Chapter 11Kahihiyan
Kami na lang ata nila Milana't Jerry ang hindi pa nakakapasok sa loob ng Computer room. Wala na kasi akong makitang nakatambay na kaklase ko dito sa labas.
"Baka late na tayo." Aniya ni Jerry.
"Pero 'di ba, consider as vacant na tayo?" Tanong ko. "Tsaka wala naman si Ma'am, walang attendance."
Tumango na lang sila at bubuksan na sana namin ang pintuan nang magstop kaming pare-pareho.
"Sino magbubukas?" Sabay-sabay naming tanong sa isa't-isa.
Napakagat ako sa labi ko. Pare-parehas kaming nahihiya! Hindi naman pwede na si Milana, mahiyain. Hindi din ako, dahil nahihiya din ako! Hindi ko naman pwedeng sabihin na si Jerry, dahil hindi naman kami ganoon ka-'close' tapos uutusan ko siya.
Suminghap ako at nilingon sila, "Ako na lang, sige." Kinakabahan kong sabi.
Ikaw muna ngayon, Astrid. Mag-adjust ka muna...
Hinawakan ko ang doorknob at dahan-dahang binubuksan. Nang mabuksan ko na ito, may mga lalaking nakatayo sa harap at may projector din.
Uh-oh...
Sabay-sabay na napalingon ang mga nagklaklase doon sa amin.
What the eff!
Sobra-sobramg kahihiyan ang nararamdaman ko. Nanlalambot din ang tuhod ko sa titig nang lalaking una kong nakita.
"Shit.." narinig kong sabi ni Jerry.
"Sorry," aniya ni Milana at hinila na nila ako palabas.
Pagkalabas namin nagtawanan silang dalawa habang ako ay sobrang bilis ng tibok ng dibdib ko."Grabe, laughtrip 'yun." Aniya ni Jerry.
Napatingin ako sa kanila, napatingin din sila sa akin. Napabuntong hininga si Milana at hinagod ang likod ko at iginaya na ako papunta sa kabilang Computer room.
Hindi ko alam kung nahihiya lang talaga ako kaya ganito. Pero sobrang bilis talaga ng tibok ng puso ko.
Para akong tumakbo ng milya-milya...
The scene a while ago suddenly flash in my mind. His dark brown eyes that feels like I'm drowning every time. At ang halong gulat at mangha nang mga mata niya. Bahagya ring bumuka ang bibig niya, and it's kinda sexy.
Nakarating na kami sa Computer Room 2 at halos lahat ng mga kaklase ko ay naka-upo na sa mga pc, habang kami ay naghahanap pa lang.
"Bakit ngayon lang kayo?"
Napalingon kami sa boses sa likod. It was Monica, our muse. Na-agaw nang pansin ko ang hair clip niya na kulay pink na hinaluan ng neon green. Sa hair clip pa lang nito ay mahahalata mo na o malalaman mo na kung anong attitude at sense sa style nito.
Napangiwi ako at tiningnan siya. Nakakunot ang noo nito sa amin.
"Oh, Jerry. Kasama ka nila?" Sulpot ng isang boses sa gilid.
May kaliitan ito at mas matangkad pa si Monica sa kanya. Mahaba din ang buhok nito at nakakulay ng blode. Hindi lumagpas ang tingin ko sa headband niyang neon green ang kulay. Ayos na sana ang isyura ng buhok niya kung walang headband.
Hindi kumibo si Jerry kaya nagsalita si Milana. "Oo, nalito kasi kami kung saang computer room ba."
Hinawakan ni Milana ang gilid ng damit ko. Signal siguro na umalis na kamo dito.
"Yeah. Hanap muna kami ng pc, sige." Sabi ko at sinundan si Jerry na nanguna na sa paghahanap ng pc.
Buti na lang at may bakanteng tatlo banda sa dulo at gilid.
"Dito na lang tayo." Aniya ni Milana at umupo sa pagitan ng mga upuan.
Umupo ako sa gilid ni Milana, ganoon din si Jerry. Maya-maya, lumapit na sa amin anv mga naka-assign sa Computer Room.
Habang binubuksan noong naka-assign sa aking pc, nagsalita sa Jerry at naki-usyoso na rin ang mga iba.
"Galing kami sa kabilang Computer Room."
"Talaga? Nanggaling din kami du'n, haha! Nakita mo 'yung mga naglelesson? Nakakahiya!"
"Hmm, yeah..."
"Mga first year ba iyong mga 'yon?" Ibang boses naman, pero babae na ngayon. "Hindi kasi familiar 'yung isang lalaki!"
"Gaga!" Nagulat ako sa nagsalita, kaya napalingon ako sa gilid. Iyong nag-ayos kanina ng pc ko. "Hindi mo ba kilala iyong transferee? Siya 'yun."
Nakarinig ako ng kaluskos ng upuan, "Talaga? 'Yung Monterez ng Saint Paul?!"
"Isa lang naman Monterez ng Saint Paul." Si Milana.
Monterez? S-si Cohle. Pabilis na nang pabilis ang tibok ng puso ko. Para akong tumatakbo!
"Cohle ata ang pangalan nu'n," aniya ni Jerry. "Nakasama ko na sa isang game 'yon, pero hindi basketball."
"Hindi mo ba kilala 'yon, Astrid?"
Napalingon ako sa nagtawag sa akin. Isa iyon sa mga atat na atat magtanong tungkol kay Cohle.
"H-ha?" Nakatanga kong sabi.
"Si Cohle? Hindi ba galing ka sa Saint Paul?" Nagtaas siya ng isang kilay. "Don't tell me, hindi mo siya kilala?"
"H-huh? Syempre. Si Cohle? Oo, naman."
Hindi ko siya pwedeng hindi makilala. Isa lang naman ang Monterez na nagpapakabog ng ganto sa dibdib ko.
BINABASA MO ANG
The Sensation Of Being Drown (On-Going)
Подростковая литератураDevastated Series #1 Nagising na lang si Astrid Kei Torres na nakatayo na siya sa tapat ng Gym at may balak na gawin-hindi, utos iyon nang magaling niyang kaibigan sa school. Balak na niyang magtapat sa kanyang Irog. Pero syempre, hindi pa rin niy...