Chapter 2

182 2 0
                                    


Chapter 2

Facebook

SOBRANG ingay dito sa corridor habang naglalakad ako. Mas umingay pa ata ngayon sa mga nakaraang araw. Super duper ingay na ngayon, promise.

Gumilid na lang ako sa paglalakad. Pupunta muna ako ngayon sa Cafeteria, break time ngayon kaya natural maingay. Ang iba kasi ay tsismis at kung ano-ano na lang ang pinag-uusapan.

Sa sobrang tagal ko nang nag-aaral, alam ko na ang mga ibang estudyante. Hindi naman ako tanga para hindi ko alam ang pinag-uusapan nila eh. Naging ganyan din ako noon, kiddin'.

Kumaway si Ion sa akin, pagkakita niya sa akin. Nandoon siya 'di kalayuan dito sa entrance ng Cafeteria.

Maraming mga babae ang nasa tabi niya't nakamasid sa kanya. Ano pa bang aasahan ko? Eh ang gwapo-gwapo ba naman ng bestfriend ko, 'di ba?

Kinawayan ko rin siya at dumiretsyo sa tabi niya. Napansin kong marami ang nagreact sa pagtabi ko kay Ion at ang pagngiti niya sa akin.

"Gwapo mo." Pambungad ko sa kanya.

Kumunot naman ang noo niya tsaka pinipigilan niyang ngumiti, "Huh?"

Kita mo ang isang 'to, pakipot pa. Gets naman niya ang sinabi ko. "Sabi ko, ang gwapo mo. Kaya tignan mo, ang daming nakatingin sa 'yo ngayon."

"Sira ka talaga." Aniya at ibinigay sa akin ang frappe na nasa tabi niya. "Ayan oh, binilhan na kita. Mahaba kasi ang pila at baka hindi ka pa makaabot."

Feeling ko namula ako sa sinabi niya. "Ohh, ang sweet naman." Kinikilig na sabi ko.

Ang sweet talaga kahit kailan nitong si Ion. Nagtext kasi ako sa kanya bago pumunta dito na gusto kong sabay kami magfrappe. Hindi ko naman expected na ibibili niya ako at ililibre.

"Libre naman siguro ito, 'di ba?" Pacute na sabi ko habang sumisipsip ng frappe.

Syempre, kailangan kong magpacute at baka singilin niya pa ako. Sayang naman at libre na sana, naging nganga pa.

"Nah-ah," umiling-iling pa ito kaya sumimangot ako. "Libre na 'yan kung tutulungan mo ako mamaya."

"Ha? Saan naman?"

Nakakapagtaka at minsan lang magpatulong si Ion sa akin. Hindi naman niya kasi ugaling manghingi ng pabor, ako pa sana, hehe.

"Later," aniya at hinawakan ang phone at may pinindot-pindot doon.

"Bahala ka nga," aniya ko at nagphone na lang din. Napunta ako sa Facebook dahil marami na palang notification dito. Maski sa Messenger.

Simula kasi last Monday, hindi ko na muna inopen ang mga social medias ko. Sigurado kasing maraming magmemessage sa akin at magtatanong kung saan ako lilipat o bakit ako lumipat ng school.

Una kong binuksan ang Facebook. May sampong nagsend sa akin ng friend request. May bente ding notifications, na hindi ko alam ang dahilan. Minsan lang kasi 'to dumadami.

Una kong binuksan ang friend request. Halos hindi ko naman kilala pero, napastop ako sa pagscroll.

Lea Manuel
Confirm | Delete

Yoe mayHero
Confirm | Delete

Amadeus Gonzáles
Confirm | Delete

Amadeus? Wait..

Napatitig ako sa profile picture niya at halos mabalibag ko na ang phone ko ng makumpirmang siya nga iyon!

Pero ba't niya ako inadd sa Facebook?!

Pinindot ko ang account niya at inistalk siya sa Facebook. Nakasuot siya ng business attire sa profile picture niya.

Sobrang hot at matured niya talagang tignan. Pero hindi papahuli ang green niya na mata, nakakasilaw, taena.

Nagscroll pa ako ng nagscroll hanggang sa makita pa ang mga iba niyang pictures na nakapublic. Libo-libo ang mga reactors niya!

Maski sa simpleng post lang niya na wala namang catchy doon o pictures ay hindi papahuli.

Amadeus Gonzáles
Hi.

1.5k likes 1.2k comments 900 shares

Taena lang, 'di ba? Ako nga kahit feeling ko napakaganda na nang profile picture ko ay masaya na ako pag-umabot ito ng 80+.

Kumunot ang noo ko sa mga katangahan na naiisip ko. Pero hindi talaga eh. Ang famous ng lalaking ito.

Tapos 'yung mga jeje ko na post noon eh, hindi man nga umabot ng 5 likes eh. Kahit sobrang uso pa nang pagiging jejemon noon. Tanging si Ion lang ang naglalike at nagcocomment sa mga post ko.

Napanguso ako tsaka ko naalalang nagjeje rin pala ng post si Ion noon pero libo-libo pa din ang likes niya at comments.

Ang unfair talaga! Pero hayaan na natin, hehe. Iba talaga 'pag famous eh.

Famous din pala si Amadeus. Ba't pa ako nagtaka? Eh si Cohle nga, trainee pa lang ng basketball noon eh, famous na din. Ehem.

Nagdalawang isip ako bago ko pindutin ang confirm. Ba't pa ba ako mag-iinarte, 'di ba? Tsaka ano naman kung icoconfirm ko siya? Crush ko kaya siya.

Kinonfirm ko siya at pumunta sa notifications. Wala namang mahalagang notifications doon. Wala naman doon 'yung palagi kong inaabangan tuwing magbubukas ako ng Facebook.

Nakakawalang gana tuloy magpatuloy sa pagfe-facebook.

Nagpunta na lang ako sa newsfeed. At kung nang-aasar ba naman ang Facebook, 'di ba? Bumungad siya sa akin. Siya ang una-una kong nakita. Profile picture niya iyon at stolen shot 'yon habang hawak niya ang bola.

August Cohle Monterez
Yo.

6.7k likes 2.1k comments 1.5k shares

Punyeta! Napakagat ako sa kuko ko at pinipigilan tumili. Punyemas!

Hindi pa masyadong build ang katawan niya. Pero matangkad siya at isa 'yon sa mga tipo ko, pati na rin ang pagiging payatot niya. Heeeee!

Teka?! Ba't ba nandito sa newsfees ko 'to?! Hindi pa naman niya nga ako ina-accept eh. At isa pa, wala na akong pake sa kanya!

Napasabunot ako sa sarili ko nang maalalang nakafollow pala ako sa account niya. At ang gaga ko, talagang magiging una siya sa newsfeed ko dahil nakasee-first siya!

Bobita Astrid.

Mabilis kong pinutahan ang account niya at tinanggal ang pagkakafollow sa kanya. Tinggal ko din ang matagal ko nang friend request sa kanya, na hindi naman niya ata napansin. At baka maimbak lang at maging bulok lang.

Inunfollow at ni-remove friend request ko na siya.

From now on, move on na Astrid.

Is it really time to say goodbye, Irog?

Natigil ako sa 'pagmo-moment ko nang marinig kong humalakhak si Ion kaya napatingin ako sa kanya.

Buti pa siya masaya.

"Ano 'yan, patingin?" Aniya ko at sumilip sa screen ng phone niya.

At ganoon na lang gumuho ang mundo ko at ang pag-eemo ko.

The Sensation Of Being Drown (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon