"H-ha? Hindi. Hindi 'to sa 'kin number. Ay, sa 'kin p-pala."

"Ah?" Napatango ako at bumaba na papunta sa sala. "Bakit ka pala tumawag?"

"Wala lang... ahm, nasaan ka?" Umingay ang paligid at bigla ding nawala.

"Sa bahay, kaya lang aalis din ako. Bakit?"

Hinanap ko si Mommy at nakita ko siya sa kusina at nagsusulat. Dumiretsyo ako doon at umupo muna sa tapat niyang upuan.

"W-wala lang? Saan ka ba pupunta? Sama ako." Aniya at nakarinig ako ng sara ng pintuan. Sa kotse siguro.

Napangiti ako sa sinabi niya, "Sige. Sa grocery lang naman. Nasaan ka ba?"

Nag-angat ng tingin sa akin si Mommy at nagtanggal siya ng salamin at inabot ang papel. Nagsalita pa siya nang walang tunog at pangisi-ngisi, "Sino 'yan?" Aniya sa galaw ng bibig niya.

Umiling lang ako at napangisi, "Si Yackie, 'mmy."

"Uhm, dito. Malapit na coffee shop sa UA."

"Sige kita na lang tayo sa grocery?" Aniya ko at tumayo na para magpaalam kay Mommy.

Pagkatapos kong magpaalam ay lumabas na ako ng bahay at dumiretsyo sa sasakyan. May driver ngayon kaya magpapadrive muna ako sa kanila, sayang naman ang pamasahe ko, hehe.

Pagkadating ko sa grocery ay tinext ko ang number na pinantawag sa akin kanina ni Yackie.

Saan ka na? Nandito na 'ko sa grocery.

Nilock ko na lang muna ang phoneko at dumiretsyo sa loob ng grocery. Nagtulak ako ng cart at sinimulang maglakad.

Tiningnan ko ang papel na binigay ni Mommy at pumunta ako kaagad sa pasta nang makita ko iyon sa listahan.

Maghahanap-hanap muna ako habang hinihintay ko si Yackie. Medyo malayo pa naman dito 'yung school at baka natraffic pa iyon.

Kailangan pala ng cornbeef. Nakakita ako ng cornbeef at madaling tinulak ang cart ko ng madulas ako paurong. May nasagi ata ako!

Buti na lang at hindi madulas ang sandals ko kung hindi bugbog ang pwetan ko.

Tiningnan ko iyong nasagi ko at napanganga na lang ako sa ngisi kong nakita.

He's wearing black trouser na may lines sa gilid na kulay pula. Nakatsinelas lang ito at may guhit-guhit rin iyon sa harap. Napatingin ako sa hoodie niyang itim na may nakasulat sa brand ng damit sa harap.

Bagong ligo din siya kaya medyo humaba ang buhok niya.

"Looks like you're stalking me, Ms. Kbye." Aniya at ngumisi.

Gumuho ang mundo ko at mabilis na nairita sa sinabi niya. The heck?!

"Kapal ng mukha mo," aniya ko at inirapan siya. Iniwas ko ang cart ko sa kanya at naglakad na nang harangan naman niya ang cart ko.

"We're same color of clothes, huh?"

Napatingin ako sa damit ko at lumaki ang mata ko. "Oh, bakit?" Nilingon ko siya, "Bawal na ba ngayon ang may kaparehang kulay nang damit?"

Ngumisi siya at mas lalong hinarang pang hinarang ang cart ko. Hindi ko alam pero nag-uumpisa na ang pagkabwiset ko sa kanya.

The Sensation Of Being Drown (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon