Longest chapter, I think?
-
Chapter 19
Hindi ko maintindihan. Pero naiinis ako sa sarili ko ngayon. Masyado ba 'kong naging harsh sa kan'ya?
Aish.
Countings pa lang naman. Pero hindi na pumapasok sa utak ko 'yung sinasabi ng Instructor.
"Gets? 'Ge, harap na kayo sa partners niyo."
H-harap?
Kinagat ko ang labi ko at humarap na sa kan'ya. Nag-angat ako ng tingin. Hindi siya nakatingin sa akin, instead, sa harap. Seryoso rin ang mukha niya at umiigting ang panga niya.
He kinda look so mysterious yet hot. After 123456 years, napagmasdan ko na naman ang maamo't nakakatakot niyang mukha. Gets mo ba?
Kung hindi, ako rin. Hindi ko alam, pero, kinikilig na naiinis ako. Naasar na nasasayahan ako.
Hindi ko naiintindihan ang sarili ko. Hindi ko mapaliwanag. Basta, ang alam ko lang ngayon ay kitang-kita ko ang kag'wapuhan ng isang August Cohle Monterez.
"Torres!"
Napatalon ako sa kinatatayuan ko at lumingon sa harap. Lahat ng mata nila ay nasa sa akin, as in tutok na tutok.
"P-po?" kunwaring takang tanong ko at dinedma ang mga tingin nilang nakakahiya.
"Anong ginagawa mo?" tanong ng Instructor namin at tinaasan pa ako ng kilay.
Nakarinig ako ng mahinang tawa sa gilid, kaya lumingon ako doon. There, I saw Cohle's smirking face.
Ba't?
"Nagfofocused ka ba-" napalingon ako ulit sa harap. Sobrang talim ng tingin niya. At kung p'wedeng makamatay 'yon, ay baka kanina pa ako nakahandusay at patay rito, "O 'yang kapartner mo ang kinafo-focus-an mo?!" mataray na tanong niya.
"P-po?" napalunok ako, "S'yempre," kinagat ko ang labi ko at tumango, "Nagfo-focus po ako sa in'yo.
Tinaasan niya ako ng kilay, "Siguraduhin mo lang," aniya at tinalikuran ako.
Nilingon ko naman itong katabi kong patawa-tawa. Ewan ko, pero hindi ako naiinis sa kan'ya sa pagtawa niya sa akin.
"Ba't?" pinipigilan kong ngumisi.
Umiling-iling siya, "Sungit?" natatawa niyang sabi at nilapit ang mukha niya na ikinalunok ko. "Naistorbo ba 'pag tingin mo sa akin, kaya ka wala sa mood?" tanong niya at ngumiti.
A-ano bang ginagawa niya?
Sobrang kaba ko ata kanina kaya halos parang tinatambol na ang dibdib ko. Hindi naman ako hinabol, pero sobrang bilis ng tibok nito.
Napakurap ako ng makitang ngumisi siya lalo, "H-ha?" Wala sa sariling nasabi ko.
Biglang pumungay ang mata niya. Ngumiti ito, "Eto na, oh. Tingnan mo ng mas malapit. Para 'di kana magsungit."
A-ano bang ginagawa niya?!
Feeling ko, umakyat lahat ng dugo sa pisngi ko. Nag-init din ito, kaya ko tinakpan. Pesteng pisngi na 'to!
Nagslow motion din ang pagngiti niya at bahagyang paglapit ng makinis na mukha.
Nang magising ang diwa ko ay kinunutan ko siya ng noo at tinarayan, "H-ha! Ano bang pinagsasasabi mo!" sigaw ko at umurong.
BINABASA MO ANG
The Sensation Of Being Drown (On-Going)
Teen FictionDevastated Series #1 Nagising na lang si Astrid Kei Torres na nakatayo na siya sa tapat ng Gym at may balak na gawin-hindi, utos iyon nang magaling niyang kaibigan sa school. Balak na niyang magtapat sa kanyang Irog. Pero syempre, hindi pa rin niy...