Chapter 15Uncrush
Nagpapalit kami ngayon ng PE uniform dito sa CR. PE day kasi namin ngayon at hindi pwedeng hindi ka mag-participate. Bawal kasi ang pabebe ngayong terror pa naman ang Coach namin dito.
Inayos ko lang ang tupi ng extrang T-shirt ko sa bag at lumabas na kasama si Yackie. Naka ponytail siya ngayon, habang ako, buhaghag at walang kung ano sa buhok ko.
"Grabe, anong gagawin kaya natin?" Tanong ni Yackie pagpasok namin sa Gym.
Umupo na kami sa bleachers, tabi ni Milana. "H'wag naman sanang mahirap, mamatay ako!" Aniya at itibaas ang paa sa harap.
Para talagang ano 'to! Hahaha.
Sisitahin ko na sana siya ng bigla niyang binaba ang paa niya at umayos ng upo sa gilid na ikinataka ko.
Hindi ko na lang 'yon pinansin at kina-usap si Milana, "Wala ata si Jerry?" Tanong ko.
Umiling siya, "Nandyan lang 'yon. Baka nagpapalit. Kanina kasi kasama ko siya pagpasok, pero hindi ko na nakita ngayon."
Tumango na lang ako at hinintay na lang ang Coach namin. Dumating naman siya kaagad na may dalang pito at bola.
Ah? Don't tell me na magbabasketball kami?
"Good morning!" Sigaw niya sa ilalim. "Bumaba na kayo r'yan at magwarp-up na!"
Nagsibabaan kami sa takot. Hindi alam ng iba kung saan pwe-pwesto sa kadahilanang; natatakot silang mapalapit kay Coach.
"So, gawin niyo muna 'yung warm up---" naputol 'yon at malaking sigaw ang palit. "Boys! Dalian niyo, labas na!" Iritang sabi niya at naupo sa harap.
Napanganga ako ng nagsilabasan ang dalawang gwapong players ng UA. Imbis na tahimik ang lugar ay umingay sa tili ng mga babaeng iba rito. Pati si Yackie at nakikisigaw din, pero tumahimik din.
"Sige, lahat ng tumili, minus 100 points up to 250!" Sigaw ni Coach sa gilid.
Nagsitahimikan sila at nakinig na lang. Pero 'di pa rin maiiwasan ang kilig ng mga tao rito.
Inaninag ko ang isang player, medyo kayumanggi siya na chinito. May pagkabrown ang mata niya at pink lips siya. Matangkad siya at medyo build din ang katawan. Ang gwapo niya! Minsan na lang ko makakita ng gwapong kayumanggi. At crush ko na ang isang 'to.
Sumunod naman ay maputi naman ngunit medyo may pagkamahaba ang itim niyang buhok. Makapal din ang kilay niya at may kulay ang mata niya na nakaka-hanga kung titingnan. Mapula rin ang labi niya at sobrang bumagay sa kanya ang kulay asul niyang damit, na mas ikinagwapo niya.
Naagaw ng atensyon ko ang ingay ng kiskis ng sapatos sa sahig. Tumingin ako sa gilid sabay ng kurot sa braso ko. Kinurot ako ni Yackie.
Medyo humaba ang bangs niya sa harap ay nakanguso siya habang papunta rito. Hawak niya ang bola at ibinato iyon sa chinito. Ang gwapo niya... Bagay sa kanya ang puti niyang damit at blue na jersey shorts. Siya lang ang nakaganyan sa ibang players na nandito. Lahat kasi sila ay nakapants nang PE.
"Coach, wala 'yung PE ko. Okay lang siguro 'to?" Ani ni Cohle.
Hindi ko narinig ang sagot dahil nagsilakasan na naman ang tili na medyo ikinainis ko.
Sinuway na naman sila ni Coach at sinimulan na ang warm-up. Sa unang warm-up, medyo hindi naman kami nahirapan.
Medyo nahihiya lang ako at naco-consious kung anong itsyura ko ngayon, dahil nga umiikot-ikot sila Cohle.
Ang iba ay enjoy na enjoy ang nangyayari at walang pake basta mapansin sila. Pumikit na lang ako at ginawa ang mga warm-ups.
Medyo napapatingin ako kay Cohle kasi panay ng halakhak niya sa gilid na ikina-iirita ko. Nasa tapat niya 'yung Muse namin. Na obviously, may chitchat sila.
Tss, muntik ko nang makalimutan na may atraso siya sa akin! Ang antipatikong 'yan.
Umirap ako sa hangin at itinuloy ang warm-up dahil sigaw nang sigaw ang Coach namin.
"Hindi ganyan, miss." Malamig na boses sa gilid.
Kumunot ang noon ko at lumingon sa gilid. Nakita ko si Chinito boy!
"H-hi." Nahihiyang sabi ko at ngumiti.
"Hello." Ngumiti rin siya pabalik at lumitaw ang dimple niya sa pisngi.
Shit! Ang gwapo.
"Hmm, 'yung pag warm-up mo, miss... mali, eh. Pwedeng sumakit lalo yung katawan mo 'pag maling warm-up 'yung ginagawa mo."
"A-ahh.."
Tinigil ko ang ginagawa ko, "Paano ba ang maayos? Hindi ko kasi alam, eh. Pwedeng ituro mo?"
Tumango siya at ngumiti, "Oo naman."
Hinawakan niya ang kamay ko at iginaya patalikod, "Ganito, ha? Sabihin mo kung masakit."
Tumango ako. Hinila niya patalikod ang kamay ko. Medyo mahirap at masakit, dahil na rin siguro 'di ako nagst-strech parati.
Napapapikit ako kasi medyo masakit talaga. Napasulyap ako sa gilid at nakita ko si Yackie na umiiling at ngumingisi kaya nahiya tuloy ako.
"M-masakit?"
Umiling ako at nagbilang ng 10, 9, 8, 7, 6-, 0.
Nilingon ko iyong lalaki at ngumiti, "Hehe, thank you po."
"Always welcome." tsaka siya nagkamot ng batok at nakita ko na naman 'yung dimple niya.
"Mali 'yan!"
Naagaw ng atensyon ko ang malakas na sigaw sa gilid. Pawis na pawis at namumula si Cohle habang binubulyawan 'yung kaklase kong medyo lampa.
Tsk! Ang sama talaga ng ugali. Ba't ko pa ba naging crush ang masungit at antipatikong 'to? I should uncrush him.
Nakakapagtaka naman sa lalaking ito. Kakapalit at transferee pa lang pero kunc umasta parang boss! Tss, bossy ba pati rito?
Nanlaki ang mga mata ko ng sinulyapan niya ako ng tingin at sobrang dilim ng mukha niya. What's wrong? Pati ba ako idadamay niya sa kabuwisitan niya sa buhay?
Minsan, nakakapagtaka ang lalaking 'to. Ang moody niya na ewan. Sa ilang years na pinagmamasdan ko siya sa malayo, ang bait ng pakikitungo niya at friendly niyang tingnan. Kaya nga naging crush ko siya.
Not that day na nu'ng nagconfess ako. Putek, naalala ko pa 'yung pangbabalewala niya at iba ng tingin niya sa akin nu'n.
'Yung nagkasama kami sa Grocery, ang weird niya. Nu'ng naka-apak ako ng jackpot. Taena, napaka-antipatiko naman niya nu'n.
Hindi ko alam kung may sakit siya, baliw o abnormal. O talagang moody lang siya?
Lumiit ang mata ko nang tinaasan niya ako ng kilay. Psh. Nagtataray naman ngayon?
Inirapan ko na lang siya at lumingon na lang sa lalaking nasa harapan ko at nagpasalamat na lang ulit.
BINABASA MO ANG
The Sensation Of Being Drown (On-Going)
Novela JuvenilDevastated Series #1 Nagising na lang si Astrid Kei Torres na nakatayo na siya sa tapat ng Gym at may balak na gawin-hindi, utos iyon nang magaling niyang kaibigan sa school. Balak na niyang magtapat sa kanyang Irog. Pero syempre, hindi pa rin niy...