Chapter 13Pride
Naagaw ng atensyon ko ang mukha ni Amadeus na biglang nag-pop sa screen ko.
Amadeus Gonzáles
: Musta?Nireplyan ko iyon.
Ayos lang. Ikaw?
Nagtype kaagad ito kaya hinintay ko na lang ang reply niya.
Amadeus:
Been busy this past few days, LOL. Ikaw ba?Same, paproject.
Nagback na muna ako at binalikan ang profile ni Cohle. Kinagat ko ang labi ko. A-accept ko ba o hindi?
"Ast!"
Tinaas ko ang paningin ko at nakita ko si Yackie na nakasimangot. Kumunot ang noo ko, puno nang pagtataka.
"Kanina pa ako nagsasalita rito, pero hindi mo ako pinapansin." Sumimangot siya lalo. "Patapos na break time. Tara na," tsaka na siya tumayo.
Nilingon ko sila Milana, nakatayo na rin pala sila. Putek, nakakahiya.
Tumayo na rin ako at sumunod sa kanila.
Dumaan ang mga araw na lumipas pero, gulong-gulo pa rin ako kung bakit ako inadd sa Facebook ni Cohle.
Baka napindot lang niya? O kaya habang nagsco-scroll siya napindot lang niya ng hindi dinasadya 'yung pangalan ko ng hindi niya nahahalata?
Taena. Mapapatay ako ng kuryosidad ko't pagtataka.
Hindi ko na rin siya nakita simula nung huli ko siyang nakita. Siguro, busy rin 'yon.
"Astrid!"
Napatalon ako sa lugar ko ng gulatin ako ni Yackie. Sinamaan ko siya ng tingin, pero tumawa lang siya sa harapan ko.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ay, ang sungit?" Ngumuso siya, "Anong iniisip mo? Malayo pa naman ang biyernes santo, pero ganyan na ang mukha mo." Tsaka siya tumawa ulit.
Napabuntong hininga ako at naalala ko na, hindi ko pa pala naikwento sa kanya!
Nilingon ko siya at nilapitan. Nagtaka naman siya kaya kumunot ang noo niya, "Bakit?"
"Yacks! Muntik ko nang makalimutan sabihin sa 'yo!" Sigaw ko kaya napapikit siya.
Natawa ako sa reaksyon niyang takip ang tenga. "Masakit sa tenga!" Reklamo niya at nagmulat ulit ng mata. "Pwede namang hindi ka sumigaw mismo sa harapan ko, 'di ba? Pwede namang mahinahon lang-"
Pinutol ko kaagad ang sinasabi niya, "hindi ako makapaghinahon dahil ilang araw nang bumabagabag sa akin 'to, Yacks!"
Sumimangot siya.
"Hindi ko kasi alam kung bakit. Uhm," hindi ko matuloy-tuloy dahil nahihiya ako!
Kumunot ang noo niya, "ha, ano?"
"Kasi..." ngumuso ako at pinigilan ang nagbabadyang ngisi. Putek, kinikilig na naman ba ako?
"Kasi, pagbukas ko ng Facebook nu'ng isang araw, may nag-add sa akin-"
"Taena, normal lang na may mag-add sa 'yo. Ano ba? OA much-"
"OA talaga kasi si Cohle ang nag-add sa akin!"
Wala na nasabi ko na. Ang malas pa ay sigaw ang ginawa ko kaya naka-agaw iyon ng matinding atensyon dito sa mga benchs.
"Hindi nga?" Gulat na reaksyon ni Yackie pero pinipilit niyang hindi magtitili. "Sa libo-libong followers nu'n sa Facebook, inadd ka niya? Eh ako nga, hindi naman ako magiging friends sa Facebook nu'n kun'di sa Club!"
Famous na talaga kasi 'tong si Cohle simula pa lang. Ang hirap niyang iadd lalo na't famous siya. Baka matabunan lang ang pangalan mo.
"Gaga, seryoso?! Nakakaloka ka!" Aniya at tumayo. Hinawakan niya ang noo niya at tumingin sa taas, "Kung kayang umamin din ako? Iaadd din ba niya ako?"
Kumunot ang noo ko sa kadramahan niya, "Sino ba?" Ngumisi ako, "at idare rin kita kamukha ng ginawa mo sa akin!"
Binaba niya ang tingin niya at padabog na umupo ulit sa tabi ko. "Ay, 'te, 'wag na at nakakahiya. I already chat him, at napaamin niya na ako."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya nilingon ko siya, "Hindi nga?! Ba't ngayon mo lang sinabi?! Sino ba 'yan?"
Sumimangot siya, "Nasabi ko na sa 'yo, eh! 'Yung bagong captain ball ng Saint Paul?"
"Ah, hindi ko kilala." Ngumisi ako. "Pakilala mo naman sa akin."
Sumimangot siya, "Paano ko papakilala, eh, hindi na nga ako pinapansin sa chat nu'n!"
"Sad." Pang-aasar ko kaya hinampas niya ako.
"Oh, inaccept mo." Hindi 'yon tanong, kasi siguradong-sigurado ang boses niya.
Umiling ako at nag-iwas ng tingin. Nabigla ako ng sinapak niya ako kaya nilingon ko siya.
"Gaga ka ba o shunga lang?" Nakataas niya na kilay na tanong. "Ilang taon mong hinintay 'yung pag-accept niya sa 'yo, 'di ba? Tapos ngayong, inadd ka niya ayaw mo namang i-accept!"
Madrama akong tumagilid ng upo, "Hindi naman sa nagpapabebe... pero pabebe ba talaga 'tong ginagawa ko?" Patanong ko sa dulo.
"Sobra," nilingon ko siya. "Sobrang pagiging pabebe 'yang ginagawa mo." Aniya at sumimangot.
Bumuntong hininga ako, hayst. "Nahihiya lang talaga kasi ako tsaka..."
Tsaka? Ano pa bang dahilan ko kung bakit ayaw ko siyang i-accept. Come on! Dahil sa lintik na pride ko lang naman at natitirang kahihiyan.
Isip ko lang naman ang pilit na humihindi, eh. Pero, God knows how I wish this. Noon pa man. Pero anong nangyayari at nagkokontra ang isip at puso ko?
Nagulat ako sa biglang lahad ng cell phone sa akin ni Yackie. Kinunutan ko siya ng noo tsaka, "Anong gagawin ko?" Tanong ko.
"Kainin mo baka masarap." Pagsusungit niya. "I-open mo ang Facebook mo. At kung ayaw mo naman i-accept, ako ang mag-a-accept!" Utos niya.
Ngumuso ako pero tinaasan lang niya ako ng kilay. In the end, hawak ko na ang cell phone niya at tinitipa na ang password ko.
Wala na akong nagawa nang tuluyan nang mag-log in ang account ko sa cell phone niya.
This is it.
BINABASA MO ANG
The Sensation Of Being Drown (On-Going)
Teen FictionDevastated Series #1 Nagising na lang si Astrid Kei Torres na nakatayo na siya sa tapat ng Gym at may balak na gawin-hindi, utos iyon nang magaling niyang kaibigan sa school. Balak na niyang magtapat sa kanyang Irog. Pero syempre, hindi pa rin niy...